I'm back, Manila!
Yes. Finally I'm home after 5 years. For real. Welcome home, Alyanna Shirley Chua Laurente. Or simply... Ashley. 😊
I love designing furnitures for my clients. I enjoyed it. Even my Japanese boss - Mariko, appreciated my portfolios ever since I started.
Mga kapatid ko lang ang sumundo sa akin dito sa NAIA-2. Mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. Abala sila Mom at Dad sa bahay dahil pinaghahandaan daw nila ang pagbabalik ko. May mga pagkakataong pabalik-balik ako dito sa Manila from Osaka. More on workation (work and vacation) ika nga. That's why I prefer to stay at home with my fam kesa mag-book pa ako sa hotel kahit kunwari isang linggo lang ako dito sa Pinas tapos babalik sa Japan.
Minsan, the other way around. Dumadalaw ang buong pamilya ko sa Osaka, so kahit papaano, hindi ko ramdam ang homesickness.
"Ate Ashley, na-miss ka namin. Sobra." Sambit ni Anton (little bro ko) habang nagmamaneho pauwi. Magkatabi sila ni bunso - si Andrei. Na-miss ko ang kakulitan ng mag-kuya. Ako kadalasan ang taga-awat nila pag nag-aaway ang dalawang 'to. Parehong ga-graduate na sa kolehiyo sa susunod na buwan. Tamang-tama lang pala ang pag-uwi ko!
-------------
Sinalubong naman ako nila Mom at Dad pagpasok ko ng bahay. Talagang pinaghandaan nila ang pagbabalik ko! Na-miss ko ang mga muebles dito sa bahay - na ako mismo ang nag-design bago pa ako nagtrabaho sa Osaka. Natutuwa ako dahil nasa lahi namin ang pagkahilig sa visual arts. Namana ko sa Daddy ko ang pagiging interior designer. Samantalang si Mommy naman ay architect, at financial analyst - Double degree holder sa madaling sabi. Multimedia Arts naman ang gustong tahakin ng little brothers ko. All out naman ang suporta ko sa kanila.
"Excited ako sa magiging first project mo dito sa Manila after 5 years, 'nak." Sambit ni Daddy habang nasa kalagitnaan ng hapunan.
"But no pressure, Ashley. Naiintindihan ka namin, kaya mag-relax ka muna dito. Sabihan mo lang kami kung gusto mo magbakasyon kahit ilang araw." Hirit naman ni Mommy.
"Speaking of bakasyon..." I said. Hindi nila alam na may surpresa ako para sa kanila. "Right after graduation nila Andrei at Anton, naka-schedule na po ang flight natin papuntang Amanpulo."
Tila nagulat ang lahat sa aking unang pasabog. 😂
"Kaya naman po Dad, Mom, Drei, Anton, sinend ko po ang e-tix ng bawat isa sa Messenger ninyo."
-----------
Isa-isa nila akong niyakap. Well, it's my turn to give back. Kaya hindi ako papayag na hindi ko sila i-treat ng ganito. We deserve this kind of vacation.
"Ate Ashley, salamat dahil dinala mo kami dito sa Amanpulo." Sambit ni Andrei habang abala sa pag-aayos ng kanyang luggage dito sa suite na tinutuluyan namin. Walang pasubali naming in-enjoy ang aming bakasyon kahit limang araw lang. Uy! Matagal-tagal din in fairness, hindi tulad ng mga panahong pa-back and forth from Manila to Osaka. Well, work reasons naman yun. 😂
-------
Ready na akong sumabak sa panibagong yugto ng aking career. Yung kumpanyang kinalalagyan ni Mom ay kailangan ng matinding renovation basta ako raw ang overall in-charge sa interiors. Bago man daw mag-retire si Mom ay kailangan niya itong matapos.
Hindi lang yan ang pinagkakaabalahan ko ngayon. I'm a blogger too. Pino-post ko sa aking Tumblr account ang lahat ng designs ko for many years. Kaya ang daming inquiries akong natatanggap kung pwede ba akong mag-design ng muebles para sa company nila - depende sa project, hehe. Ayoko namang pressurin ang sarili ko. One project at a time. 😂
Eksena sa Atrium Lounge - katatapos lang ng lunch meeting with a client.
Sa hindi inaasahan pagkakataon, natatanaw ko ang lalaking papalabas galing Café In The Park (tapat lang ng Atrium Lounge). Siya yung lalaking.... nag-inspire at nag-push na i-pursue ang career na 'to. At the same time, the very first guy who I really admire... a lot. And also my... greatest heart break. Charot!
BINABASA MO ANG
A BRAND NEW START (One-Shot Story)
RomanceFormerly "The Gap" A beautiful love story takes a long time to the new beginnings. - this is the story of the main characters, Ashley and Vince. In a good relationship, love, respect and honesty are the most important things. But sometimes, we tend...