16 0 0
                                    

Miyuki's POV

Rikuesuto Bukku (Request Book), ito ang librong tumutupad sa kahit anong kahilingan subali't kapag natupad naman ang iyong nais ay ang kapalit non, ang iyong BUHAY...

"Miyuki, tumahimik ka na nga. Ang laki-laki mo na, naniniwala ka pa sa mga ganyan" Suway sa akin ni Hina kaya natigil ako sa pagkukwento kay Hikaru.

"Kahit kailan kj ka talaga Hina" Pang-iinis sa kanya ni Hikaru.

"Oo nga" I second the motion sabay labas ko ng dila para lalo pa siyang inisin. Sa ginawa kong yun ay napailing at natawa na lang si Hina sa akin.

"Pero... Miyuki, totoo ba talaga ang tungkol sa rikuesto bukku?" Usisa sa'kin ni Hikaru.

"O-o daw... Sabi..."

"Tignan mo na, hindi totoo yang sinasabi ni Miyuki" Sabat ulit ni Hina. Hayst! Si Hina talaga... Dumating na ang mga dokyusei (classmates) na'min kaya bumalik na kame sa aming mga upuan. Sakto ding pagdating ni sensei (teacher) at agad siyang nag-simula ng klase.



---



"Kurasu kainin (Class dismiss)" Sabi ni sensei sabay kuha niya ng kanyang gamit sa table at labas ng room. Nagligpit na rin ako ng mga gamit dahil maghahanda na ako mamaya para sa susunod na klase.

"Hina, tara punta na tayo sa toshokan (library)" Yaya sa kanya ng dokyusei na'ming si Mika.

"Doon na tayo magresearch para sa group report na'tin" Segunda pa ni Yumi. Tinguan sila ni Hina bilang tugon.

"Sige Miyuki, Hikaru maya na lang ulit" Paalam sa amin ni Hina. Tinguan na'min siya ni Hikaru bilang tugon.

死 (DEATH)Where stories live. Discover now