Chapter 6

277 8 0
                                    

Nakita ko ang gulat at lito sa mga mata ni Ken habang niyayakap siya ni Leiya.

"O-oy! Ba-ba't ka nandito?" utal-utal na tanong ni Ken at hindi parin makagalawa sa kinatatayuan niya.

"Wala, I just knew you were here kaya I came," sabay ngiti. Ba't parang naramdaman kong may tinatago siya sa kanyang mga ngiti?

Hindi ko na kayang tumitig sa kanila na nakatayo diyan at sobrang lapit pa sa isa't isa. Napansin kong kanina pa nagbulong-bulungan ang mga lalaki. Ang mga babae naman ay pilit na makarinig sa sinasabi ng mga lalaki para malinawan.

Anong nangyayari...?

"Sakto at, um, tapos na akong magluto. Pwede ka nang sumama sa amin kumain," naiilang niyang aya ni Leiya habang sumusulyap sa akin. Nakita kong kumislap ang mga mata ng babaeng 'to at agad-agad pumayag.

"Sige! Miss ko na ang mga luto mo! Tara!"

Natigilan sa paglalakad si Ken dahil sa sinabi niya at dahan-dahang lumingon sakin.

Anong... Anong miss na niya mga luto ni Ken? Tama ba 'tong iniisip ko?"

Patuloy naman ang lakad ni Leiya patungo sa lamesa at agad umupo na parang ayaw niyang may mauuna sa kanya. Tumayo na kami at tumulong sa paghahanda ng mga plato habang hinahanda ni Ken ang pagkain.

"Ken! Dito ka na umupo!" sabay tapik sa upuan sa tabi niya. Hindi agad nakasagot si Ken at parang nagdadalawang-isip kung tatabi ito sa kanya.

"Sige," pilit na ngiti niya. Umupo na kami lahat at ramdam ko ang tensyon hindi lang sa kay Ken at Leiya, ngunit sa mga boys din na alam ata ang history nila.

Kumain na kami at ang tahimik namin except sa dalawa, of course, na nagcacatch up sa buhay ng isa't isa.

"Sayang at ngayon ka lang nag-aral sa Pilipinas Ken! Ang saya sana ng highschool life mo!"

"Okay lang naman, ang saya rin naman noong bumalik muna kami ng Manila,"  tipid niyang sagot.

Ibig sabihin ay taga-Cebu rin pala siya kagaya ko? Saan kaya siya nag-aral noon? Napuno na ng mga tanong ang utak ko kaya di ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan.

Kumain ako hanggang sa natapos ako at tumayo na. Nakita ko ang biglang paglingon sakin ni Ken.

"Tapos ka na?"

"Yeah, tatapusin ko nalang ang research natin," sabay lagay ng pinggan ko sa sink at pumunta na sa sala.

Ilang sandali ang lumipas at unti-unti silang natapos kumain at tumulong para sa group work namin. Huling natapos sila Ken at Leiya at sabay pa silang umupo sa sofa.

"Alam mo, Ken? Ang cute mo noong bata ka pa! Ngayon, sobrang gwapo mo na!" sabi niya sa isang malanding boses. Hindi makasagot ni Ken at ngumisi lang sa kanya. Yinakap agad ni Leiya ang braso niya at nagulat.

"Oh my god! Ang tigas ng muscles mo! Nagwoworkout ka ba? Sabay nalang kaya tayo mag-gym?"

Yakap-yakap parin niya ang braso ni Ken at hinahaplos ito. Hindi parin makagalaw si Ken at hinayaan nalang niyang landiin siya ni Leiya.

"Yeah, I just work out in a gym nearby para di na ako mahihirapang magtravel," sagot nito at binalewala lang ang huling tanong ni Leiya at sumulyap sa akin.

Ayoko na silang tignan dahil ang landi talaga ng babaeng 'to kaya nagpatuloy nalang ako sa pagreresearch. Panay parin ang usap nila habang gumagawa kami ng projects noong nagulat ako sa tanong ni Leiya.

Savior | SB19 FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon