CHAPTER 19

235 3 0
                                    

Continuation...

.
.
.
.
.
.
.
(Third person)

Nagpatuloy ang sunod na pagsabog sa ibat ibang bahagi ng magical word.

Maraming buhay ang nalagas pero ang mga buhay na ito ay ang panig sa kasamaan.

Wolves, giants, Cyclops, vampires, mermaids, witches, dragons, soul eaters, dark users at marami pang iba.

Nagngingitngit sa galit ang dark king sapagkat kalahati sa kayang mga alagad ang nalagas.



(Dark King POV)

Grrrrrrrr... Nakakainis sino ba ang taong ito na humahadlang sa mga plano ko?

Ang lakas ng loob niya para lusubin ang mga nasasakupan ko.

Magbabayad siya sa ginawa niya, ako mismo ang papatay sa kanya.

"Stephen!" Tawag ko sa isang kawal

"Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo mahal na hari?" Tanong niya  sakin habang nakaluhod.

"Tawagin mo ang malalakas nating  witch para sa ritual na gagawin." Sabi ko dito

"Masusunod po mahal na hari." Sagot nya naman at umalis na

Bubuhayin ko si Lucifer kasama ang heneral nito na demonyo sa ilalim ng impeyerno at gagawin kong alagad ko para maghasik ng lagim dito sa magical world.

Tignan lang natin kung sino ang magwawagi sa darating na digmaan hahahahahahahahaha... Hahahahaha... Hahaha

.
.
.
.
.
.


(Shane POV)

.
.
.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar kaya naman napabangon ako.

Nasa isang kubo ako at parang ako lang ang tao dito.

Wala na akong maalala kung ano ang mga nangyari basta ang natatandaan ko lang ay yung pagsugod sakin ng isang dark user at nagbago na ako ng katauhan.

Bumangon na ako pero natumba ako, parang pagod na pagod ang katawan ko at drain na drain ang kapangyarihan ko.

Bumangon ulit ako ng dahan dahan at naglakad sa kusina nitong maliit na kubo.

May nakita akong isang matanda na nagluluto kaya nilapitan ko ito.

"Lolo, ano pong nangyari? Pano po ako napunta dito? Sino ka po?" Sunod-sunod  kung tanong sa matanda... Lumingon ito sakin at ngumiti. Baliw ata tong matandang to.

" Nakita lang kita sa gubat habang nangangahoy ako iha at butas-butas ang kasuotan mo, para kang galing sa gyera. Nga pala ako si tandang Amora isa akong Ermitanyo,,, Matagal na akong naninirahan dito sa gubat at may hinihintay akong dumating. Siya ang magliligtas sa lahat ng dimensyon."  Mahaba niyang sagot sa malumanay na boses.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo lolo, pero anong lugar po ba ito?" Tanong ko, bago sakin ang lugar na ito sapagkat wala akong nakikitang ibang bahay kundi itong kubo lamang at parang kami lamang ang nabubuhay dito.

"Nasa mundo ka ng mga ermitanyo. Ang bawat ermitanyo ay may kanya kanyang teritoryo kaya kapag kami ay naligaw sa ibang teritoryo ng walang pahintulot  ay maaring magkaroon ng away sa bawat panig. Ito ay nasa kabilang dimensyon na kung tawagin ay Magi dimensyo or world." Mahabang sagot na may kasamang paliwanag ng matanda

"Eh bakit ako, naligaw ako dito bakit hindi niyoko sinugod o kung ano man?" Tanong ko na naman

"Tulad ng sinasabi ko kani-kanina lang, may hinihintay akong tao. Kaya hindi ako nagalit sa pagpasok mo sa teritoryo ko ay dahil ikaw ang taong hinihintay ko." Paliwanag niya pero hindi parin ako nakuntento kaya nagtanong na naman ako.

The Forgotten Legendary Princess (Fantasy Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon