Chapter 21

83 11 2
                                    

Chapter 21: Kidnap

***

Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Siguro dahil masaya ako. And Phythos never fails to make me feel special every day. 

Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. Paano kung ang sayang pinararamdam ngayon sa akin ay biglang bawiin. Parang 'di ko makakaya 'yon.

Patuloy din na sumasagi sa isipan ko ang tungkol kina Leonella at Phythos.

I really wanted to know their love story, but I knew he was right when he told me that: "Mine, it's not healthy to talk about past relationships with your partner. It brings insecurities and jealousy. And, Leonella and I will forever remain in the past. While, you are my present and future."

At naiisip ko ring parang ang unfair iniisip ko ang tungkol sa past nila ni Leonella habang siya ay tila walang planong magtanong tungkol sa past namin ni Aljhon. Pagkatapos, ng nangyari noon sa Monteciro Hotel hindi siya nagtanong sa akin o banggitin man lang iyon.

Siguro nga, isa 'yon sa pagkakaiba ng babae at lalaki.

"Ang lalim naman ng iniisip mo prinsesa?" Agad akong napaangat ng tingin at ngumiti.

"Hindi naman kuya, ako na ba?" tanong ko. Nandito kasi ako sa clinic ni Kuya Brandon. Umupo muna ako sa labas at hinihintay siyang matapos sa unang pasyente niya.

"Oo, halika na." Sumunod na ako sa kanya sa loob. For my weekly check up.

Habang tumatagal nakikita ko na ang epekto ng mga gamot at mga ointment sa pag-ayos ng peklat ko.

"How is it?" excited kong tanong pagkatapos niya itong i-check.

Napangiti naman siya. "Your skin is fully healed. Pwedeng-pwede ka ng magpasurgery!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango-tango naman siya. "Pero sabi noong Chinese doctor ko noon. Aabot ng 1 year?" Masaya ako pero hindi ko maiwasang mag-aalala.

"Actually, I'm shocked too sa bilis ng paghilom ng sugat mo. Maybe, a miracle gift for you so that you can now undergo surgery." Napangiti na ako.

Kuya, is one of the outstanding dermatologist in the country. He knows what he is doing.

"Thank you, Kuya. Thank you for being patient to me."

"You are always welcome. So, what's your plan prinsesa? Uuwi ka na ba sa China for your operation?" Napakunot-noo naman ako.

"Bakit naman ako uuwi? Dito na lang ako magpapa-surgery kuya. Saka, gusto ko ikaw." Bumuntong-hininga naman siya.

"Prinsesa, oo alam kong malaki ang tiwala mo sa akin dahil ako ang umalalay sa paggaling ng sugat mo. Pero, baguhan pa lang akong doctor hindi pa lubos ang kaalaman ko pagdating sa operation. Mas maganda kung sa may experience na talaga." Napatango naman ako. May point siya.

"So, anong suggestion mo, kuya? Do I still need to go back to China?" tanong ko.

"Yeah, pero kung ayaw mo naman since maraming nakakakilala sa 'yo doon. You can have your surgery here. I will recommend you to the best plastic surgeon in the Philippines." Nakahinga naman ako doon. I really don't want to go back.

"Thank you kuya, you're the best." Napangisi naman siya.

"I know hahaha. By the way, kailan mo planong ipaalam kila tita at tito ang tungkol sa boyfriend mo?" seryosong tanong niya. That caught me off guard. Nawala iyon sa isip ko. Nalaman kasi ni Kuya na boyfriend ko na si Phythos nang makita niya kami sa park. Mabuti na lang, suportado naman siya sa akin. Okay lang, basta masaya ako.

Enchanted (Available on Novelah & StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon