CHAPTER 21

218 2 0
                                    

(Frio's POV)

Nandito na kami sa gate para makaalis pero tulad ng nakasanayan eh wala pa si shane.

Miss ko na ang babaeng yun, nabigla kami kahapon sa naramdaman namin.

Bago kasi makapasok si Shane sa office ni Hm eh may naramdaman kaming napalakas na enerhiya.

Hindi ito ordinaryo lamang dahil ngayon lang namin ito naramdaman.

Natigil lang yun ng biglang pumasok si Shane na parang nagtataka sa mga seryoso naming mukha.

So anyway ito na naman ang mga gunggong kung kasama nagtatalo naman.

"Ang tagal naman ng babaeng yun akala mo naman kung sino. Tayo ang royalties pero tayo ang pinag-aantay." Recca na naiinis na naman. Iwan ko ba sa babaeng yan, wala namang nagawang mali yung tao pero ang bilis kumulo ng dugo.

"Manahimik ka jan recca baka papunta na yun" Si mae na kinampihan si Shane dahil nga gusto niya maging kaibigan ito.

"Tsk, kinampihan pa nga. Sino ba mga kaibigan mo dito ha?" Tanong naman ni recca pero sumabat agad si Ken

"Ano ba kayong mga babae kayo ang iingay niyo, meron ba kayo ngayon?" Sabi naman ni ken na ikinainis nila mae and recca

"Isa ka pang tukmol ka. Pag nahuli namin ibibitin ka namin ng patiwarik." Magkasabay na sigaw ng dalawa.

"Boghhs!"

Nakarinig kami ng pagkahulog kaya napalingon kami sa likod at dun namin nakita si Shane.

.
.
.
.
.
.
.
.

(Shane POV)

Narinig ko ang mga reklamo nila pero pinabayaan ko nalang.

Ako dapat magreklamo dahil kanina pa ako dito.

Nakatulog na nga lang ako eh kakaantay sa mga mahihinang royalties na ito.

Bumaba na ako sa puno kung san ako nakatulog.

Napalingon silang lahat kasama si Hm dun.

"Oh andiyan ka lang pala bata, ano simulan niyo na ang mission niyo." Hm

"Tsk, bakit pa kasi kasama ang babaeng yan." Recca

"Tsk" Frio

"K" maikli at cold kung sagot.

"Ikaw kasi eh baka narinig niya mga sinabi mo." Pabulong na sabi ni mae kay recca

"Bahala nga kayo." Recca at nauna nang pumasok sa portal papuntang mortal world.

Kaya sumunod na sila at nagpahuli ako.

Bago pa man ako makapasok eh may sinabi pa si Hm.

"Miss Francisco, ikaw na bahala sa royalties. Sana magtagumpay kayo sa mission niyo." Sabi niya pa

"Isa pa pala, alam kung kaya mo silang maisahan dahil ayaw na ayaw mo sa mundong kinabibilangan mo pero sana bumalik ka Miss Francisco." Dagdag pa ni Hm

Napangiti ako dahil sa sinabi niya dahil ayoko talaga sa mundong ito.

Pero kung dito ko mahahanap ang sarili ko eh mananatili ako.

" Una sa lahat Hm wala kaming mahahanap sa mission na ito dahil nasa inyo na ito, bulag lang kayo. Pangalawa at panghuli wala akong pakialam sa mundo niyo, sa mga tao dito at sa royalties." Sabi ko at pumasok na sa portal.

Namiss ko ang mundong ito. Kung totousin kaya kung pumunta dito dahil kaya kung gumawa ng portal kung saan ko man gustuhin.

Iniluwa ako ng portal sa isang gubat malapit sa hideout ko.

The Forgotten Legendary Princess (Fantasy Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon