L I E Z E L
Kinabukasan, maaga kaming pumunta ni Hub ng school and yep, sabay kami this time. Nandito kami sa usual tambayan namin nina Aia at Mika. Katabi ko ngayon si Hub at sa harap naman namin si Aia at Mika."Balita ko ay ngayon ang open ng mga clubs kaya walang klase whole day para makapili tayo ng club na sasalihan," bigay alam ni Mika. Hmm, ngayon na pala 'yon? Akala ko pa naman sa Friday pa. Ngayon palang martes.
"Balita ko din ay may mga bagong bukas na club eh," dagdag pa ni Aia.
"Anong sasalihan niyo?," tanong ko sa dalawa. Una namang sumagot si Aia na parang pinag-isipan na kung saan siya sasali.
"Theater and Drama Club ako," aniya at napatango ako tsaka bumaling kay Mika.
"Glee Club na lang siguro ako," sagot niya at tinanong din ako kung saan ba daw ako.
"Di ko pa alam eh. Titingnan ko na lang muna kung ano-ano pang club ang meron this year," sagot ko sakanila. Nag-kwentuhan pa kami dahil maaga pa naman para magsimula ang klase namin pero nahinto kami nang lumapit si Ren kasama si Aki at Mark.
"Kaibigan mo na pala 'yang Transferee?," narinig kong tanong ni Hub saakin kaya pasimple akong umiling at sinabing nakasabay lang namin 'yang tatlo kahapon pero hindi naman kami kaibigan, feeling close lang sila.
"Hi! May club na kayo?," tanong ni Ren nang makalapit ito saamin. Agad-agad umiling si Mika at Aia. Akala ko ba settled na ang sasalihan nilang club?
"Ayos! May bago kasing club na pinabukas namin sa SSC Officers. Ako ang Club President tapos Vice naman si Aki. Ghost Fighter Club ito. Unang miyembro namin si Mark kaya kung may balak kayong sumali ay pumunta lang kayo sa Club Office namin. Madali lang namang makita dahil may nakapaskil sa pinto na pangalan ng club. 'Yon lang, sige mamaya na lang ulit dahil magre-recruit pa kami," at umalis silang tatlo. Ghost Fighter Club?! Nagka-interes ako bigla at ang dalawa naman ay halatang gusto din sumali!
"Sali tayo, Zel! Total bagay ka naman sa gano'n at minsan mo na din kaming naisama kaya ayos na sumali tayo! Tsaka kasali kasi si Mark eh," excited na sabi ni Aia. Sus, si Mark labg naman talaga sadya niya eh.
Bumaling ako kay Hub na parang wala lang namang pake sa nangyayari. "Hub, sa tingin mo ayos lang ba na iyon na lang ang salihan kong club?," tanong ko rito.
"Pumayag ka na, Hub!," sabi pa ni Mika at Aia habang tumitingin din sa kung saan ako nakatingin na para banag nakikita nila si Hub.
"Sure. Suit yourself," simpleng sabi niya at nginitian ako. Kinilig naman kaagad ako sa ngiti niya. Kahit sa simpleng ngiti lang ng multong 'to ay napapabilid nito ang puso ko. Siya kaya? Gano'n din ang nararamdaman? I doubt that. He's a ghost.
"Okay. Doon ako sasali sa Ghost Fighter Club," napangiwi ako nang sabihin ko ang pangalan ng club ni Ren. Masyadong corny at common eh.
"Atta girl! Mag-fill up na tayo ng form doon sa club nila Ren," masiglang sabi ni Mika at tumayo na kaya sumunod na kami ni Aia at kasama din si Hub. Pumunta kami sa building kung saan nandoon lahat ng mga club offices. Masyadong malaki ang building kaya't maraming bakanteng room kaya siguro pumayag ang SSC Officers with the approval of the School Admins na bumuo ang mga studyante ng club na makaka-entertain sa mga studyante.
Nang mahanap namin ang clubroom nina Ren ay kumatok muna kami bago pumasok. Si Mark lamang ang naabutan namin na nakatulala sa blank forms na mukhang walang nagka-interes na fill-up-an.
"Hey! Sasali ba kayo?," masiglang bati niya na parang nabuhayan na sa wakas ay may pumasok sa tahimik at empty room na ito na halatang kakagamit pa lamang dahil walang masyadong gamit.
![](https://img.wattpad.com/cover/203754638-288-k537799.jpg)