Chapter 13: Nautilus

682 16 1
                                    

Chapter 13: Nautilus

"Kilala mo ba si Trevor?" Tanong ko ng makalabas na kami elevator ni Dallas.

"Trevor? Yes, everybody knows him. Hindi mo ba siya kilala?"

Everybody? Binagalan ko ang lakad ko at hinintay ang susunod na sasabihin ni Dallas.

"Ano ba siya?"

"He's a Mechanical engineer and one of the creator of Nautilus 45. One of medicine breakthrough of this decade." Balewalang sabi niya pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang Mechanical engineer na sinabi niya. Trevor is an IT specialist nung kami pa, pero ano nga naman ba ang alam ko. Hindi nga ata lahat ng pinapakita niya sa akin ay totoo.

"A-ano yung nautilus 45?"

"Nautilus 45 is a device use to detect and treat cancer cells. Hindi ka siguro nanonood ng tv." Nakangising sabi ni Dallas habang nakapamulsa.

Napailing naman ako dahil aminado ako na hindi talaga ako nanonood ng tv. Pero si Trevor Mechanical engineer at may naimbento pa? Ano pa ba ang hindi ko alam sa kaniya?

"Asan yung room mo?"

Napahinto ako ng mapagtanto ko na ibang hallway pala ang natahak namin.

"Sorry! Nalito ako dito pala tayo sa kabila." Nauna na ako naglakad kay Dallas ng marating namin ang kwarto ay agad ko binuksan at hinanap ang cellphone na nasa tapat ng vanity mirror.

Mabilis ko na kinuha at inilagay sa bulsa ng gown ko. Si Dallas naman ay nasa labas at naghintay lang sa akin.

"Tara baba na tayo."

Tumango lang si Dallas at tahimik na sumunod sa akin. Pagbalik namin ay nagstart na ang program. Hinatak naman ako ni Dallas sa isang table kung saan may mga nakaupo na pero hindi ko kilala kung sino. Tinext ko lang si Vania na i-text ako pag may kailangan siya pero hindi siya nagreply at wala din siya sa ballroom. Inilibot ko ang paningin ko at natanaw si Trevor na dalawang table ang layo sa kinauupuan namin.

Kausap siya ni Guada at mukang seryoso ang pinaguusapan nila. Bigla siya napatingin sa gawi ko kaya nagiwas agad ako ng tingin.

Feeling pa naman siya minsan.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Dallas na Mechanical engineer siya. Bigla ako nakaramdam ng lungkot. Imagine akala ko mahal niya talaga ako pero bigla na lang siya nawala. Tapos hindi ko naman pala siya ganoon kakilala. Ni hindi nga niya sinabi kung sino ba talaga siya kung hindi ko pa pipilitin malaman.

At kung mahal ka talaga ng isang tao walang siyang itatago sayo. Malinaw lang na wala talaga siya plano na seryosohin ako.

"Oh? Bakit bigla ka nalungkot?" Untag ni Dallas na nakatingin pala sa akin.

"Wala."

"Okay sabi mo 'yan."

Madali naman pala kausap ang isang ito. Bigla ako nawalan ng gana, nakaka drain naman kasi ang party na ito. Hindi naman panget pero siguro malungkot lang ako dahil andito si Trevor at yung mga nalaman ko pa. Sa makeshift stage naman ay nagsasalita na ang mag asawang Vandoz at sa wakas nakita ko na rin si Vania na nakaupo sa VIP table kasama si Zephyr.

Nahiya naman ako lumapit dahil pinapalabas sa screen ang mga achievements at accomplishment ng company nila ngayong taon. Kaya nagsimula na ako maglakad palabas ng ballroom.

"Hey! Saan ka pupunta?" Tanong ni Dallas na nakasunod sa likuran ko.

"Susundan mo ako?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Bakit ka nga aalis?"

"Don't mind me. Doon ka na sa loob magko coffee lang ako." Sabay talikod sa kanya kaya hindi ko alam kung nakasunod pa rin siya. Pero paglingon ko wala na siya, buti naman kasi hindi ko naman siya date.

Nakita ko na may 24 hours convenience store sa tabi ng hotel mas mura ang kape doon kumpara sa coffee shop dito sa loob ng hotel. Naglalakad na ako palabas ng ballroom ng may dalawang lalake na naguusap sa maliit na lounge sa hallway. Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang nila binangit ang pangalan ni Trevor, agad ako huminto at sumadal sa dingding.

"Trevor Del Castillo is here. Ready the troop."

"Bad move. He's definitely aware na nandito tayo, i'll tell them to standby. Let Snake do the first move."

Ano pinaguusapan nila? Bakit bigla ako kinabahan.

"Pigeon, remember N45."

"Of course I know. If I have to kill him I will."

Bigla na lang naglakad yung isang lalake papunta sa pwesto ko kaya bigla na lang ako napatakbo palabas mabuti at hindi iyon gaano kalayo hanggang sa makalabas ako sa exit ng hotel. Nagpalingalinga ako para tignan yung lalake di ko nakita yung mukha pero naka suit din siya.

Pakiramdam ko may mali. Kailangan ko sabihin kay Trevor kung ano man pinagusapan ng dalawang lalake na 'yun.

Pero paano ko siya kokontakin? Wala siyang cellphone!

Kailangan ko siyang kausapin ng personal. Lakad takbo ang ginawa ko makabalik lang uli sa ballroom. Wala na siya sa dati niyang pwesto kahit si Guada ay hindi ko makita. Pero bigla ko nasipat siya ng may kausap siya sa isang sulok.

Ano naman sasabihin ko? Paano ko naman sasabihin sa kaniya. Lakas loob ako ng lumapit sa kaniya kahit naguusap pa sila ng isang lalake.

"Trevor."

Gulat na napalingon siya sa akin pero napalitan din iyon ng pagkunot ng noo niya. Kahit 'yung lalake na kausap niya ay nagtataka.

"Iris."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa lalake na kausap niya. Naintindihan niya ata ang ibig ko sabihin dahil siya na mismo ang nagpaalam kay Trevor at maguusap na lang sila mamaya.

"Why?" Tanong ni Trevor.

Lumingon ako sa paligid bago lumapit sa kaniya at nagsalita ng pabulong.

"Kanina may dalawang lalake na pinaguusapan ka. Narinig ko ang sabi na iready daw yung troop. Tsaka snake basta ganoon, n45? Parang ganoon pero natakot ako ng sabihin na papatay yung lalake kung kinakailangan." Hindi ko na alam kung tama pa yung pagkakasunod ng mga narinig ko. Kinakabahan ako at pakiramdam ko ano man oras may mangyayari.

Natigilan bigla si Trevor at bigla na lang ako hinatak sa sulok.

"Look Iris," tumingin siya sa mata ko ng may pagaalangan.

"Please do me a favor and stay away from me."

Natigilan ako sa sinabi niya. Wow, after ko sabihin yun hindi man lang niya na-appreciate? Hindi ko man lang siya makitaan ng emosyon. Kahit man lang pasasalamat. Tinangal ko ang kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko.

"Okay."

Tinalikuran ko siya at hindi na nilingon hindi man lang niya ako pinigilan. Bakit kasi nag concern pa ako wala nga siya pakealam sa akin at pinapalayo pa ako. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkape bwisit na Trevor!

"Don't move."

Napahinto ako ng maramdaman ko na may nakatutok sa likuran ko.

"Don't try to make a scene. Walk slowly."

"S-sino ka?"

"It's none of your business."

"A-ano kailangan mo? Wala akong pera!"

"Tch! Just walk!"

Mas lalong domoble ang kaba ko ng diinan niya ng kung ano ang likuran ko. Ito na ata ang pinakamalas na araw ko!

To be continued...

Mine Series: TrevorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon