Chapter Seven

19 1 0
                                    

Francis's POV

-

Andito na ako sa school. Naglalakad-lakad, naghahanap ng makakasama. Field Trip na bukas at di pa rin napasok si Kath.

Pumasok ako sa room namin at nagmuni muni.

Maya-maya ay nakita kong pumasok si....
Si Kath.

"Kath!"

Tumingin lang si Kath sakin at umupo.

"Kath buti pumasok ka na. Okay ka na ba? Field trip na natin bukas, sasama ka ba? Sama ka na."

"Okay na ako." Sinabi niya yun ng parang may halong tamlay.

"Bakit ang tamlay mo? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Concerned lang naman ako sayo."

"Kung ganon salamat sa concern. Okay lang ako. Tumahimik ka jan."

Maya-maya ay dumating na ang mga kaklase namin at Teacher.

Hindi ako kinakausap ni Kath. Ano kayang nangyari sa kanya?

Hanggang uwian hindi parin ako pinapansin ni Kath.

"Kath! Sabay na tayo umuwi." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kanya.

"Magtataxi ako."

"Sasabay ako sayo"

"Ikaw bahala."

Habang naglalakad kami palabas ng school, napansin ko na matamlay ng mukha niya. Hindi na katulad ng dati na laging masaya.

Andito na kami sa Tapat ng bahay nila.

"Sige dito na ako."

"Sige ingat ka."

Kath's POV

Field trip na ngayon at nagkataon na katabi ko si Francis sa bus. Kanina pa niya akong kinakausap pero feeling ko lagi akong wala sa mood.

Simula nung naospital ako, parang araw araw gusto ko nalang umuwi at magkulong.

---FLASHBACK---

Pumasok si mommy sa kwarto ko sa ospital na parang umiyak.

"Mommy, umiyak ka ba?"

"Ha? Hindi, napuwing lang ako, wag kang magalala."

"Mommy, kilala kita. Umiyak ka e. Tungkol ba sakin yun mommy? Ano bang sakit ko bakit ako nahimatay kagabi?"

"Anak, may Leukemia ka daw." Biglang umiyak si mommy.

I can't believe it. Pano ako nagkaleukemia?

"Mommy, wag ka nang umiyak. Matagal pa akong mamamatay." Nagkunwari akong okay lang sakin pero deep inside sobrang nalulungkot ako.

---End of FLASHBACK---

Kaya siguro ako natatamlay lagi kasi alam kong mamamatay din ako anytime.

"Kath, nakikinig ka pa ba?"

"Ha? Saan? sorry may naisip lang ako."

"Sinasabi nung adviser natin ang schedule ng field trip."

"Ah sige sorry."

Malayo yung pupuntahan namin kaya nakatulog ako.

Paggising ko dito na kami sa unang destination ang Science museum.

Boring sa science museum. Kung ano ano nalang sinasabi, sa totoo lang hindi ako mahilig sa science e, music ang hilig ko.

Pagkatapos ng Science museum ay nagpunta kami sa intramuros, isang historical place.

Madami pa kaming pinuntahan na iba. Ang last destination namin ay ang EK.

madami kaming pinuntahan tulad ng space shuttle, ferris wheel at kung ano ano pa. pero nung palabas na kami para bumalik sa bus may di inaasahang nangyari. Naiwan kami ng bus.

"Omygod, Francis pano tayo uuwi?"

"Di ko din alam Kath. Ah! alam ko na, May kaibigan ako na nakatira sa malapit dito pwede tayo makitira dun."

"Sigurado kang patutuloyin nila tayo?"

"Ako ang bahala."

Maya maya ay nakapunta na kamisa bahay ng kaibiggan niya. kumatok si Francis at binuksan ang pinto.

"Francis! Namiss kita!" sabay yakap nito kay Francis.

"Naiwan kami ng bus, pwede ba kaming makitulog dito?"

"Sure, pero isa lang yung kwarto dito. dun ka nalang sa kwarto ko matulog. hihihi. ah-eh who are you?" Tumingin siya sakin.

"Ah ako pala si Kath, nice meeting you."

"Kaano ano ka ni Francis?"

"Uhhmmm ka----"

"Girlfriend ko siya." NAgulat ako kaya tumingin ako kay francis.

"Oh, so ikaw pala ang girlfriend ni Francis. Kung ganon tumuloy kayo, pasalamat ka girlfriend ka ni Francis baby ko."

Dumerecho na kami sa kwarto at nagdesisyong ako sa kama at si francis sa couch.

"Francis, bakit mo naman sinabi na girlfriend mo ako e kakakilala palang natin tsaka wala namang tayo."

"Shhhh, kilala ko kasi si Stephanie. Di tayo patutuloyin nun kung sinabi kong kaklase lang kita."

"Pagbibigyan kita this time pero di nato mauulit."

"Opo boss."


Then tumahimik na kami maya maya umimik na ako

"Francis, gising ka pa ba?"

"Oo, bakit di ka pa natutulog?"

"Di kasi ako makatulog e."

"Ako din."

"Kukuhanin koo lang bag ko dun sa table."

Pagtayo ko bigla akong nahilo, sumakit yung paa ko tapos natumba ako

"Kath? Kath anong nangyari sayo? Kath, Kath."

-------------------

vote and comment pls

@RaymoondM

sorry guys kung ngayon lang ako nagupdate busy e hahaha

Perfect AntonymsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon