1

10 1 0
                                    

3 months ago

"I will return to you your Exams. I'm telling you class, I'm disappointed with your scores! Parang hindi kayo nagseseryoso! I hope na magseryoso na kayo para tataas ang scores niyo." Another sermon ni Ms. Eheral

Kinakabahan ako, aminado ako na hindi ako masyadong nakapag focus this semester and I'm pretty sure na Mababa ang scores ko.

I'm a college student now, freshmen. I'm taking up Civil Engineering, bata pa ako gusto ko ng maging engineer, katulad ng dad ko.

"Ms. Villaraigosa get your paper" tawag ni Ms. Eheral

My knees are getting week because I'm nervous, uumaasa lang ako sa scholarship ko, hindi pwedeng mawala ito. Shit Lia bat ba't ba hindi ka nakapagfocus sa exams mo?

"Ms. Villaraigosa! Are you listening to me?" Shit, Dali-Dali akong tumayo at pumunta kay Ms. Eheral

Kinuha ko ang paper ko, hoping and praying na nakatungtong man lang ako sa passing grade. I flip it over and bumugtong hininga. I can't believe I passed! Hindi mn lang kasing-taas last semester but atleast!

"Good thing you passed the test kung hindi mawawala yung scholarship mo. I'm surprised dahil hindi naman ganito kababa ang scores mo, but you're lucky na nakapasa ka. Is there something bothering you Ms. Villaraigosa? I can help you." Puno ng concern ang boses ni Ms. Pineda

"I'm fine Miss, it's just something just came up and hindi ako masyadong nakapagfocus sa exams this semester. I'm sorry." Sabi ko kay Ms. Eheral

"No need to say sorry, basta if you have problems. I'm always here." I'm always grateful na naging isa sa adviser namin si Ms. Eheral. She may be strict sometimes but she's approachable and a good listener.

"Thank you, miss." Ngiting Sabi ko

Madami pang sinabi si Ms. Eheral tungkol sa lessons namin at iba pa.

"Ok that's all for today! Class dismiss!"

Pumanhik na ako palabas sa classroom namin. Wala naman akong trabaho ngayon and I need so much sleep kaya nakadecide ako na umuwi nalang ng maaga.

Bago pa ako makapunta sa gate ng school namin. Meron akong nakita. Ang babaeng kinamumuhian ko, mama ko. Kasama ang kanyang bagong mapapangasawa, ang mayor sa aming lugar. Sinundo nila ang kanilang anak. Meron kasing Highschool sa kilid ng school namin, dun pumapasok ang anak nila.

Minamasdan ko lang sila sa malayo. Kawawang bata, hindi alam na ang mama niya ay mangagamit at sinungaling. Hindi ko na kinaya dahil parang sasabog na ako sa galit. Tumakbo ako pabalik sa Department namin at pumasok ako sa isang bakanteng room.

Dumaosdos ako sa pintuan dahil nanghihina na ako. Umiiyak ako sa galit. Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Wala siyang hiya! Ang ginawa niya kay Daddy ay hindi makatarungan!

"Miss ok ka lang ba?" Tumigil ako sa paghikbi mg may nagsalita

"Ok lang ako, iwan mo muna ako please." Sabi ko habang nakayuko. Lumuhod siya sa harapan ko, konti lang ang nakikita ko sa kilos niya dahil sa hibla ng buhok na tumatakip sa mata ko.

"Sige iiwanan kita, pero tanggapin mo muna itong panyo ko." Saad niya

Hindi ako sumagot. Ayaw kong may makakita sakin na umiiyak ako, dahil sa haggard na mukha ko at sa dahilan din na ayaw kong makita ng tao na ganito ako.

"Dali na Miss, tanggapin mo na." Sabi niya ulit

Dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Naabutan ko ang nakangisi na mukha ng lalaki. Ang mukha niya ay masasabi mo talagang purong pinoy siya. Hindi siya maitim at hindi rin Maputi, sakto lang. At sakto lang ang pangangatawan halata na walang abs.

"Baka matunaw ako miss haaaaa." Biro niya

Seryoso akong tumingin sa kanya.

"Itong si Miss hindi mabiro oh. Ako nga pala si Julio Antonio Bonini, nice to meet you." Saad niya

Bonini? Lakas mga jologs ha

"Ang bantot ng pangalan mo." I said

"Alam ko hehehe. Tawagin mo na lang akong Juan." Tawang Sabi niya

Lakas maka sinaunang panahon ha.

"Wow you seem too bubbly to be a guy. Bakla kaba?" Walang kaemosyon kong sabi.

"Oiii miss wag kang mabintang! Proven and tested na hindi ako bakla! Ganito lang talaga akooo, madaldal at masahayin pero gwapo namn diba?" Sabi niya habang nagpapa-pogi sign. Tangina ang hangin

"Ewan ko sayo" Sabi ko

"Hahahaha nakakatawa ka miss!" Teka sa'n sa mga sinabi ko ang nakakatawa? Adik. "Ano pala pangalan mo?" Sabi niya

"Lia. Nafalia Villaraigosa" Saad ko

"Unique ng pangalan mo!" Ngising Saad niya

Yeah unique but I loathed that name.

"Sige mauna na ako." He held my hand and nakipag handshake siya sakin. "Byeeee see you again!" Tumayo siya at tumakbo palabas sa room

"Weird guy." Saad ko sa sarili ko. Tinignan ko ang kamay ko, may nakapatong na panyo. Ito siguro ang inoffer ng mokong nayon.

That day I felt a little spark of happiness.

Hi guys! Another update yey! Hope you enjoy!

-ube

YouWhere stories live. Discover now