Kabanata 5

2.5K 57 0
                                    

Kabanata 5

"A-Austin?"

Maraming atensyon ang napunta samin dahil sa pangyayaring iyon. Pinilit kong ikalma ang aking tingin at tumingala upang tignan siya ng malapitan ang lalakeng humigit sa akin at nagulantang ng makitang siya nya iyon.

Hindi ako makapaniwala sa mukha na nakikita ko ngayon. He looks so pissed. His dark eyes directly looked at me after i say his name. Taas baba pa ang kanyang dibdib matapos suntukin ang lalake.

"We're going home." Matigas niyang sambit.

Hahawakan na sana niya ang aking palapulsuhan ng may biglang sumuntok rito. Napasigaw ako dahil duon. Akala ko ay napuruhan siya pero agad rin pala itong umilag at muling sinuntok ang lalake.

"Austin! Tama na!" Sigaw ko.

Nagsi datingan ang dalawang bouncer upang awatin si Austin dahil mukhang bugbog na bugbog na ang lalake. Nakita ko na nawalan ng malay Yung lalakeng nambastos sa akin.

Tumingin ako kay Austin na pulang pula at galit na kinakausap ng bouncer. Habang ako'y naghihintay parin. Wala pa sila Dani at France sa table namin at mas lalo akong kinabahan nang papalapit na sa akin Ito.

"Uuwi na tayo."

Hinawakan nya ang aking palapulsuhan.

"H-hindi pwede! Hahanapin ako ng mga kaibigan ko!" Pagtatanggi ko at marahas itong tinanggal.

Hindi parin siya nagpatinag at hinila ako palabas ng bar. Maraming umagaw ng atensyon namin lalo na ang mga babaeng lasing. Napatingin ako kay Austin. He's wearing a white sleeves and a faded jeans, which make him hot.

Napatigil ako sa pagiisip, lasing ako.

Nagiinit parin ang aking katawan dahil sa alak at kailangan kong ipahalata na hindi ako lasing.

Nakarating kami sa parking lot at padabog nyang ibinuksan ang kanyang kotse.  Matalim siyang tumingin sa akin kaya wala akong nagawa kundi padabog na pumasok sa kanyang kotse. Ganun din ang ginagawa nya.

••••

Habang nasa loob kaming dalawa at kapwa kaming tahimik. Sumusulyap ako kay Austin at kunot nuo parin siyang nakatingin sa kalsada at madilim parin ang aura nito. Tumikhim ako at lumingon na lamang sa bintana at pinanuod ang mga gusalinh nadadaanan.

"How old are you?"

Nagulat ako sa biglang tanong nito. Lumunok ako bago sagutin iyon.

"S-sixteen.."

Nakita ko ang mas lalong humigpit ang hawak nya sa manibela. Naamoy korin ang alak sa kanya pero mas matapang iyon. Bigla nyang ginulo ang kanyang buhok at mas binilisan ang pagpapatakbo.

"You're a minor! Pano ka nakapasok dun?" Sigaw nya.

"Ano bang paki mo? Gagawin ko lahat ng gusto ko! So shut up!" Pambawi ko dito.

"Does your brother knows about this?"

Unti unti akong napailing. "No.."

"Tumakas ka?"

"N-ngayon lang naman. K-kaya please d-don't tell this to kuya! B-baka malagot ako.." kinakabahan kong sambit.

Nananatili itong seryoso habang nag mamaneho gamit ang isang kamay at ang Isa ay hawak ang kanyang labi. Sumulyap Ito sa akin kaya mas Lalo akong kinabahan dahil sa kanya.

He chuckled. "I can't believe you."

Nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"You're drunk too. Damn, Ano bang gagawin ko sayo?" Bulong niya.

Sumulyap muli siya sa akin at may kung anong hinagis. Nakita ko ang isang itim na jacket.

"Suotin mo. Baka magkasakit ka."

Sinunod ko ang kanyang sinabi at sinuot iyon.Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Dapat ay hindi ko Ito nararamdaman pero bakit ganito. Para akong maiiyak. Napaaway siya dahil sa akin at baka sabihin nya kay kuya ang tungkol rito. I'm sure ma gagrounded ako at pagsasabihan nito si Dani at France.

"A-Austin.."

Hindi siya sumagot. humarap ako dito at huminga ng malalim. Naramdaman ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim.

"D-don't tell this to kuya.. please.."

Pagmamakaawa ko. Hindi parin siya sumagot at nakita ko ang mas Lalo siyang naging seryoso. Nakakatakot siya. Kaya mas lalo akong kinakabahan sa kanya.

I saw his jaw moved.

"Okay.."

Lumiwanag ang mukha ko dahil dito kaya agad akong ngumiti sa kanya. "Talaga!?"

Tumango siya. "Yes.."

"Thank yo-"

"Pero may kundisyon.."

Napatigil ako at unti unting umawang ang aking labi at napatagil.

••••

Umagang umaga ay sobrang sakit ng aking ulo. Bumangon ako at napatingin sa orasan. Hapon na pala ako nagising.

Gusto kong sumuka dahil sa sobrang pagkahilo. Binuksan ko ang aking phone at nakita ang tambak tambak na message nila Dani at France.

Dani:

WHERE ARE YOU????!

Dani:
SHAINA??? SAGUTIN MO TAWAG KO!

Dani:
GoOD!!! NAGAALALA KAMI!

France:
OMYGOD! YOURE WITH AUSTIN?

France:
Asan kana?

Dani:
Hinatid kana ba?

Agad akong nagtipa ng message.

Ako:
Good morning.

Biglang sumagi sa  isip ko lahat ng nangyari kagabi. I froze when I remember Kung anong kakahiyan ang ginawa ko. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil dito. Biglang namuo lahat ng pagkamuhi ko sa lalaking iyon.

Ayaw na ayaw ko na siya makita!

Pero kailangan kong gawin ang pabor niya. I hate to pero kailangan. Baka kung ano pang masabi nya kay kuya.

Kainis! I hate you Austin!






No Easy WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon