Chapter 19

86 10 0
                                    

Chapter 19: Her Ex

Dedicated to neonhera31

***

"Saan ka ba pupunta? Kung magta-trabaho. Sama ako..." Hinawakan ko ang kamay ni Phythos para pigilan siya. Sinundo niya ako kanina sa dorm para ihatid ako sa University pero nalaman kong hindi pala siya papasok dahil may pupuntahan siya. Today is the last day of our Foundation Day.

"Mine, hindi pa masyadong magaling 'yang mga pasa mo. At, ngayong girlfriend na kita parang nakakahiya naman kung isasama pa kita sa mga raket ko."

Mine? He really wanted to call me with that. A sweet endearment.

"Pero ang boring sa dorm saka ayaw ko rin namang pumasok. Wala naman akong event. Mas masaya kapag sasama ako sa 'yo." I even smiled sweetly. Pero nanatiling matigas siya at umiling.

"Mine! No!" Umiwas pa siya ng tingin.

"Phythos! Promise, hindi nakakahiya kapag isasama mo ako kasi na-e-enjoy ko naman magtrabaho. I'm learning so I really like it."

Supladong nilingon niya ako. "Kahit janitor ang work ko ngayon. Sa maduming cr ako magta-trabaho, gusto mo pa rin?" Napalunok ako tila aatras na pero ayaw ko rin talagang pumasok.

"Kahit janitor pa, sasama ako!" Napatawa ako sa itsura niyang tila nagulat sa sagot ko at lalong naging problemado.

Kumapit ako sa braso niya para lalo pa siyang suyuin. "Pumayag ka na, Phythos. Promise, hindi ako magiging pabigat sa 'yo."

Nabuntong-hininga siya. Lalong lumaki ang ngiti ko. I can feel it, papayag na siya.

"Sige na, please...."

"Okay." Labas sa ilong na sagot niya tila gusto pang bawiin.

"Yes! Tara na!" Sobrang excited kong hinila ang braso niya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami tuluyang nakasakay sa jeep. Dati, takot pa akong sumakay dito dahil masyadong dikit-dikit ang mga tao pero dahil kasama ko naman si Phythos. Kaya kampante naman akong ligtas ako.

"Bayad po, dalawa! Sa may Monteciro!" sigaw niya at iniabot na ang bayad namin.

Monteciro? Why does it feel like I have already heard it?

Nilingon ko siya. Seryoso siyang nagtitipa sa keypad niyang cellphone. I really wanted to buy him a new phone. I even offered my second hand phones but he doesn't want to accept it. So, hinayaan ko na.

I respect his principle.

Napaangat siya ng tingin nang mapansin ang titig ko. Napangiti ako at inalis ang tingin sa phone niya. Hindi ako nahihiya na mahirap siya. Na ganito lang siya. Because, this is one of the things that made me fall for him.

"Ano 'yong Monteciro?" tanong ko.

"Basta malalaman mo mamaya." Napahilig ako sa balikat niya nang halos mag-iisang oras na kami nagbabyahe. Inaantok na ako.

Iba-ibang pasahero na ang nakasabay namin. Marami na ring bumabang pasaherong una naming nakasabay kanina.

"Gising na, malapit na tayo." Agad akong napamulat dahil sa bulong niya. Halos magdadalawang oras yata kaming nagbyahe.

Nang pumara na siya sumunod na rin  ako sa pagbaba sa kanya.

Habang pababa kami napansin ko pa ang mga tingin ng iba pang pasahero sa amin. Iba talaga, kapag ganito kagwapo kahit saan pumunta nakakakuha ng atensyon.

Napaangat ang tingin ko nang makita ang isang malaki at napagandang hotel na nasa harapan namin.

Monteciro Hotel

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon