Chapter 2
"Tara kaye, wala naman tayong mapapala sa dalawang to eh." aya ko kay kaye na nakipagchikahan pa.
"Hay,, nako bes. Sama na lang kaya tayo sa kanila, malay mo dadami rin tong bente pesos natin."
"BWAHAHAHAHA. bente lang pala pera niyo?" tukso ni leo.
"Atleast may pera mga lukong to."
"Sama na lang kaya kayo samin" aya ni Roy.
"Oo nga naman bes."
"Bakit kung sasama ba kami sa inyo dadami pera namin?" tanong ko.
"Oo naman, kung handa kang itaya yang bente mo. Pfffttt." natatawang sagot ni leo.
"Alam mo leot kanina ka pa ah" pikon kong sabi.
"BWAHAHAHAHAHAHA "
"At pano naman naging Leot ang pangalan ko ha?" pikon din si Leo.
"Hep hep hep, baka san pa yan mapunta yang pinagsasabi nyo." awat samin ni Roy bago pa ako mapikon ng lalo.
"Oo nga eh. Para kayong mga bata kung magkapikonan." Naki awat na din si kaye.
"yan kasi eh." parang batang nagsusumbong.
"POTA!! Ako pa talaga ha!"
"Oh! Tama na nga yan. Ang mabuti pa di nalang talaga tayo magsama yan pala ang resulta eh"
"Aye, pasensya kana ha, tung si leo kasi parang bata kung makipag-away."Si Roy na lang ang humingi ng pasensya at naglakad na sila. Nagawa pang ngumiwi ng leot na Yun.
Napipikon kasi ako sa mga taong mapang-insulto. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga taong ganyan.
Umalis nalang kami ni kaye dahil nababadtrip talaga ako. Nawala kasi gana ko ng dahil sa leo’ng yun.
Pagkarating namin sa room wala na naman yung teacher namin dahil may inaasikaso sa office. Ewan ko ba sa section namin, kung base sa pangalan ng section namin, section B kami. Pero kung base sa mata ng mga teachers at mga estudyate, kami ang last section.
Section B nga kami pero ano ba namang ugaling meron tung mga kaklase ko--este damay narin ako.
Lahat ata ng ugali makikita mo rito. Walang respeto kahit na may gurong nagsasalita sa harapan gumagamit pa rin ng cellphone tung mga classmates ko. Pero may mga mababait rin naman kahit papano."Ano ba naman tung room na to, parang sugalan" reklamo ni kaye, ang iingay kasi ng mga kaklase namin.
"Oo nga eh parang mga Gago lang ay, hindi. Gago talaga"
"Kaye, isulat mo daw ito sa blackboard at ipasa kay ma'am ang list ng mga nag kopya." Sabi ni Gen--kaklase namin.
"Ba't ako?"
"Malay ko, tanungin mo kaya si ma'am." mataray na sagot nito.
"Tsskkkk" walang magawa si kaye kaya ginawa na lang nya.
Habang nagkokopya kami syempre kasali ako, good student ako eh. Tumabi sakin si Roy dahil di daw sya makapagkopya ng maayos dun sa upuan nya. Kung ako ang magjujugde kay Roy, pero di talaga ako judgemental ha. Kung lang naman, Gwapong lalaki talaga si Roy at cute, medyo mataas lang sya kunti sakin. Wala syang isang ngipin sa harapan. Tapos mestizo din kaya maraming nagkakagusto dyan eh. Except sakin.
Kaya ayun tudo tukso mga kaklase namin. Parang mga tanga pero kami deadma lang. Kahit ganito bunganga ko may mga kaclose naman akong mga lalaki at Isa na roon si Roy. Pero Wala akong feelings sa kanya ah.
"Aye, saan pala banda bahay nyo?"
" Oh? Ba't mo natanong?"
"Wala lang"
"ah, basta"
Natapos ang pagkopya namin, umalis na si roy dahil nandyan na si kaye.
"Kaye, pwedeng manghiram ng notebook mo sa P. E?" kumabog bigla ng malakas ang puso ko dahil sa boses na narinig. Nandoon kasi sya sa may pintuan banda kaya ang lapit namin.
Kaya humarap ako bigla at binigay ang P. E notebook ko. Wala natong hiya hiya. "Itong sakin na lang martin oh, kompleto yan." nakangiti ko pang sabi.
"Ha? Eh. Sige Salamat," at humarap sya kay kaye, "Kaye itong kay Aye nalang"
"Sige, di rin kompleto tung P. E ko eh" sinabayan na lang ako ni kaye, inirapan pa ako pero nginitian ko lng sya.
Alam nya kasing PNP ako kay Martin PNP means PATAY NA PATAY. 3 years ko ata yang crush si Martin eh, simula first year namin kaso di lang sya aware na may isang magandang dilag na nagkakagusto sa kanya.
"Hzzzz, pasalamat ka at sinabayan ko yang kalokohan mo"
"Kyaaaaaaa, Thanks pala bes ah. Alam mo naman...."
"Kung di lang kita besplend, ilalaglag talaga kita, ba't di ka nalang kasi umamin malay mo sa pag-amin mong yan magkakajowa kana rin."
"Napaka hirap kayang umamin, baka sasabihin nya lang na 'Sorry Aye iba ang gusto ko eh' o di kaya'y ' May Jowa na ako Aye'." drama ko.
"Susss, buti alam mo" akala ko ichecheer up nya ako. Yun pala pinababa nya lalo yung puso ko este confidence ko.
Natapos ang afternoon class namin hindi muna kami umuwi ni kaye at naglakwatsa muna kami. Bumalik kaming perya dahil binago ni martin ang mood ko. Kaya ang saya saya namin ni kaye, kahit anong sugalan ang madaanan namin tumataya kami. Kahit bente lang tong Pera namin.
Naaliw naman kami sa mga sugalan dun kahit na yung iba di kami marunong pero masaya parin kahit manonood ka lang. Sa sobrang aliw di namin namalayan ang oras.
Umuwi na agad kami pagkatapos namin du’n. Malapit nang mag ala-sais Kaya dali-dali kaming naglakad pauwi. Separate na kami ni Kaye pagdating sa unang Kanto, ako sa bandang kanan sya naman sa may kaliwa. Kaya mag-isa na lamang ako ngayon.
Naglalakad na parang tanga. Pano Kaya kung aamin ako Kay Martin? Ano Kaya sasabihin nya? Kinilig ako dahil ini-imagine ko na liligawan ako ni martin tapos di na ako magpaligoy-ligoy pa at sasagutin na sya. Tapos pagpapasok kami sa school maraming maiinggit dahil nabingwit ko ang nag-iisang Martin. Tapos maraming mang-aaway sakin dahil sa inggit at selos pero dahil nandyan ang prince charming ko, di na nila itutuloy.
Muntik na akong mapada nang may nasayad akong bato.
“Pota! Ang tanga naman nitong bato na to. Buti na lang walang nakakita.”
Kaya napatuloy na ulit ako sa paglalakad.
"Aye!"
Napalingon ako sa tumawag, si jhami pala kaya huminto muna ako para hintayin sya.
"Oh?"
"Wala kang kasabay?"
"Meron. Kita mo naman Diba?"
"Ang harsh mo Alam mo ba? Nagtatanong lang eh. " Nakanguso nyang sabi.
"'Sensya na nabadtrip kasi ako dun banda"
"Bakit pala?"
"Ang tanga ng bato eh."
Tumawa naman sya na parang nagbibiro ako. Nagchikan kami habang naglalakad, nalaman ko na dun din pala ang bahay niya medyo malayo sa' min. Kaya naging malapit na rin kami. Una akong nakarating sa kaysa kanya kaya nagpaalam na rin ako, mag-isa na lang din syang naglalakad ngayon'g nakauwi na ako.
Irishiesss:)