Kabanata 1
It really annoys me everytime they were talking about that Austin. I really hate him, kumukulo ang dugo ko sa kanya. I don't know why but there's something i hate about him.
"Sabihin mo naman sa Kuya mo kung pwede kami manuod ng practice nila mamaya!" Ani ni Dani habang yakap yakap ang isang poster ni Austin.
Umirap ako at tinuro ang poster na hawak nya. "Na dala yan?"
She rolled her eyes. "Duh! Syempre! I Stan Austin! What's wrong with that?"
"Kala koba kay kuya ka loyal?"
Unti unti siyang napatigil at sumimangot. Inilagay nya ang bagong poster ni Austin sa gilid at muling hinawakan ang banner ni Kuya Uno.
She pouted. "Syempre di ko ipagpapalit si Uno.."
Humarap naman ako kay France na abalang inaayos ang kanyang damit na may print na logo ng The Trivalz and she even wore her cute bunny head band. She smiled while looking at Warren and Gabb solo picts.
"Sana lang talaga wala duon si Austin..."
••••
Agad kaming nagtungo sa bahay para manuod ng rehearsal ng The Trivalz. Fan na Fan talaga sila Dani at France at hinawaaan lang nila ako dahil simula't sapul puro The Trivalz ang usapan nila. Tuwing may performance sa school ang banda ay grabe ang mga fangirls at lalo na sila, sila din ang admin ng official fan page ng The Trivalz at Community nito.
Pero kahit kailan ay di nila ako kinaibigan dahil Kuya ko ang leader ng banda. They helped me to become who i am right now, sila ang totoo sa buhay ko. Sila lang ang mga taong nagpapasaya sa akin sa oras na lahat ng bagay ay bumabagsak na. Sila lang ang mga taong totoong nagpapakatotoo sa akin.
They know their limits at hindi nila inaabuso kung anong meron ako.
Pagkarating namin sa bahay ay pinauna ko na silang pumunta sa rehearsal room pero agad silang umayaw duon.
"Nahihiya kami, Shai! Wait ka nalang namin!" Ani ni France.
"Iinom lang ako ng tubig.."
Hindi parin sila nagpapaawat dahil nahihiya raw silang pumasok duon. Hinintay nila akong makainom ng tubig bago tumuloy duon. Nang tumungo kami ay rinig ko na kanina pa sila nagsisimula. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa amin kung sino ang kumakanta ngayon.
"Well, my girl's in the next room
Sometimes I wish she was you
I guess we never really moved on
It's really good to hear your voice saying my name
It sounds so sweet"
Bahagya akong napatigil dahil sa boses na iyon. Agad nagtaasan ang aking balahibo dito. I was stunned and amaze at the same time. Napaawang ang aking labi at unti unting tinignan ang pinagmumula ng boses na iyon.
"Coming from the lips of an angel
Hearing those words, it makes me weak
And I never wanna say goodbye
But, girl, you make it hard to be faithful...
Nakapikit ito habang kumakanta habang hawak ang mic na parang dinadamdam nya bawat liriko ng kanta. Unti unti itong dumilat at mas lalong napako ako sa aking kinakatayuan ng diretsong dumako ang tingin nya sa akin.
"With the lips of an angel..."
His blooshot eyes sent shivers down to my spine and almost made me froze. Habang binabanggit nya ang huling kataga ng kanta ay nakatingin Ito ng seryoso sa akin ni hindi konga alam kung sa akin ba o sa mga kaibigan ko.
Basta ang alam kolang hindi ako mapakali sa kinakatuyan ko ngayon.
Nagising lang ako sa katotohanan ng matapos na ang kanilang kanta at lahat ay nagpalakpakan pero mas malakas ang palakpak ni Dani at France kaya lahat ng atensyon ay dumako sa amin.
"Shaina!" Rhys shouted and run towards me.
He hugged me pero agad korin siyang tinulak at nagpanggap na parang nandidiri ako. Tumawa lang siya pagkahampas ko sa kanyang dibdib.
"Rhys!" Pagbabanta ni Kuya Uno.
"Chill bro! Namiss kolang si Shai!"
Umirap ako. "Di kita miss."
"Ouch!" Nagpanggap Ito na parang nasasaktan at hinawakan ang kanyang dibdib. Umirap lang muli ako at tinulak siya pero agad akong inakbayan nito.
"Bad mood kasi wala na yung crush nya!"
Sigaw naman ni Warren.Nag apir silang dalawa ni gabb kaya agad ko silang tinignan ng masama. Kumunot ang nuo ni Kuya Uno at si Rhys ay tumawa at napailing na lamang.
Kaya ayaw ko talagang bumibisita dito.
"By the way come here, lil' sis.." ani ni kuya uno.
"This is Austin our new vocalist Austin this is Shaina, my sister.." pagpapakilala ni Kuya.
Humarap sa akin ang lalakeng naka kulay white shirt at faded jeans. Pawis na pawis Ito habang umiinom ng tubig. Kabado akong tumingin sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin at naglahad ng kamay.
"Austin...."
Kumurba ang ngiti sa gilid ng kanyang labi pero imbis na matuwa ako don ay may halong kaba at inis akong naramdaman.
Tinignan kolang ang kanyang kamay at tumango."Whatever."
••••
Music Used: Lips of an Angel by Hinder
BINABASA MO ANG
No Easy Way
General FictionShaina Ortega is a Sassy and Confident girl. She's the only sister of The Trivalz Leader Uno Ortega. A lot of people says she's a almost perfect living girl because of her pretty looks, wealthy family and a lot of handsome boys are around her but on...