Chapter Twenty One: Hide

378 11 0
                                    

Chapter Twenty One: Hide

"Iris this is Grenda. Grenda kilala mo na siya since madalas siya makuwento ni Trevor sa'yo."

Ngumiti lang si Grenda sa akin at kumaway lang ako.

"Ibig sabihin ba nito hindi talaga kayo ni Trevor?"

Abot tenga naman ang ngiti ni Guada tsaka inabot ang kamay ni Grenda at pinisil ito.

"Oo, matagal na kami ni Grenda. Bago ko pa makilala si Trevor. And since sinabi na rin naman sa'yo ni Trevor ang totoo. Ito nga I'm proud to say na girlfriend ko siya."

Nagkatinginan pa silang dalawa at halata naman na inlove sila sa isa't isa. Iniwan ko na silang dalawa dahil alam ko naman na gusto nila magsolo. Pumunta ako sa garden at naupo sa bakanteng bench. Nang aminin sa akin ni Trevor ang lahat kahapon ay hindi ko na siya nakita lumabas sa kwarto niya kahit kaninang umaga ay mag isa lang ako kumain hindi ko kasabay sila Guada.

Nalulungkot ako para sa kalagayan ni Trevor at hindi ko alam kung ano maitutulong ko. He's dying at tanging nautilus lang ang bumubuhay sa kaniya.

Paano pag nalaman ni Pigeon ang safe house niya? Ano na ang mangyayari? Bakit ang kumplikado naman ng lahat. Hindi siguro mangyayari yung pagdukot sa akin kung lumayo lang sana ako kay Trevor.

Ilang beses na niya ako pinalalayo pero hindi ako nakinig.

Ngayon ginamit pa ako para kuhanin sa kaniya ang tanging bagay na bumubuhay sa kanya ngayon.

"Ang lalim ng iniisip mo." Napalingon ako at nakita ko na nakatayo si Trevor sa may pintuan. Humakbang siya at tumabi sa akin.

"Ano na mangyayari?"

"Anong ibig mo sabihin na anong mangyayari?" Balik tanong niya.

"Itong sitwasyon mo ngayon magtatago ka pa rin ba? Paano si Pigeon? Paano yung katawan mo?"

Matagal bago siya nakasagot.

"Iris, hindi natin hawak ang mangyayari. But what important is you're here now." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

"Kasalanan ko kung sana ay sumunod ako sa sinabi mo na lumayo sa'yo. Sana ginawa ko nasayang lang yung sinimulan niyo ni Guada." Bumitaw ako sa hawak niya.

Tinignan naman ako ni Trevor ng nakakapaso kaya ako na nag iwas ng tingin.

"Nagsisisi ka?"

"Oo." Ngayon alam ko na ang tunay na kalagayan niya mas dapat lang na lumayo ako.

"Pagkatapos ko sabihin ang lahat?" Nagtatakang tanong niya.

"Lalo ka guguluhin ni Pigeon."

"He knows already kaya nga pinadukot ka niya. He use you against me." Ramdam ko ang inis ni Trevor.

"Lalayo na lang ako baka hindi ka na niya guluhin sinabi mo naman na wala sa'yo ang nautilus."

Napailing na lang siya. Ang galing lang dahil kung titignan siya ay mukha talaga siyang tao. Isang malusog at malakas na Trevor.

"At sa tingin mo ganoon lang ang lahat? Iiwan mo na lang ako basta?"

"Nagawa mo naman dati iniwan mo nga ako." Tumayo na ako at iniwan siya sa garden.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat pero kung lalayo ako wala ng ipapanakot si Pigeon sa kaniya. Mananatili ang nautilus kay Trevor at mabubuhay siya. Hindi ko sinabayan kumain ng hapunan sila Trevor. Hinatiran lang din ako ni Guada ng pagkain.

"LQ kayo?" Tanong niya ng mailatag niya ang pagkain sa mesa.

Nagkibit balikat lang ako.

"Tsk! Kaya pala bad mood yung isa bakit?"

Mine Series: TrevorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon