SSTGB 29 : Secret Revealed

1.8K 109 10
                                    

Ilang araw ko na bang hindi nakakausap at nakikita si Charmagne? Lima, anim? Ay, mukhang isang buong Linggo na talaga! Tinatanong ko naman si Chandra, pero laging ‘wala akong alam, Ara, eh’, syempre, nakakapagtaka naman! Magkapatid sila, pero ultimo siya ay hindi rin alam kung nasaan si Charmagne!

Ano ba naman ito, kinakabahan ako nang sobra! Nag-aalala na rin ako kung saang lupalop ba siya ng mundo napadpad ngayon. Tsk! Kung bakit ba kasi hindi siya nagpaalam! Kainis!!

“Miss Concepcion?”

“Yes, Sir?” ano kayang trip nitong si Sir Luna at tinawag niya ako in the middle of his discussion.

“Are you listening?” tanong niya at gusto ko sana siyang taasan ng kilay, pero may respeto naman ako. Nagtataka lang talaga ako kung paano niya nalaman na hindi ako nakikinig sa kaniya.

“Yes, Sir,” hindi naman siguro masama ang white lies, hindi ba?

“Alright, since you're listening, then state one change in the world of trading.”

“Technology, Sir,” nakangiti kong sagot at halata namang namangha siya sa akin. Syempre, alam niyang hindi ako nakikinig, pero nakasagot ako. Sino nga ba ako? Ara Cee Concepcion, lahat alam ko pwera na lang sa subject na Filipino at kung nasaan si Charmagne. Tsk!

“Why?” ay, may follow-up pa pala? Ano ba iyan!

“Ten or more years prior from now, stocks are being traded in the Organized Stock Exchange wherein face-to-face trading will occur in a particular place, Sir. But presently, technologies are a big help in doing such activity easier. For instance, the over-the-counter exchange, trading can be done through the screen, others can also do trading on phone. As you can see, Sir, techno—”

“That's enough,” nakangiting aniya. “Give Ara a congratulatory clap.”

Wow, congratulatory clap? Nekekeheye nemen, Serr!

“Iba ka, Arabells,” napapailing pang usal ni Clara at taas-noo naman akong ngumiti.

Matapos iyon ay muli na naman akong napatulala hanggang sa hindi ko namalayan na natapos na pala ang isang buong period na hindi ko alam kung ano ang mga pingagsasabi ni Sir Luna.

Naku, Charmagne, kasalanan mo ito!! Ang laki ng epekto ng pagkawala mo sa edukasyon ko!!

“Wala ka talagang alam kung nasaan ang Kuya mo?” tanong ko na naman kay Chandra. Hindi naman ako masyadong makulit to the point na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyang itinanong.

“Again, Arabells, wala nga. One-whole week na wala kaming alam kung nasaan siya. Nag-aalala na kami, pero hindi man lang siya tumatawag, hindi rin namin siya matawagan.”

“Nagsisinungaling ka,” sabi ko. Kilalang-kilala ko na si Chandra, kapag hindi siya makatingin sa akin nang maayos ay alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

Bumuntong-hininga siya. “Ayaw niya kasing malaman mo,” sinasabi ko na, eh, alam niya kung nasaan si Charmagne!

“At bakit?” takang tanong ko.

“Ayaw niyang mag-alala ka kapag nalaman mo kung bakit siya nawawala,” mas lalo lang kumunot ang noo ko sa isinagot niya. “Kilala ka na ni Kuya, eh, Ara Cee Concepcion, ang babaeng anxious. Kapag nalaman mo na may sakit si Ynna—”

“ANO?!” OMG! Bakit kinakailangan niyang itago sa akin? Tsk!!

“Tingnan mo, ayan, oh, proven and tested! Makasigaw naman, abot hanggang dulo nitong building!”

“Nakakagulat naman kasi, eh! Anong sakit ni Ynna, ha?” natataranta ko talagang tanong.

“Kumalma ka nga,” aniya, pero hindi ako sumunod. Paano ako kakalma? May sakit si Ynna! Tsk! “Na-diagnose na may dengue si Ynna—”

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon