Blessing(Finale)

29 0 0
                                    

(END: MARCH 16, 2020)

"Mommy sa likod niyo po! Hahahha" agad ko naman nilingon ang taong sa likod ko ngunit huli na at nahuli niya na ako.

"Rawr! Ikaw na ang taya! Hahaha!" kasalukuyan kaming asa park ngayon at naglalaro ng taya-tayaan, nakakamiss maging bata!

"Hala madaya! Wala pang isang minuto nataya mo na naman ako!" sita ko dito na ikinatawa niya lang.

"Mommy, Daddy we're hungry na po" sabi ni Eliza kaya bumalik na kami sa pwesto namin kung saan ako naglatag ng sapin at mga pagkain, in short picnic.

Pinaghanda ko na sila ng makakain habang masaya naman silang nakikipagkwentuhan. Sa lumipas na araw ay wala na ang ilang sa pagitan namin ni kuya, in fact close na ulit kami at 'bestie' na ulit ang tawag niya saakin kahit din ako.

"Daddy who is your bride? Does she looks beautiful as like our Mom?" hindi ko maiwasan ang maubo, oo nga pala naexplain na namin sa kanila ang sitwasyon. Nung una nagalit sila ngunit salamat sa mga magulang namin na nag-paintindi, pero syempre andoon pa din ang " sana " nila

" Uhm she is Meliza, and every people has it own beauty" tumango nalanh sila, inilapag ko na ang pagkain sa kanilang harapan.

"But Dad why you don't choose our Mom? Diba babies is from the love of two couple? So that means you love each other but why you can't be couple? Yes they explain why you can't be because you promise on that girl and it's not good to break the promise but why Dad?" jusko Ethrone anak please tigil na!

"Ehem Ethrone, Elizalaine tama na ang pagtatanong, kapag malaki na kayo mas mauunawaan niyo ang sitwasyon. Eliza ikaw na ang maglead ng prayer" seryoso kong sabi na ikinatahimik naman nila, kahit si kuya ay nagseryoso dahil sa sinabi ko.

"Dear God, thank you for the blessing you have gaven us. Thank you because you are always there and guiding us, thank you for the bond today and I hope Mom and Dad will be together. Please blessed each of everyone in Jesus Name, Amen" sorry mga anak naiipit kayo sa sitwasyon ngayon, patawarin niyo ako mga anak at sana dumating ang panahon na maiintindihan niyo ang lahat.

Tatlong araw ang lumipas at sa bawat araw na dumating ay hindi pumapalya si kuya sa pagdalaw sa mga bata ganoon din ang pagsusundo sa kanila sa bahay nila Papa. Tapos ginagala niya ang mga bata, o hindi kaya ay nakikipagkulitan sa Condo.

"Thank you Doktora!" masiglang pasasalamat saakin ng batang kakatapos ko lang icheck up, nagpasalamat din ang ina nito. Nakakakompleto talaga sa puso kapag nakikita mo ang pasyente mong nakangiti sayo, maliban sa ngiti ng mga anak ko.

Break time ko na din kaya napagpasyahan kong lumabas muna ng hospital at makabili ng makakain dahil gutom na talaga ako ng matigil ako sa paglalakad dahil sa hindi ko inaasahang marinig.

" Akalain mo yun nagbunga pala ang ginawa nating kalokohan kay Doctor Ethan at kay Shaia hahahha"

"At least nasiyahan siya hahaha"

"Nasiyahan? Hahaha nasiyahan sa kalandian niya kamo! Akalain mo yun may fiancee na nga si Doc Ethan tapos dikit pa din siya ng dikit! Lande lang girl?!"

"Hahaha kunyare pa siyang pakipot nung una? Anyare ngayon best! Ayown inaahas na si Doc Ethan hindi na ako magugulat kung pumunta ang fiancee ni Doc tapos sabungan siya ng asin dahil sa kakatihan niya!"

"Laspagin ko siya diyan eh hahaha!"

"Hahahha Uy bastos ng bunganga mo! Hahahaha"

So sila ang may kagagawan ng lahat pitong taon na ang nakararaan? Anong klaseng tao sila para sirain ang buhay ko?! Sino sila para paglaruan ang buhay namin ni kuya Ethan?!

BlessingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon