Lumipas ang walong buwan at kabuwanan ko na rin ngayon, syempre ay nag-aaral na din ako ng doctor at ang specialist na kinuha ko ay Pediatrician kahit na buntis man ako, buti nalang ay hindi naging mahirap saakin na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang nurse dito sa Canada ngunit dahil malaki na ang tiyan ko at mabigat na ay tumigil na ako sa pag-tatrabaho. Natanggap din ni Mama ang pinagbubuntis ko samantalang si Papa ay masaya din at gustong makita ang apo ngunit alam kong dismayado siya dahil wala man lang akong maipakilalang ama ng bata.
" Babies behave lang kayo diyan huh? Papasok na si Mommy sa school" masaya akong malaman na kambal ang anak ko ngunit hindi ko na muna inalam ang kasarian ng mga anak ko, basta gusto kong suprise ito
"Let's go?" bungad saaking tanong ni Blake pagkalabas ko palang ng kwarto, mas lalo kong naging close si Blake at hindi siya pumapalyang ihatid at sunduin ako sa skwelahan o maging sa trabaho para ko na siyang kuya kung tutuusin eh.
"Blake excited na akong makita ang kambal kong mga anak!" masaya kong kwento kay Blake habang inaalalayan niya akong sumakay sa kanyang kotse.
"You are always excited to see your twins Sweety" sagot nito saakin at ngumiti ng malawak
"Blake ano kaya ipapangalan ko sa mga anak ko? Siguro kapag babae ang isa sa kanila ay Elizalaine Mary Shryle tapos kapag lalake ay Ethrone Paul Showle? Ang cuteeee" nangigigil pa ako habang sinasabi iyon hala excited na talaga ako! Kamukha kaya nila ang kanilang ama? Kamusta na kaya siya? Ipinagpatuloy kaya niya ang pagiging doctor?
" Isinunod mo talaga ang pangalan nila sa kanilang ama ano?" wow marunong na din siya magtagalog! Galing ko talaga magturo! Choss marunong talaga siyang magtagalog ineechoss pa nga niya ako nung una na kunyare ay hindi niya naiintindihan yung sinasabi kong tagalog yun pala ay marunong ang mokong
"Ah h-hindi ah " tama naman siya eh, sinunod ko ang pangalan nila sa kanilang ama, syempre ay hindi naman sila mabubuo kung hindi dahil sa kanya
"Are you sure? You know what Shaia, Im always here and I can be a dad for them if you let me. Shaia I love you, I really love you please give me a chance" natulala naman ako sa inamin niya ganon din ay nagulat ako sa kanyang paghinto sa pagmamaneho, hahawakan na sana nito ang aking mga kamay ngunit bigla ko naman naramdaman ang pagsakit ng tiyan ko
"A-ahhh ang sakitt!" daing ko at naramdaman ko din ang tubig na tumutulo sa pagitan ng hita ko, jusko manganganak na ako!
"A-aahhh! Blake manganganak na ako!" sigaw ko sa sobrang sakit at mas lalo pang humilab sa sakit ang tiyan ko sama mo pa na para akong natatae
"Wh-what?! What should I do?!" natataranta nitong tanong
"D-dalhin mo ako sa Hospital! Blake manganganak na ako---A-ahhh! Ang sakit!!!" di ko na kaya ang sakit talaga
"Relax Shaia! Dadalhin na kita sa hospital" natataranta nitong sagot at agad naman niyang minaneho ng napakabilis ang sasakyan habang ako eto at impit sa sakit, jusko mga anak relax muna kayo diyan please
Nakarating na din kami sa hospital at agad naman akong inasikaso, dinala na nila ako sa may delivery room habang si Blake ay naiwan naman sa labas.
"Mrs push!" utos saakin ni Doctora na agad ko naman ginawa ang pag-iri, halos inabot kami ng ilang minuto hanggang sa makarinig na ako ng iyak ng bata
"Congratulation Mrs! It's a baby girl!" tinignan ko naman ito at tila pinawi nito ang pagod ko sa pag-iri, jusko baby girl ko ang cute!
"A-ahh!" daing ko ulit, agad naman binigay ni Doctora ang anak ko sa nurse at gaya kanina ay umiri ulit ako hanggang sa narinig ko na ang iyak ng anak ko
![](https://img.wattpad.com/cover/203994096-288-k673221.jpg)
BINABASA MO ANG
Blessing
Historia CortaPaano kung dahil sa pangyayari ay nagkanda gulo gulo ang pangyayari? Paano mo ito sosolusyunan kung alam mong may masasaktan? Kaya mo bang magsakripisyo para lang sa taong mahal mo?