Chapter 9

352 11 2
                                    

Amoy na amoy ang kanyang bango sa loob ng sasakyan, at patungo na kami sa nireserve niyang restaurant. Ngunit, nahuli kami sa traffic pero mabuti nalang at medyo moving ang mga sasakyan.

Sasabog na ata ang dibdib ko dahil una, nasa iisang sasakyan kami. Ikalawa, kakain kami sa isang restaurant, at kaming dalawa lang. At, naglakas-loob pa talaga siyang yayain ako. Sinong hindi kikiligin?

"Phoebe, ang tahimik mo ata?" basag niya sa katahimikan. Ningitian ko siya.

"Oo, may iniisip lang na malalim," sabay kagat sa labi ko. Ayoko na, masyado na akong kinikilig at hindi na kaya ng puso ko. Pwede na akong mamatay sa kilig.

"Anong iniisip mo? Let's talk, and get to know each other..." umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Um... I'm just thinking about you. Kinikilig lang ako dahil ang sweet mo. You even asked me properly..." hindi ko siya tiningnan at baka makita pa niya ang namumula kong pisngi.

"Hey, huwag kang mahiya. Ba't ka nahihiya? I mean, it's the proper thing to do."

Unti-unti ko siyang nilingon at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Umiwas siya pagkatapos ng ilang sandali at may binulong siya.

"I'd do everything for you..."

"Wh-what?" tanong ko habang nanginginig na ako sa kakapigil ng kilig.

"Wala, wala lang iyon Phoebe. Don't mind it na," at nagpatuloy siya sa pagdadrive habang nakangisi.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa paborito niyang restaurant. Sabi niya ay gusto niya akong dalhin dito para matikman ko ang masasarap nilang pagkain.

Pagkapark niya ay agad niyang tinanggal ang kanyang seatbelt tapos ay tinanggal ang sa akin.

"Wait here, Phoebe," at agad siyang lumabas sa sasakyan ngunit umikot lang ito patungo sa pintuan ko at binuksan niya para sa akin.

"Hindi mo naman ito kailangang gawin, Ken."

"No, it's okay, gusto ko 'tong gawin eh."

Papasok na kami ng restaurant. Binuksan ng crew ang pinto at binati kami. Ang ganda ng restaurant, at ang ganda rin ng atmosphere. Malaki at kayang mag-serve ng maraming tao. The restaurant screams Native Filipino vibe. It smells good, amoy mo ang mga masasarap na pagkain at wala kang maaamoy na mabaho. Well-lit yung lugar at kahit anong sulok ang pupuntahin mo ay maliwanag ito. Sakto yung spacing ng mga tables, at fit sa building ang interior design nito.

Hindi ko namalayan ay pinauupo na kami ng crew. Natauhan lang ako noong kinalabit ako ni Ken ay niyaya.

"Let's go?"

Tumango ako at sumunod sa crew. Hindi ko alam na may second floor pa pala ito at mas maganda pa ata ito sa first floor. Kitang kita mo ang city lights ng Cebu at ang mga sasakyan na dumadaan dito. Ang ganda, at mas naging maganda dahil nandito ako kasama siya. Umupo kami ngunit nakatuon parin ang atensyon ko sa view.

"Ang ganda, no?" tanong niya sakin ngunit hindi ko siya nilingon.

"Ang ganda talaga Ken, gusto kong bumalik dito," sabi ko na wala sa sarili.

Natauhan lang ako noong humagikhik siya at agad siyang tiningnan.

"Don't worry, babalik din tayo rito. Dadalhin ulit kita rito," ngumiti siya.

"Pangako ha?"

"Pangako."

Naputol lang ang, quote quote, paglalandian namin noong dumating ang waiter.

"Hello maam, sir," ngunit kay Ken lang siya ngumiti, "Here's the menu. Shall I come back later for your order?" at kay Ken parin ang atensyon niya. Kulang nalang ay maglalaway siya rito kaya nagsalita agad ako.

Savior | SB19 FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon