Blessing(Part 3)

17 0 0
                                    

"Daddy alam niyo po ba lagi po kayong kinekwento saamin ni Mommy! Walang araw po na wala siyang maikekwento tungkol sainyo, tapos po sabi ni Mommy saamin kaya po hindi pa po namin kayo nakikita kasi po nagwowork po kayo for us" bibong pagkekwento ni Elizalaine sa kanyang Ama habang ako ito at nakasilip sa kanila mula sa labas ng kwarto

"But now we know the truth but don't worry Dad, Were not mad with our Mom because she had a reason why" sabi naman ng anak kong si Ethrone, salamat naman at hindi galit ang mga anak ko saakin. Salamat dahil kahit na hinadlang ko ang pagkakataon na magkakilala silang mag-aama ay tanggap pa din nila ako...

"That's right kid, wag kayong magtatanim ng galit sa Mommy niyo dahil masama iyon----"

"Kasi po hindi po natutuwa si Jesus dahil po wala pong maidudulot na maganda" sabay na sabi ng kambal, nakakatuwa dahil naisasabuhay nila ang pangaral ko sa kanila

"Yes kids tama! " natutuwa ding sagot ni Kuya Ethan sa kanila

"Pangaral po saamin yun ni Mommy, wala po kasing maidudulot na tama ang gumawa ng kasamaan at lagi pong sinasabi saamin ni Mommy na magpatawad po kami sa iba kasi po si Jesus pinatawad po tayo kahit ang dami po nating kasalanan" masaya ako pagkat napalaki ko sila ng may takot sa Diyos at pananalig, pero simula ng huli naming pagtatalo ni Kuya ay hindi niya na ako pinansin. Siguro ay galit siya o hindi naman kaya ay dismayado sa nagawa ko...

Dalawang buwan na ang lumipas at ngayon ang araw ng kaarawan ng kambal kaya halos ang bawat isa ay abala sa paghahanda sa kaarawan ng anak ko. Kasalukuyang asa skwelahan ang kambal kaya naisipan namin na isupresa sila, salamat din sa tulong nila Papa at Mama ganon din ng mga kapatid at pinsan ko sama mo na si kuya Ethan maging ang family niya. Alam na din kasi nila ang about sa kambal , nung una nga ay nagtampo saakin si ate Dianne at si Mama Kirsly dahil hindi ko sinabi sa kanila ang totoong nangyari saakin maging ang ama ng mga anak ko kahit ganon din ang mga kaibigan ko sa chruch ay nagulat din sa nangyari pero tuwang tuwa naman sila ng makita ang kambal at halos panggigilan pa.

"Pakiabot po ng gunting" utos ko sa kung sino man habang inaayos ko ang mga design na nagawa ko

"Here" napatingin naman ako sa nag-abot nito, ngumiti nalang ako kahit sa totoo ay naiilang ako sa kanya

"Thank you kuya Ethan" inayos ko na ang mga design sa pagkakadikit sa may nakahang na tali, doon ko pinagdidikit ang lahat habang nakatungtong sa may bakal na parang pagdan, sa pagkakaayos ay parang pyesta ang birthday ng mga anak ko!

"Shaia!!!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses dahilan ng ikinalingon ko

"Uy Blake! Long time no see!" sigaw ko, bababa na sana ako ngunit namali ako ng tapak dahilan ng ma-out of balance ako, rinig ko din ang pagsigaw ng ilan sa pangalan ko habang ako ay hinihintay ko nalang ang pag-bagsak sa lupa.

Nang maramdaman kong parang napahiga ako ay unti unti kong minulat ang aking mata, buti nalang lupa ang binagsakan ko kaya siguro hindi ako nakakaramdam ng sakit,pero bakit ganon? Parang nakahiga ako sa matigas na malambot?

"Are you okay?"rinig kong tanong ng pamilyar na boses, seryoso itong nakatingin saakin

"O-okay lang ako, S-salamat"

"Shaia! Are you okay?!" lapit saamin ni Blake, agad naman niya akong tinulungan sa pagtayo

"Okay lang ako Blake, Salamat" tumayo na din si kuya ngunit pansin ko ang pag-ngiwi niya habang hawak hawak ang braso niya.Napilayan kaya siya?

"Shaia! I really really miss you! Wala ng nangsesermon saakin sa Canada" malungkot na tugon ni Blake habanh nakayakap ito saakin, teka mukhang may problema ah?

BlessingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon