Chapter 23

224 5 1
                                    

(Ken's POV)

Grabe halos hindi na kami natulog ng tatlong araw kakahanap sa labasan ng bahay ni Shane.

Parang nabago kasi ang set-up ng bahay at parang mas lalong lumaki kaysa sa dati.

Kaya hirap na hirap kami dahil kahit gustohin naming matulog ay may biglang sumusulpot na mga patalim sa kung saan.

Pero buti nalang alerto na kami, parang nasanay na ang katawan namin.

May part nga sa kwarto dito na gubat ang nasa loob at sobrang daming mababangis na hayop.

Kinalaban namin ang ilan nun kasi pagkabukas palang ng kwarto eh may bigla nalang humablot kay Recca kaya naman pumasok na kami lahat at napilitang labanan ang mga mababangis na hayop.

For now, nandito kami malapit sa exit. Pano ko nasabi? Kasi hindi talaga nabago ang bahay, isang illusion lang lahat pero totoo ang mga sugat na natamo namin.

"Sa wakas makakalaya na tayo." Recca na pagod na dahil parang siya ang palaging napapahamak samin dito.

"Yeah, nagugutom na talaga ako guys." Mae, kanina pa yan nagrereklamo eh.

"Tsk, all of us is hungry so shut up!." Cold na saway ni ace

"Grabe, ang harsh mo naman Ace." Rose na kinampihan si Mae at nagyakapan pa.

Ako? Ito nananahimik, lintik lang kasi baka mamaya may sumalubong o kung ano pa makasagupa namin.

Lumipas ang sampung minuto eh nakalabas na kaming lahat.

Nagpahinga muna kami sa labas ng bahay ni Shane.

May nakita kasi kaming malaking puno dun at dun na kami sumilong dahil tanghaling tapat ngayon.

Nang magamot na namin ang mga sugat namin na natamo eh dun na bumalik sa isipan namin kung nasan na kaya si Shane.

"Guys, nasan na kaya Shane ngayon? Tingin niyo ligtas lang kaya siya?" Tanong ni Mae na halatang nag aalala sa babaeng yun.

"We don't know and we hope so." Halos magkasabay naming sagot

"Tulog muna tayo saglit guys, wala pa kasi tayong tulog at pareparehas tayong mga pagod." Suhestiyon ko na sinang ayunan ng lahat.

Hindi namin alintana ang gutom dahil nakakain naman kami pero sobrang kunti lang.

Nagcast si Mae ng invisible barrier sa palagid namin at nagkanya-kayang pwesto na kami para makatulog na.

I have have an idea kung sino gumawa nito samin pero bakit niya ito ginagawa?

Sobrang pag iisip ko eh dko na malayan na nakatulog na ang mga kasama ko kaya matutulog narin ako.

Zzzzz

Zzzz

Zzz

Zz

Z
.
.
.

(Shane's POV)

Tsk, kahit mga royalties sila eh Hindi pa sapat ang kakayahan nila para talunin ang nasa panig ng kasamaan.

Pano ko nasabi? Kasi nararamdaman ko ito at hindi lang isang nilalang kundi marami ito.

Parang nanggaling sa kailaliman ng lupa.

Anyways, I'm here at the top of this apple tree kung san natutulog ang mga royalties.

Masyadong malaki ang puno na ito para sa puno ng mansanas pero kahit ganun eh wala itong bunga.

The Forgotten Legendary Princess (Fantasy Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon