Matapos kumain ay napagpasyahan ni Reina na pumunta sa paborito niyang lugar sa Madrid, iyon ay ang lumang basilica church na siyang tanyag sa Spain. Medyo kampante siya habang naglalakad sa gawing iyon, nakadistansya sa kaniya ang mga bodyguard ni Gabriel, iyon kasi ang gusto niya.
Hindi niya gustong makita na maraming umaaligid sa kaniya na mga bodyguard, halata kasi na importante siyang tao.
Hawak niya ang tali ng asong dala niya, isa iyon sa regalo ni Gabriel sa kaniya. It is a pomeranian breed dog. Sa palagay niya'y nasa unang taon pa ito dahil iyon ang nabasa niya sa identification card at health card nito. Napamahal na rin sa kaniya si Coco, iyon ang pangalan ng aso niya.
"How beautiful the sunset, napakaganda naman, saktong-sakto tayo, Coco." Kinakausap niya ito.
In the middle of her walking, ay nakita niya ang isang manlilimos. Nakasuot ito ng gusot na damit at halatang nagpapa-awa. Nahabag ang kalooban niya, she checks her purse and give the poor man a bundle of bucks.
"Gracias! Gracias!" paulit-ulit na sambit nito.
Ngumiti lang si Reina saka naglakad palayo, kasama ang asong si Coco.
Nang magawi siya sa fountain ay marahan siyang naupo, at nilublob sa tubig ang kaliwang palad.
Ramdam niyang kahit nasa kaniya na ang lahat, ay parang hindi pa rin siya masaya.
Lumapit sa kaniya ang isang guard. "My queen, dapat na po tayong umalis."
"No, saglit lang muna, wala pa tayong kalahating oras ah," sumimangot si Reina.
"Sige na po. We don't want to harm you here." Nilingon nito ang mga taong nakatingin sa kanila. Animo'y kanina pa binabasa ang bawat galaw nila.
Para kay Reina ay mga normal na mga tao lamang ang mga iyon, but her guards are vigilant, lahat yata para sa mga ito ay may rason at kahulugan.
"Alright." Buntong-hininga niya. Kahit gusto niyang magliwaliw pa nang matagal ay hindi pwede, kaya naman mabibigat ang mga hakbang niya papunta sa direksyon ng daan.
Nasa highway na sila sa oras na iyon para sana tumawid nang biglang may sasakyang agad na bumulaga sa kanila at mabilis na kinuha si Reina.
"Ahhh! Help me!" Nagpupumiglas ito habang nagsisipa. Nakipagpalitan ng putok ang nga guwardiya ni Reina sa oras na iyon, but, they left from that vehicle na 'sing-tulin yata ng bullet train. Napansin ni Reina ang mga mukha ng mga dumukot sa kaniya. Nakasuot ang mga ito ng black suits. Nakashades ng itim at tila planadong-planado ang bawat galaw.
"Sino kayo? Bakit ninyo ako dinukot!" Sigaw pa niya. Kasunod ng eksenang iyon ay ang nakabuntot sa kaniyang likuran, mabilis magpatakbo ang mga lalaking naka-suit. Walang mga imik ito, at kung tatantyahin niya, mga ibang lahi ito dahil sa kulay ng balat at mukha. Parang mga Russian.
"Hey! Are you deaf! Why did you abduct me!" sigaw pa niya. But the emotionless face of those men is constant.
Naiiyak na tiningnan ni Reina ang likuran niyang bahagi, nakabuntot pa rin sa kanila ang mga sasakyan ng guards ni Gabriel, ngunit papalayo na ito nang papalayo dahil sa bilis ng takbo nila. Nang makapasok sila sa tunnel road ay mas lalong nanliit ang pigura ng mga ito, hanggang sa unti-unti na silang naglaho.
Umiyak si Reina sa oras na iyon, she has nothing but herself only. Wala na siyang lakas para sawayin ang mga taong kasama niya. The faces of the four suited men are more Russian, the broad body that tells her they are capable to kill her in a snap and the armour they're holding, that tells her heart to tremble. Maraming baril ang hawak ng mga ito. Halos hindi na siya gumagalaw dahil baka pati paghinga niya ay kalkolado na rin.
"Please...let me live! Please, I'm begging you." Nanginginig na boses niya. Kabado na siya sa oras na iyon, hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Hanggang sa makita na niya kung saan sila papunta, sa daungan ng barko. Nanlaki ang mga mata niya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung sasakay ba siya sa malaking barko na tila hinihintay ang pagdating niya.
Sunod-sunod ang bawat galaw ng tatlong lalaki sa mga oras na iyon, nang makaparada sa bandang iyon ay sapilitan siyang ibinaba ng mga ito, para siyang sako ng bigas na binuhat at sinablay lamang sa balikat nito.
"Ugh! Get off me! Ano ba! Ibaba n'yo ako! Ibaba sabi eh!" sigaw pa niya saka pinaghahampas ang maskuladong likuran ng sinumang lalaki na iyon.
Nanlalabo ang paningin niya dahil sa mga luhang pinipigilang tumulo.
"Please..." Nanghihinang sambit niya sa lalaking iyon.
Pero nang makapasok sila sa barko, at makita ang kabuuan sa loob niyon ay halos hindi siya makapaniwala. The ship is like marvelous etiquette of perfection.
Marahan siyang binaba ng maskuladong lalaki sa isang bahagi ng barko. Alam niyang nasa isang suite siya dahil sa malaking kama na nandoon. Nagsalita ang lalaki ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sa gamit nitong lenggwahe.
Nanginginig man ay sinubukan niyang magpakatatag. Sinubukan niyang magkaroon ng lakas para bumangon at maglakad. Sa hindi pa kalayuan ay may narinig siyang boses. Boses ito ng lalaki.
Nakatalikod ito at hawak-hawak ang isang kopita ng alak.
"Welcome." Baritonong boses nito, na hindi pa man lumilingon sa gawi niya.
"W-who are you!" nagtunog sumbat iyon kaysa sa pagtatanong.
"Guess who..." narinig niya ang marahang pagtawa nito.
But Reina is too innocent, pre-occupied and scared. She doesn't know anything of it.
"Who...are...you..." Dahan-dahang sambit niya rito.
Hanggang sa lumingon ito sa kaniya at ganoon na lamang ang pagkakabigla niya nang makita ang isang pamilyar na mukha.
"Surprise." Ngiti ng lalaking nasa harapan niya.
Natutop niya ang bibig saka nagmamadaling tinakbo ang gawi nito. "Papa!" Halos lumundag si Reina sa oras na iyon. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa dahil sa pasabog ng kaniyang papa Axell.
Naiiyak itong humilig sa balikat nito. "It's not a good joke, pa."
"I know, ginawa ko lang ang dapat, anak. I know that you're bored here in Madrid, kaya iuuwi kita sa Pilipinas." Ngiti ng isa sa mga pinakaimportanteng lalaki sa tanang buhay niya.
Axell Vancelord Almighty is the notorius mafia lord of Bogota, Columbia. The only heir of Collins Industry.
"Your daddy Hiron called me earlier that you're bored, and you wished to come back in Philippines. Alam kong mahirap ang arrangements ng mga Robertson, I know that Gabriel is too hard to handle, I know he's been too serious. Lalo pa ngayon, he is owning the Las Casas, and at the same time, he's tying-up our family's business." Pahayag ng kaniya ama.
"Pa, mayroon po bang paraan para maging normal ang buhay natin? Ng buhay ko? To live my life...normally?" nakasimangot ang mukha nito.
Sa tanang buhay kasi niya, hindi niya alam kung ano talaga ang papel niya bilang anak ng pamilyang Collins. She's been raised by his papa Hiron and mom, Natasha. Been aware and focused to serve the lord in the convent, until, it's changed because of her title and her family's origin. The nature of being a Collins and to arranged in their family's alliance—the Robertsons.
Maging ang mukha ng papa niya ay nag-iba at nakiramdam sa kaniya. Marahang inabot nito ang kaniyang balikat saka hinimas iyon.
"There's another way to change everything, my child."
"Ano po 'yon?"
"You need to disappear." Makahulugang sambit ng kaniyang ama saka mapait na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss' Daughter
Romance"I love you, Gabriel, pero bakit mo ako sinasaktan?" tanong pa ni Reina sa kasintahan. Hawak nito ang kaniyang buhok habang nakatali naman ang kaniyang dalawang kamay sa latigong hawak-hawak ng binata. "I do love you, but I'm not good of showing i...