Chapter 3

4 0 0
                                    


Notebook

“Guys, Tingnan nyo ‘to oh. Ang gwapo. My God. ” tumitiling si Jhamee.

“Patingin”

“Saan”

“Di rin naman yan mapapasainyo eh.”

Nandito kami sa field kaming apat. Ako sila kaye, Jhamee, at Gen. Naka complete uniform na para bang ang sipag mag-aral.

Nagpapahangin sandali dahil ang init sa loob ng room namin  walang aircon lalong-lalo na walang electric fan na para sa’min pero sa teachers meron.  Nakaupo kami ngayon dito sa malinis na damuhan. 20 minutes break pero kanina pa kami dito di naman kasi masyadong mainit. Tsaka wala atang plano pumasok tung mga kasama ko.

“Porket may Martin kanang walang pagtingin sayo, dadamayin mo kami?” di man lang bumaling sakin tung gaga na Jhamee’ng to.

“Eh totoo naman kasi. Tsaka wag n’yong isali baby ko dito.”

“Mas gwapo pa kaya yang si Kobe kaysa dyan sa Martin mo eh”

“Hoyy Kayo ah. Pasalamat nga kayo di ako interesado dyan eh.” kunyare lang yan. Pero ang totoo kating-kati na ako tingnan yun. Dahil mas mataas pa pride ko kesa height ayan tuloy nag-irita-iritahan ako.

Dumaan ang maghapon na di ko  man lang nasilayan ang prince charming ko. Ang boring. Ang tatlo naman busy naman do’n sa Kobe’ng sinasabi nila kanina.

“Kitakits bukas guys. Bye.” naunang umuwi si Gen dahil malayo pa bahay nila.

Kaming tatlo nalang ngayon ang naglalakad. Gaya dati. Wala akong ganang naglalakad habang yung dalawa nag-usap naman tungkol sa Kobe na yun.

“Alam mo kaye sikat daw yun do’n sa school nila pero nga lang may pagkamayabang."

“Talaga?” paniwalang-paniwala naman ‘tong isang to.

“Oo. Pero crush ko parin sya.” wala talagang araw na di ko maririnig ang tili ni Jhamee.

“Ako din.” si Kaye, at sabay naman silang tumitili ngayon.

“Kanina pa kayo ah. Parang ang gwapo naman yang pinag-uusapan nyo.” Naiirita ako kunyare sa mga tili nila eh. Di ko pa kasi nakikita yang kobe na yan.

Pero parang wala lang sa kanila yung tono ng pananalita ko. Tumili pa ng tuluyan. Binilisan ko ang lakad ko Kaya nahuli sila.

“Oy, teka lang Aye,”

Bahala kayo diyan.

“Ang taray ha!”

“Ewan ko sa inyo.”

Pagkauwi sa bahay. Cellphone agad inatupag ko, syempre sabi nila gwapo daw yun eh. Nangingiti pa ako dito Kaya sinita ako ni ate.

“Hoy! Babae ka. May jowaers kana ano?”

“Huh?” Naka tingin pa rin sa cellphone.

Search: Kobe????

Wait. Ano pala apelyido nun?

Di ko namalayan nasa likod ko pala ang ate kong magaling.

“kobe?”

“Di. Pinasearch lang ng classmate ko. Ewan ko sa kanila.” syempre ayokong malaman ni ate. Tinago ko agad yung cellphone ko at tumulong kunyare Kay mama.

Another day of being student. Simula n’ong nakita nila sa social media si kobe. Yun na pinag-uusapan nila kada break time. Ako naman itong parang timang kunyare nagsusulat pero yung tenga nakikinig sa kanila. Ewan ko ba pero ayokong malaman nila na may hidden agenda din ako sa kobe na yun.

Pero syempre di ko ipagpapalit si Martin sa kobe na yan.

“OMG! mga beshie!!” As usual si jhamee naman.

“Oh? Bakit?”

“Bakit jhamee”

Sabay pang lumapit yung dalawa. At yun nga nagtilian naman sila. Sabay sabay talaga ha. Kaya napapatingin yung mga kaklase namin sa kanila.

“Patingin ako.”

Parang nag slow mo ang ulo nilang tatlo.

“B-bakit?”

“Kahapon lang. Naiirita ka samin. Tapos ngayon…” Parang naguguluhan pa tung si Jhamee.

Umirap nalang ako. “Wag na nga lang.”

“Ito naman. Oh.” Pinaka kita nila sakin yung Picture  pero di yun ang tiningnan ko. Yung pangalan talaga.

Kobe Alcoseva

Dumating ang teacher namin at nag lecture. After discussion. Ito na naman sila sa kobe topic nila. Ngunit hindi sa kanila nakatuon ang pansin ko, kundi sa lalaking nakatayo sa harap ng room namin, na parang may hinihintay.

OH MY GOSH! it's MARTIN!!!

“Oy, bat ka nandyan Martin. May hinihintay?” di ko na pansin pinuntahan na pala sya ni Kaye. Close kasi sila, parang childhood best friend. Kaya minsan na iinggit ako Kay Kaye eh.

“Ah hindi naman sa may hinihintay gusto ko lang sana isauli ang notebook ni Aye, nandyan ba sya?”

“Eh parang ganon na nga hinihintay mo sya. Teka lang.” Pinuntahan ako ni Kaye Kaya nagbusy-busyhan ako na para bang di nakikinig.

“Oy!” Sinapak nya ako sa balikat. Alam nya kasing di ako magagalit pag physically saktan nya ako basta may maganda syang balita.

“OH? Bat?” kunyare na naman. Nako pwede na ata ako mag artista nito eh.

“Ay di sya galet”

“Bakit ba?”

“Prince Charming mo nandyan sa labas. Kita mo naman siguro eh ano? Sus alam ko na yang galawang yan Adhrianna.”

“Ewan ko sayo.” Pero nangingiti pa rin.

“OH? Kita mo na. Patay na Patay ka gurl, ‘lam mo yun?”

“OO NA! tumahimik ka nga dyan”

Humalakhak lang ang gaga. Pumunta sya kila jhamee at lumabas naman ako na nangingiti. Pero di ko pinapahalata yun syempre baka ano pa isipin ng baby ko.

“Aye Thank you nga pala Ha.” Sabay abot nya sa notebook ko. Ang lambot ng kamay nya ah infairness. Mas nalambot pa ata sakin eh. Wala atang trabaho ‘to.

“Nako, your welcome basta ikaw.” Hininaan ko ang boses ko sa huli.

“Ikaw talaga, Sige ma una na ako salamat ulit.”

“Sige sige.”

Wala man lang goodbye kiss? Tsaka nalang siguro sa susunod baka nahihiya sya. P*ta! Bat ba ako kinikilig??

Nang dahil kay Martin my bebs gumanda ang araw ko.Pagnagkikita kasi kami kahit sa daan man yan namamansin na talaga sya di gaya noon. Snob sya. Pero ngayon iba na. Notebook lang yata nagbigay ng way para samin. Sana ganito na lang parati yung tipong kinakausap na nya ako.

“Hoy! Babae ka. Ang lalim ng iniisip ah?” Siniko ako ni Kaye Kaya napatingin din yung dalawa.

“Oo nga Aye, Tsaka sino pala kausap mo kanina sa labas”

“Nako Gen mauuna siguro to magkaboyfriend  sating apat.”

“Ha? Weeeeeeeeeee? Sino?? Share naman dyan Aye.” May kasama pa talagang tili jhamee ah.

“Ano ba naman kayo crush ko lang naman yung tao eh.” Pero deep inside I hope na magiging jowaers ko sya.

Nagtilian sila. Luh? Ako dapat ang tumitili dito eh.

Dahil wala pa teacher namin. Facebook is life muna. Doon ko lang na alala na may kailangan pala akong isearch.

Searching Kobe Alcoseva………….









Innocent Heart [ON-GOING] Where stories live. Discover now