"Di ka kasi nakinig saakin, Catherine Grace. Walang forever sa grades lang may fourever! Hahaha" Pang-aasar ko sa kanya. Totoo naman sinabi ko sa kanya eh. Di totoo ang salitang forever, sa panahon natin ngayon ang salitang forever ay kagaguhan na lang. Tang-ina. Sinong gustong mag-tagal sa isang relasyon? Syempre, wala diba? Kung gago ka at may habol panigurado mag-tatagal talaga kayo.
"Salamat sa support, Alyx. Sobra" Sarkastiko niyang sagot saakin sabay punas ng luha niya. Iiyak ka pa sa lagay na yan? Para kang tanga. Ano ngayon kung iniwanan ka? Wala ka ng magagawa pa. Di ka na mahal. Sa tinggin mo babalikan ka pa nun? Kung babalikan ka man, iisa na lang ang dahilan dyan. Wag kang tanga, alam kong alam mo ang tinutukoy ko.
"You're welcome!" Sabi ko sabay batok sa kanya. Ganyan talaga kapag barkada. Bakit ko siya dadamayan kung kagaguhan lang din naman ang relasyon nila umpisa pa lang?
"I-kain mo na lang 'yan kesa umiyak ka pa dyan. Wala din namang madudulot na maganda yan" Sabi ko sa kanya at nauna ng tumayo. Sumunod naman siya kaagad saakin. Ang pag-iyak dapat hindi pinagtatagal. Ano yun araw-araw ka na lang iiyak? Walang katapusan? Ano gusto mo maubos tubig ng katawan mo? Minsan kasi may mga bagay na hindi na dapat iniiyakan ng matagal o kaya pinagtatagal. Kelangan tanggapin kahit masakit, tiisin kasi yun ang dapat. Malalaman mo bang pagmamahal yan kung di ka nasasaktan at nagmumukhang tanga?
Ang pag-ibig kasi paulit-ulit lang yan. Nagmamahal ka, nasasaktan ka, move-on at kapag nakapag-move on ka na akala mo ayos na pero kapag nagparamdam siya ulit, babalik ka nanaman sa dati. Isang bagay na uulitin mo lang palagi, walang katapusang bagay.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni Catherine Grace ng fried noodles, gusto niya daw eh. Edi pag-bigyan broken hearted kasi.
"Bakit ba ganyan silang mga lalake, di marunong makuntento sa isa lang. Kelangan dalawa o mahigit pa. Gaano ba kadami ang puso nila at ilang beses tumitibok sa mga babae? Ha?! Tang-ina!" Inis na inis na sambit ni Catherine Grace habang umiiyak nanaman at kumakain. Ano kayang lasa ng kinakain niya ano?
"Tapos di lang 'yun. Kapag bumukaka yung babae sa harap nila, libog na libog na, yung dragon nabubuhay sa tulog. Tsaka gagawa ng milagro. Pagkatapos gawin itatago sayo, malalaman mo na lang tapos na ganito ganyan. Oh tang-ina nila! Mag-sama sila sa impyerno!" Galit na galit na sambit ni Catherine Grace. Naalala ko tuloy yung dati. Kung saan umasa ako na totoo talaga DATI ang forever.
- Flashback 3 years ago -
"Alyx, liligawan kita ha?" Walang pasintabing sinigaw saakin ng isang estudyante saakin habang pinag-sasagot ako sa board ng teacher namin. Narinig ko namang nagsitilian ang mga kaklase ko kaya napatinggin ako sa kanya at tsaka siya binato sakto namang tumama sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Walang forever, Tanga! [One Shot]
ChickLit❝Sa grades lang may fourever, wag kang magpaka-tanga!❞ © potterbliss