Prologue

854 21 5
                                    


6 years ago,

A 17 year old Jimin was met a car accident and almost killed but a miracle happened that kept him alive..yun nga lang,meron pa ding nawala sa kanya. The source of light in his life--a.k.a his eyes.

Kasabay ng pagkawala ng kanyang paningin,tila nawalan na din siya ng gana sa maraming bagay. Huminto siya ng pag-aaral but eventually nagpatuloy pa din dahil sa pamimilit ng pamilya niya lalo na ng kaibigan niyang si jungkook na talaga namang hindi siya iniiwan lalo sa mga panahong dapang-dapa siya at sobrang wala siyang makitang liwanag para kapitan niya ng lakas ng loob gayong literal na madilim ang mundo niya.

Dinibdib niya ang aksidenteng nangyari sa kanya,na naging dahilan para maisantabi niya ang mga mahal niya sa buhay. Ang mapagmahal niyang Mama at Papa,ang luko-luko niyang Kuya pero super protective sa kanya,ang mga kaibigan niyang sina Jungkook at Jhope..higit sa lahat ang boyfriend niyang si Taehyung.

Pero imbes na sukuan siya ng mga ito,nanatili pa din ang lahat at lagi lang nakaalalay sa kanya. Basta nagising na lang siya isang umaga na yung galit niya sa mundo,biglang naglaho bagkus ay napalitan ng bagong pag-asa. Na-realize niyang hindi pa katapusan ng mundo niya-- na siguro kaya nabuhay pa siya kahit bulag na,may purpose pa ang buhay niya.

Nawala lang ang paningin niya,subalit sapat ng madami pa ding nagmamahal sa kanya at sinisikap na mapasaya siya kahit ga'no pa kadilim ang mundong tinatahak niya..

.

.

.

*present*

"Chimchim,bangon na anak"

Mga mabibining tapik sa kanyang balikat ang gumising sa kanya. He opened his eyes but was still greeted with darkness,so he just sighed.

"Mama,inaantok pa po ako"

"Aww,you can sleep again anak pwede ko namang sabihin kay Taehyung na bumalik na lang siya mamaya"

Pagkarinig sa pangalan ng boyfriend niya,agad siyang bumangon sa kama niya at hinagilap ang stick niya,trying to rush inside his bathroom that made his mom giggles.

"Aigoo,you're still a baby kahit 23 na ang bunso ko..hmm,namiss mo siguro ang boyfriend mong alien nuh?"

"Pftt,of course Ma. Palaging busy yung lokong yun eh"

"E andiyan naman si Jungkook eh. Buti pa ang batang yun di ka ipagpapalit sa trabaho,lagi kang sinasamahan. Bakit kasi hindi na lang naging kayo"

"Mama naman eh"

Di niya alam kung maiirita siya o ano dahil sa tinuran na yun ng kanyang ina. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ng kanyang butihing ina,cupping his cheeks so he could face his mom's eyes kahit hindi niya ito nakikita.

"Hey,don't get me wrong honey. I like Taehyung,i really do. Sobrang na-a-appreciate ko lang ang presence ni Jungkook lalo na pag sinasamahan ka niya"

"I do too Mama. Sobrang swerte ko nga po na kahit nawalan man ako ng paningin,alam kong hindi ako mag-iisa dahil andiyan kayong lahat para saken..thank you po and sorry kasi naging ganito ako--

"Baby stop,don't say that sweetheart. Isusumbong kita kay Jungkook pag nagsalita ka ulit ng ganyan"

"Pftt,di naman po yun magagalit saken aba malakas yata ako sa kunehong yun"

Sabay pa silang natawang mag-ina at tinulungan na siyang makapasok sa bathroom para makaligo.

Hindi naging madali para sa kanya ang sitwasyon niya. Nung mga naunang taon na nawalan siya ng paningin sobrang hirap siya sa pag-a-adjust but with the help of his beloved family and friends nasanay na din siyang mamuhay kahit pakapa-kapa lang siya.

Kaya niyang makaligo,nakakapagluto pa siya kahit wala siyang paningin. Nagsisilbing mga mata niya ang kanyang pandama.

6 years had passed since his accident--since his entire world had crashed..pero with the love and support na binibigay ng mga mahal niya sa buhay para sa kanya,parang everything is just normal--katulad lang ng dati niyang pamumuhay noong may paningin pa siya.

Pagkakaiba nga lang dati nakakita siya ngayon wala na..pero imbes na panghinaan ulit siya ng loob,mas nagiging matatag pa siya dahil madami ang nagmamahal sa kanya..And that's enough to continue his life right??






.

.

.

*I'm back!!! May mga may paki ba?? 😅😂 anyways,sana magustuhan at suportahan niyo din po ang story na'to na sa totoo lang di ko din alam kung ano kahihitnan kasi wala talaga akong solid na plot sa story na'to. Bahala na si iron man hehe..Hope you'll enjoy reading it too!! Thank you sa mga magbabasa in advance 😊*

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now