World

290 9 1
                                    


Hindi namalayan ni Jimin na nakatulog siya kagabi dahil sa labis na pag-iyak nang malaman niya ang buong katotohanan ng pagkawala ni Jungkook.

Nanghihina man,pinilit niyang bumangon at mabilis na naligo't nagbihis dahil di siya papayag na hindi niya makikita si Jungkook ngayong araw. Kahit nasaan pa ito,pupuntahan pa din niya ito.

"Anak..sa'n ka pupunta?"

"Hahanapin ko po si Jungkook Papa"

"Sasamahan ka namin--

"Wag na Kuya..kaya ko naman ang sarili ko"

"Atleast...e-eat breakfast first anak"

He sadly shook his head no to his mother and then just left. Di pa din nawawala yung pagtatampo niya sa mga kaanak,at wala pa siyang oras para ayusin yun dahil mas importanteng mahanap muna niya si Jungkook.

"I'll find you Kookie..."

Agad niyang pinara ang taxi na nagdaraan,saka sinabi ang address ng bahay ng ninang niya. Kung kinakailangan na lumuhod siya sa harapan nito,gagawin niya malaman lang niya kung nasaan ngayon si Jungkook.

Nang makabayad sa driver,mabibilis ang mga hakbang niyang pumasok sa loob ng malaking bahay ng mga Jeon ng hindi na nagdo-doorbell pa dahil alam naman niya ang passcode.

"Good morning po young master Jimin"
Nakangiting bati pa ng nakatatandang tila katiwala sa kanya na nakilala niya dahil sa boses nito.

"Morning din po Yaya Yolly..si ninang po nandito po ba?"

"Nasa kwarto nilang mag-asawa at ipagtitimpla ko nga ng gatas dahil masama daw ang pakiramdam. Puntahan mo nalang siya"

"Opo sige..salamat po"

Patakbong pumanhik siya sa second floor at hinagilap ang kwarto ng ninang niya. Tandang-tanda niya ang bawat paliko sa bahay na ito dahil madalas din siyang iuwi ni Jungkook dito lalo kapag nasa business trips ang parents niya habang busy din ang kuya niya.

Marahan siyang kumatok at nang marinig ang mahinang boses ng ninang niya bilang permiso ay agad na siyang pumasok sa loob.  Nadatnan pa niya itong nakahiga sa kama at tila masama nga ang pakiramdam.

"Ninang.."

"Oh hi baby mochi...come here anak and give me a kiss"

Nakangiti pa nitong paanyaya sa kanya na mabilis naman siyang tumalima at hinalikan ito sa pisngi.

"What brought you here sweetheart?"

"I...i missed Kookie"

Lumungkot ang mukha nito saka siya niyakap,while gently caressing his back. Sa mga yakap nito nararamdaman niya ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Its so comforting and peaceful.

"I know he misses you more.."

"Where i could find him,ninang?"

"H-hindi ko--

"Please ninang,sabihin ninyo na po saken kung nasaan siya..A-Alam ko na ang totoo"

Her face turned even more paler,eyes widened.

"W-what?"

"Na he gave me his eyes..p-please po ninang sabihin niyo na po saken kung saan ko siya makikita..He needs me as much as I need him"

Lumuluhang lumuhod siya sa harapan nito,at hinawakan ang mga malalambot nitong kamay.

"S-sinabi ba ng parents mo sayo?"

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now