Chapter Eight

15 0 0
                                    

Francis's POV

Pagkatapos mahimatay ni Kath ay sinugod namin siya ni stephanie sa ospital. Di naan sinabi saakin ni Kath na meron pala siyang Leukemia.

After a minute nagising na si kath.

"Kath, okay ka na ba?"

"Yah, salamat sa pagdala niyo sakin dito."

"Bakit di mo sinabi sakin?"

"Ang alin?"

"Yung Leukemia mo."

"Bakit? Kelangan ba lahat sabihin ko sayo? Ano ba kita ha?"

Napatahimik ako. Sapul ako dun ah. Ano nga ba niya ako? bakit nga ba ako ganito?

"Kasi mahal kita Kath."

"Mahal? e hindi pa nga tayo nagkakasama ng matagal e."

"Alam ko pero may something na nararamdaman ko and I know na mahal na kita."

"Francis, di mo alam sinasabi mo. Siguro kaya ka lang ganyan kasi ngayon ka lang nainlove. wala ka pang alam sa Pag-ibig Francis."

"Anong tingin mo sakin? bobo? Kath naranasan ko nang umibig dati pa at gantong ganto din yung naramdaman ko. Wag mo akong sabihan na wala akong alam sa pag-ibig kasi di mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit na iwanan at ipagpalit ng girlfriend mo sa ibang tao. Ikaw ang walang alam kath. Ikaw yun e."

Napatigil ako sandali at huminga. Lumabas muna ako dahil di ko na kinaya ang bigat ng atmosphere sa loob. Maybe I should get some air.

I dialed Mia's number and called her.

"Hello mia?"

"Hello francis, bakit ka napatawag?"

"Pwede ba kaming magpasundo bukas? Andito kami sa Laguna."

"Ha? Laguna? Bakit kayo andiyan? wait sino palang kasama mo?"

"Kasama ko si Kath. Mahabang kwento Mia. Ikekwento ko nalang sayo bukas."

--Call ended--

Kath's POV

Francis is right. Ako yung hindi nakaranas na ibigin.

Ako yung hindi nakaranas na masuklian ng pagibig.

Naaalala ko si Mia. Hanggang ngayon galit pa rin siya sakin. ang akala niya ay inaahas ko si Christian pero hindi.

---Flashback---

Papunta  ako sa auditorium nang makita ko si Ryan na may kasamang iba. nlapitan ko siya at ibinato sa kanya yung flowers na binigay niysa sakin kanina para sa monthsary namin.

Pero sa halip na magsorry siya, tinawag niya akong uto uto at tinawanan.

Masakit sa pakiramdam na lokohin. Naglakad lakad nalang ako ng walang patutunguhan. Maya maya ay nakarating ako sa Gymnasium at nakita ko si Christian dun na hinihintay si Mia.

"Kath!"

Di ko siya pinansin kasi guto ko mapagisa sa sulok.

"Kath!"

"Bakit?"

"Punta ka dito."

Naglakad ako ng mabilis papunta kay Christian at nagpunas ng Luha ko.

"Kath, may problema ka ba?"

"Ha? wala, pagod lang siguro ako."

"Ahh sige. pwede bang patawag kay Mia? kanina ko pa siya hinihintay e."

"Sige sige wait lang."

Maya maya naghimatay ako kaya sinalo ako ni Christian pero nagising din ako agad. pagmulat ko ay nakita kong pumasok si Mia. 

Nakayakap pala ako kay Christian. Dali dali kong tinagtag ang pagkakayakap ko sa kanya at sinundan si Mia para magpaliwanag, nung pumunta ako sa bahay nila. Inaway niya lang ako, sinampal at pinagtabuyan. pinaniwala niya ang sarili niya na inaahas ko si Christian.

---End of Flashback---

Yun naman talaga ang nangyari e. after ilang days pagkatapos nung pangyayari na yun Nagpunta kami sa US dahil sa work ni daddy.

Doon sa pinasukan ko na school nakilala ko si Alex. Akala ko magtatagal yung relasyon namin ni Alex pero hindi, katulad lang siya ni Ryan, pareho silang manloloko. After ilang years, eto, andito na kami sa philippines.

Biglang dumating si Francis na parang galit pa din.

--------------------------------------------
twitter:@RaymoondM
ig:@rmgeguia

vote and comment! :))

Perfect AntonymsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon