Chapter Fifteen Pigeon 2

540 17 2
                                    

Chapter Fifteen: Pigeon 2

Nakatingin lang ako sa kisame hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumipas dinalhan na ako ng pagkain pero hindi ko pa iyon nababawasan mula kanina. Pati na rin yung damit na pamalit na bigay nila ay hindi ko kinuha. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.

Pagkatapos maghubad ng baliw na Pigeon ay bigla na lamang siya tumayo  at isinuot ang damit niya bago umalis ng kwarto at hindi na bumalik. Hindi na rin nakaposas ang mga kamay ko.

Hindi naman ako makakaalis dito? Sana maalerto man lang kahit si Vania na wala na ako sa hotel. Umalis ako sa kama at tinignan muli ang buong kwarto, kanino kayang bahay ito? Okay masyadong malaki para tawaging bahay dahil mansyon naman talaga ito.

Bigla ko naalala ang cellphone ko na nilagay sa bulsa ng gown ko pero ng kapain ko iyon ay wala na.

Mag-isip ka ng maayos Iris hindi pwede na maghihintay ka lang. Kinuha ko ang damit na pamalit at dumiretso sa banyo para maligo. Base sa sinabi nung Pigeon kanina meron lang ako 24 hours na palugit para kunin ni Trevor dito.

Pero malinaw pa rin sa akin yung sinabi niya na "stay away from him". Paano naman ako makakaalis dito? Battalion ata ang private army na nakakalat dito. Dahil wala naman din ako maisip na paraan binilisan ko na lang ang pagligo at lumabas na ng banyo.

Pero paglabas ko ay si Pigeon na nakaupo sa sofa ang bumungad sa akin. Nakaramdam na naman ako ng kaba lalo na nung nag angat siya ng tingin sa akin. Diretso lang siya na nakatingin sa akin. Hindi ako makakilos dahil hindi ko alam ang gagawin at baka kung ano na naman ang gawin niya kaya mas mabuti na may distansya kami sa isa't-isa.

"Wala pa kami natatangap na tawag kay Trevor." Simula niya na hindi humihiwalay ang tingin sa akin.

"May ilang oras pa naman na natitira. Kwentuhan mo naman ako about Trevor."

Kwentuhan? Bakit naman kaya. Pero hindi ko pa rin siya sinagot.

"Bakit ang layo mo?" Naiinis na sabi niya.

"Ayoko lumapit sa'yo baka kung ano na naman gawin mo."

"Tulad ng?" Nangaasar na tanong niya.

Mas lalo ako lumayo sa kanya. Pero tumayo siya at naglakad palapit sa akin kaya naman kinabahan ako.

"Sorry Iris pero hindi kita type." Natatawang sabi niya.

"Wala naman ako pake kung hindi mo ako type hindi rin kita type."

Natigilan siya paglapit sa akin at tumitig.

"Bakit?"

"Bakit tinatanong mo pa? Basta hindi rin kita type."

"Okay. Halika lumapit ka."

Umiling ako bakit ba pinipilit niya ako palapitin.

"Ayoko. At wala rin naman ako makukuwento sa'yo."

"Naging boyfriend mo siya di ba?"

"Oo, pero hindi naman totoo pagpapakilala niya sa akin. Hindi ko alam kung sino ba talaga siya."

Nagsimula na naman siya maglakad kaya lumayo ulit ako.

"May ipapagawa ako sa'yo." Naiinis na sabi niya.

"Ano nga!"

"Lumapit ka muna."

Naiinis na naglakad ako palapit sa kanya. Bigla niya hinawakan ang kamay ko at hinatak palabas ng kwarto. Kinabahan ako bigla.

"T-teka saan mo ako dadalhin."

Hindi naman siya sumagot isang malapad na hallway ang nilakaran naman. Nasalubong pa namin si Cricket na may nakapasak na headset sa tenga. Nangunot ang noo niya ng makita kami pero natawa siya bigla.

"Pigeon! Don't forget to wear condom!" Sigaw niya ng lampasan namin siya.

"Anong sinasabi niyang condom? Bakit may condom?" Pero hindi niya ako pinansin hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto.

Maraming gamit ang nagkalat mukha siyang laboratory pero magulo. Wala sa ayos ang mga gamit may kinuha siya na kung ano sa isang cabinet. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Nakita ko naman sa gitna ang isang operating table.

Nang tapos na siya ay tinawag niya ako. Hinubad niya ang suot na pangibabaw bago humiga  sa operating table at inabot sa akin ang isang aparato na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

Itinuro niya yung leeg niya na merong tattoo.

"Lagyan mo ako tattoo."

"Ano?!"

"Bilis." Seryosong sabi niya.

"Hindi ko alam gamitin ito." Bigla siya bumangon at may kinuha na silicon pad nag demo pa siya. Akala mo ay nagtuturo lang ng simpleng art.

"Gets?"

Napailing naman ako. "Hindi masyado pero dahil mapilit ka sige humiga ka na ng matapos na tayo dito."

Humiga naman siya agad. ang weird lang niya talaga dahil ang bilis magbago ng mood niya.

"Seryoso dito talaga sa leeg mo?" tanong ko pa bago magsimula; nagsuot muna ako ng gwantes at nilinisan ang part kung saan gusto niya magpalagay ng tattoo. Medyo nanginginig ang kamay ko at natatakot ako na baka mabutas ang leeg niya kaso siya naman any may gusto ng ganito.

"Teka! Hindi mo sinabi anong design ilalagay ko."

"Just put your name."

"Ha?"

Napairap pa siya at naiinis na napakamot sa ulo.

"Pangalan mo ilagay mo. Ayan tagalog ng maintindihan mo."

"Ayoko! Ako na nga inutusan mo ng ganito na wala ako alam pati ba naman pangalan ko ipapalagay mo pa!"

Nagulat ako ng hawakan niya na mahigpit ang pulsuhan ko at seryosong tumingin sa akin.

"Gawin mo na lang ang sinabi ko. O gusto mo may gawin ako sa kaibigan mo. Vania is her name right? O gusto mo si Bettina na lang mas close kayo hindi ba?" Nakangising sabi niya. Marahan ko naman na kinuha ang kamay ko sa kanya.

Paano niya nakilala sila Vania at Bettina sino ba talaga siya? Sila? Anong klaseng tao ba ang nasa harapan ko ngayon.

Umiwas ako ng tingin at tahimik na nagsimula. Pwede ko naman siya sugatan.

Naiilang na nagsimula ako dahil nakatingin siya sa akin at hindi naman ganoon kalayo ang mukha niya sa mukha ko. Ano kaya nasinghot niya at pangalan ko ang gusto niya i-tattoo sa leeg niya. Meron na nga tattoo sa pisngi, pero kahit ganoon bumagay naman sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal na itinta ang apat na letra sa leeg niya. Mukha siya madaling gawin pero hindi. Naroon yung napabuntong hininga siya siguro dahil sa tagal pero hindi siya nagreklamo kahit alam ko na nangangawit na siya kanina pa kasi na nasa iisang direksyon ang katawan niya.

"Tapos na." Kahit ako ay nangawit hindi perfect ang pagkakagawa ko pero pwede na sa tingin ko.

Kinuha niya ang isang salamin at tinignan ang ginawa ko.

"Ang panget ng sulat mo."

"Bagay naman sayo panget ka rin."

Natawa lang siya.

"Alam mo na hindi ako panget." Kinapa pa niya kanyang leeg.

"Ewan ko sayo."

"Isang oras at kalahati sa apat na letra. Pwede na."

"Hindi naman ako tattoo artist. Bakit ka ba nagpalagay ng tattoo sa akin."

Bigla na lang niya ako inakbayan at hinalikan sa noo kaya hindi ako makagalaw.

"Tara kain tayo."

Nauna na siya naglakad pero nakatayo pa rin ako at hindi makakilos bago pa siya makalabas ng pinto ay bumukas na iyon at pumasok si Cicada. Lumapit siya kay Pigeon at may binulong sabay silang napatingin sa akin. Pero yung ngisi ni Pigeon ang napansin ko.

Bigla ako kinabahan sa klase ng tingin na binibigay niya.

To be continued...

Mine Series: TrevorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon