11 0 0
                                    

Hina's POV

Rikuesuto Bukku. Isang libro na tumutupad ng kahilingan ngunit buhay mo naman ang kapalit... Hayst! Saan naman kaya nakuha ni Miyuki ang ganong haka-haka? Tsk.

Ako si Hina Takahashi, 17 years old. 2nd year high school na ako dito sa Hokkaido Sapporo High School, Hiroshima Japan. Nagtungo kame sa toshokan para magresearch sa gagawin na'ming group report. Pagkapasok ay agad na'ming nilapag ang bag na'min sa upuan at naghanap ng libro na maaaring makatulong sa amin.

"Tignan mo Yumi! Interesting itong libro!" Natutuwang sabi ni Mika at agad ngang lumapit si Yumi sa kanya. Patuloy lang ako sa paghahanap ng libro.

"Oo nga! Mukhang maganda nga yan" Natutuwa ding tugon ni Yumi.

"Nandito tayo para maghanap ng librong makakatulong sa group report na'tin. Hindi para magbasa lang" Sita ko sa kanila ng makakuha na ako libro.

"Oo tutulong naman kame" Sabi ni Mika. Umupo na ako para magsimula na. Umupo na rin sina Yumi at Mika para din magsimula pero hindi para tulungan ako kundi para basahin yung librong nahanap nila. Hayst! Tutulong daw...

Sinusulat ko na ang maaaring makatulong sa amin pero sila libang pa rin sa pagbabasa. Pasarap buhay itong mga to ha? Ako ang sakit-sakit na ng kamay ko sa pagsusulat pero sila sarap na sarap naman sa pagbabasa ng librong wala namang katuturan sa gagawin na'min!

Tumigil muna ako saglit dahil nangangalay na ako. Napatingin ako sa kanila. Tila tuwang-tuwa sila sa pagbabasa ha? Napatingin din ako sa librong binabasa nila. Curious kase kung ano yun. Bakit naging interesado sila sa pagbabasa non?

リクエストブック (Rikuesuto Bukku), ang librong binabasa nila. Bumalik na ako sa aking ginagawa. Ngunit. Sandaling natigil ulit ako at napatingin ulit sa libro. Rikuesuto Bukku? Hindi ba ayun ang kinukwento ni Miyuki kay Hikaru kanina? Pero... Imposible... Hindi naman totoo siguro iyon. Oo, tama Hina. Hindi naman totoo yun.

"Grabe! Gusto ko ring humiling sa librong ito!" Natutuwang sabi ni Yumi.

"Ako rin!" Sabi din ni Mika. "Hihilingin ko na maging kame ng crush kong si Haruto!" Sambit pa niya.

"Ako naman, hihilingin ko na maging sikat ako dito sa Hokkaido Sapparo gaya ni Aika!" 
Sabi naman ni Yumi.

"Tara, isulat na na'tin dito sa libro yung mga wish na'tin!" Yaya ni Mika.

"Sige" Pagsang-ayon naman ni Yumi. Kumuha na sila ng ballpen para magsula doon sa libro.

"Saglit!" Pagpigil ko sa kanila kaya hindi sila natuloy.

"Bakit Hina? Gusto mo rin bang humiling?" Prankang tanong ni Yumi.

"H-hindi sa ganon. Ano kase... Hindi ba bawal sulatan ang librong nandidito sa toshokan? Kapag nakita tayo ng shisho (librarian) marereport tayo sa gaidansu (guidance)" Dahilan ko na lang. Baka kase kapag sinabi ko yung tungkol sa kwento ni Miyuki isipin nila nababaliw ako.

"Hindi yan" Taliwas ni Mika. "Edi sana yung mga dating nagsulat na dito nareport na" Dagdag niya sabay pakita niya ng libro. Tama siya, may mga nakasulat nga na kahilingan.



ウィッシュリスト (Wish List)

金持ちになりたい (Gusto ko maging mayaman)                                                    ✓ (X)
私は車が欲しい (Gusto ko ng kotse)                                                                             ✓ (X)
私は有名になりたい (Gusto ko maging sikat)                                                          ✓                



Tama siya, may mga nakasulat nga na kahilingan.

"Tara na Mika, huwag mo ng pansinin si Hina. Palibhasa natatakot lang yan na mahuli pero ang totoo gusto niya ring makisali" Pranka ni Yumi sabay agaw niya ang libro kay Mika at agad niyang isinulat ang kanyang hiling.

"Ako dapat nauna!" Sabi ni Mika kay Yumi. Nagsulat din siya sa libro pagkatapos ni Yumi. Hayst! Bahala kayo!

Siguro napapraning lang ako. Hindi naman siguro ang totoo ukol doon. Pero bakit may libro? Kung may libro, edi totoo nga iyon? Ah hindi. Siguro may nagtrip lang na gawin yun. Baka nga mismong si Miyuki pa ang gumawa non eh! Hayst!

死 (DEATH)Where stories live. Discover now