Kabanata 5

446 34 0
                                    

Matagumpay silang nakalapag sa pilipinas, kasama niya ang papa Hiron niya. May kakilala ito sa Davao Oriental na pwede niyang pagtaguan.

Nag-landing ang eroplano nila sa isang pribadong lupa, nasa bundok iyon, at kung tatantyahin niya ang ambiance doon ay parang nasa isang maisan sila.

"Let's go, anak, we need to go now..." Sansala ng papa Hiron niya na noo'y hawak-hawak ang bag niya.

Nang makapanhik sila sa sementadong daan ay naghihintay na ang isang kotseng sadyang hinihintay sila.

If she knows, iyon ang isa sa mga tauhan ng papa Axell niya. Nang makasakay ay, gayundin ang paglarga n'on, may kasama silang driver. Tahimik lang ito, at ayaw tumingin sa kaniya ng diretso, tila nirerespeto siya na gaya ng kaniyang amang maharlika.

"Hija, sabi ng papa Axell mo, kailangan mo munang magpalamig dito, you must rest for a while, may makakasama ka sa resthouse sa Dahican, malapit lang 'yon sa dagat, kaya mas mabuti na rin para sa'yo."

She just smiled back as her response.

"Okey po."

"Just let me know, if ano ang gusto mong gawin, I will contact you, okey?"

Isang tango lang ang ginawa ni Reina.

"Did mama Tasha know?" Tanong niya sa pangalawang ama.

Umiling ito. "It's just me and Axell."

"I see."

"Ayokong madamay ang mama Tasha mo, she's weak, you know that."

She just agreed, looking to the window. Maganda ang nakikita niyang tanawin doon, payak ang sementadong daan, walang masyadong bahay, masarap ang hangin na tila malayo sa usok ng polusyon. Sa paligid ng daan ay makikita ang naghihitikang puno ng niyog.

"What's the dialect here?" she asked.

"Bisaya."

Sa narinig niya'y inalala niya ang mga napag-aralang wika noon sa kombento. Matagal din siyang nag-isip. Mabuti na lang at naalala pa niya ang wikang gaya nito.

"Sige po."

"Here," iniabot ng papa Hiron niya ang envelope. Agad naman niya itong binuksan.

"Ano po 'to?"

"That is your new documents. You will no longer be Reina Vee Collins. You're Maureen Lopez, a simple tourist, wala kang magulang, and your work is a writer, kaya nandito ka sa Oriental para makapag-isip ng isusulat mong nobela, maliwanag?" kalmadong sambit ng papa Hiron niya.

"Opo."

Hindi nagtagal ay nandoon na sila sa sinasabi nitong Dahican Beach, the view is very expensive. The blue ocean is waving them to come down and the fresh air tells them that they need to stay.

"Welcome to your new home, hija."

"Daghang salamat, pa."

Hiron just smile.

"Better." Puna pa nito sa lenggwaheng gamit niya.

Mayamaya lang ay may bumungad sa kanila, it was a teenage girl wearing a smile, bubly face, light persona, dressed like teenage kikay with a petite height and cute face like Selena Gomez.

"Ay, hello po, kayo na po ba ang mga bisita?" pagtatagalog pa nito na halatang tinutuwid ang baluktot na sila.

"Kami nga." Hiron answered.

"Ay, naku, Tara po sa loob." Agad nitong kinuha ang dalang gamit ni Hiron at masayang inalalayan nila papasok.

Bumungad sa kanila ang bungalow type na bahay bakasyonan, yari ito sa sementado, amakan at pawid na bubong. The nature is so genuine here, kahit na ganoon ay nang makapasok sila sa loob ay fully furnish naman ang dingding, mga desinyo roon, at ang sahig na sinadyang pinakintab.

Marrying The Mafia Boss' DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon