Blessing (Part 1)

60 0 0
                                    

Date started: October 26, 2019

"Ang sakit" daing ko ng ako'y magising, halos buong katawan ko ay masakit sama mo na din ang ulo. Teka ano bang nangyari kagabi at halos lahat ng parte ng katawan ko ay masakit? Napatingin ako sa aking buong katawan ngunit tanging kumot nalang ang humaharang saaking katawan, ikinagulat ko naman ang biglang yumakap saakin tinignan ko ito at mas nagulat ako sa hindi inaasahan

"K-kuya A-than" naiiyak kong banggit sa kanyang ngalan, bakit siya? Bakit siya pa? Agad ko naman inalis ang pagkakayakap niya at hinila ang kumot, tumalikod naman si Kuya Ethan saakin habang ako ay nakita ko ang dugo sa kama dahilan na wala na ang pinakainiingatan kong binhi. Paika-ika ko namang pinagpupulot ang aking saplot ganon din ang pagtungo sa Cr.

Pagkapasok ko palang ay hindi ko maiwasan ang maluha habang naalala ang mga pangyayari kagabi, ng dahil sa party na iyon ay ito pa ang nangyari saamin? Nangako pa naman ako kay God na ipepreserve ko ang sarili ko para sa taong ibinigay niya saakin ngunit mukhang hindi na mangyayari iyon, hindi ko naingatan ang aking sarili. Sira na din ang pangako ko sakanya, ang bigat naman ng kasalanang ito.

"Hoy! Ms. Calarez tumutunog na yang pager mo!" nabalik naman ako sa ulirat dahil sa pag-sigaw ni Camilla agad ko naman chineck ito at kailangan ko ng pumunta sa Rm. 208 para icheck ang pasyente. Isa nga pala akong nurse at kung tatanungin niyo kung anong work ni kuya Ethan? Gaya ko din at ang masakit pa doon ay same kami ng hospital na pinagtatrabahunan ngunit buti nalang at magkaiba kami ng floor. At dahil nga sa pagkakayaya saakin ng kaworkmate ko sa party na iyon doon nangyari ang lahat.

"Good morning Mrs Reyes! Kamusta na po ang inyong pakiramdam!" masaya kong bati kay Lola ngumiti lang ito saakin kaya agad ko naman pinalitan ang dextrose na paubos na, nakita ko naman ang sinisilayan niya sa larawan

"Apo niyo po?" tanong ko, dahil nakita ko ang isang bata na masayang nakangiti habang yakap yakap ang teddybear nito

"Oo hija, ang kaso wala na siya ngayon eh. Kasama na si God" nalungkot naman ako dahil saaking narinig, syempre ay masakit ang mawalan ng mahal sa buhay hindi madaling kalimutan ito

"Sorry po" napayuko nalang ako ngunit nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Lola, napatingin ako sa kanya at nakita kong umiiyak ito

"Na-nako Mrs. Reyes wag po kayong umiyak baka po akalain nila inaaway ko po kayo"

"Masama bang umiyak hija?" nakonsensya naman ako sa sinabi ko kanina, sabagay hindi naman masama ang umiyak eh ang masama kung hindi mo ito mailabas

"H-hindi po, sorry po kung pinatitigil ko po kayo sa pag-iyak. Pero Mrs. Reyes hayaan niyo po ng daluhan ko muna po kayo, ilabas niyo po ang lahat ng sakit na iyong nadarama pero lagi niyo pong tatandaan na kasama na po ni God ang inyong apo " pagdalo ko sa kanya habang hinihimas himas ko ang ang kanyanv likod

"Hija naniniwala ka bang may Diyos? Parang habang tumatanda ako ay para nalang siyang isang alamat saakin" nalungkot naman ako sa aking narinig, siguro ito na ang way ni God para bumalik si Mrs. Reyes sa kanya, ang maipakilala siyang muli

"Oo naman po! Totoong tunay at buhay po siya,si Jesus?  hindi po siya isang alamat lang o kwento at alam niyo po bang siya ang tagapagligtas po natin. Tinubos niya po tayong lahat mula sa kasalanan ngunit tayong mga tao ay patuloy lang po sa pagkakasala" pagsha-share ko sa kanya

"Totoo ba ang mga nakasulat si bibliya? May bali-balita na hindi ito totoo dahil ang totoong bibliya ay nawala na, saka sa tingin mo ba pinatawad na tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan?"

"Mrs. Reyes totoo po ang bibliya pagkat salita po ito ni God, mula nga po sa John 1:1 In the beggining was the word and the word was with God and the word was God at saka hindi po maitatago ang salita ng Panginoon pagkat ito ay lumalaganap at lumalaganap po sa buong mundo dahil madaming ginagamit ang Diyos para ikalat ang kanyang salita, maaring ang ilan kaya nasabi na hindi na totoo ang bibliya dahil sa mas pinasimple nitong translation o di kaya naman po ay binabawasan ang kanyang salita pero hindi po natin pwedeng bawasan o dagdagan ang nakasulat sa bibliya pagkat maari tayong parusahan. Saka po alam niyo po na pinapatawad na po tayo ni God sa lahat ng ating mga kasalanan? mula po sa 1John 1:9  If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness. Ibig pong sabihin kung tapat po tayong hihingi ng tawad sa lahat ng ating kasalanan pinatawad na po tayo ni God, pero syempre po ay wag po nating paulit-ulit gawin ang kasalanang iyon" paliwanag ko sa kanyang tanong

BlessingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon