L I E Z E L“Ikaw na lang at si Hub ang kulang dito. We already have our first client. Now in Ghost Fighter Clubroom”
Iyon ang deretsong sinabi ni Ren at agad binaba ang tawag. Nakatingin lang si Hub saakin na parang tinatanong kung ano ang sinabi ni Ren.
"May client na tayo. Ako nalang daw at ikaw ang kulang kaya kailangan na nating bumalik sa classroom," wika ko at tumango naman ito. Malapit lang naman ang school dito sa apartment ko kaya agad kaming nakarating ni Hub sa school. Deretso agad kami sa clubroom at naabutan namin silang nakaupo na sa magkabilang sofa. May isang pamilyar na babae din ang kasama nila pero hindi ko maalala ang pangalan.
"Kompleto na tayo. Anyways, this is Lira. She called me if we can help her at kung hindi niyo napansin classmate natin siya," deretsong sabi ni Ren nang makaupo na kami ni Hub sa tabi ni Mika.
"I know. Diba ikaw iyong palaging top one sa klase?," tanong ni Aia sa kay Lira at tumango naman ang huli.
"Ano bang maitutulong namin?," tanong ko kaagad. Nabaling naman kaagad ang tingin niya saakin at napasulyap kay Hub. Wait, what? Don't tell me nakikita niya si Hub?
"Oo, nakakakita din ako ng multo. Palagi kitang nakikitang kasama iyang lalaking multo na nasa tabi mo," agad na sabi ni Lira na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Woah, woah! This is totally cool," sabi pa ni Mika na manghang-mangha dahil nadagdagan na naman ang may ability na makakita ng multo.
"Ang problema ko kasi ay may isang lalaking multo ang sumusunod sa akin at minsan niya na din akong pinagtangkaan ng masama pero masyado kasi siyang malakas at nakakatakot kaya wala akong magawa," patuloy na sabi ni Lira.
"You want us to get rid of your ghost stalke?," tanong ni Aki. Obvious naman diba? Kaya nga humingi ng tulong. Utak naman, Aki.
"Oo. Mukha kasing rapist at nakakatakot talaga siya dahil ang laki ng katawanan niya at brutal ang pagkamatay dahil ang daming sugat at nakakadiri," sagot agad ni Lira.
"Minsan lamang siya sumusunod saakin dito sa school dahil kadalasan siyang naghihintay saakin sa bahay. Ako lang ang mag-isa sa bahay dahil nasa probinsya ang mga magulang ko kaya natatakot talaga ako sa posibleng mangyari kung hindi pa siya tumigil," patuloy nito sa pagk-kwento. No doubt that the ghost was attracted. Maganda si Lira, maputi, pero may pagka-nerd dahil sa salamin na sout nito pero ang cute niyang tignan sa salamin niyang same like Harry Potter's."Sa tingin mo, mas maganda kaya kung gabi natin siya dispatyahin? Mas maganda kasi 'yon dahil nga magv-vlog din kami at mas maganda pag gabi natin gawin 'cause it's a ghost fighter club afterall," suggestion ni Mark. Napatango naman kami dahil may sense naman ang sinabi niya.
"Ayos lang naman saakin as long as madispatya ninyo iyong multo," sabi ni Lira. Alas dos pa lamang ng hapon kaya naisipan naming tumambay muna sa clubroom at hintaying mag-ala sais para makapunta na kami sa bahay ni Lira.
Mayaman si Ren, Aki at Mark kaya sila ang nang libre saamin ng mga foods na in-order nila. May isang minivan din sina Mark na hindi na ginagamit sa kanila kaya sabi niya ay iyon na lang daw ang gamitin namin sa mga lakad namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/203754638-288-k537799.jpg)