ch. 2

1.2K 43 0
                                    

PAGDATING ko sa bahay, ganon pa din ang nakita ko—wala pa din kaming kuryente. Maggagabi na ko nakauwi dahil sa biglaang pagdagsa ng tao kila Allen sa parlor nila. Kaya nagvolunteer na din akong tumulong tutal ilan sa mga staff nila d'on is day off. Binigyan din ako ng kahit papaanong bayad ni tita Arman—titong bakla ni Allen—para na rin sa tulong na ginawa ko. Hindi ko sana tatanggapin kaso nagpumilit si tito Arman kaya wala akong choice kun'di tanggapin.

“Nandiyan ka na pala..” Bungad sakin ni inang habang naglalapag ng ulam sa lamesa. Agad akong nagmano sa kanya at pati kay itang na abala sa pagsindi ng apoy sa may gasera.

Sabay sabay naman kaming umupo kalaunan. Katabi ko si mama habang katapat ko naman si ate Krystel. Si itang naman ay sa gitna.

“Kamusta naman 'yung parlor nila Allen?” Tanong ni ate dahilan para bigla akong kinabahan. Never na nagtanong si ate Krystel about sa parlor nila Allen. Kaya sobrang bilis ngayon ng puso ko dahil sa kaba. May alam kaya si ate? Pero kung may alam man siya, bakit hindi 'yon ang una niyang itanong?

Palihim akong bumuntong hininga bago sumagot at pilit na pinapakalma ko ang aking sarili. “Okay lang, ate. Dinagsa sila kanina kaya wala na rin akong choice kun'di tumulong.”

Naging normal naman 'yung paguusap namin habang kumakain. Nang matapos kaming kumain, habang naghuhugas ako ng plato, biglang tumunog 'yung cellphone ko na nasa bulsa ko kaya agad akong naghugas ng kamay at pinunas ko sa damit ko bago ko kunin 'yung cellphone ko at tignan ito.

Ma'am Teresa

We are planning big event this week. Gusto kong pumunta ka para naman maipakilala kita sa mga kasama ko.

Agad akong tumingin sa paligid ko kung may tao. Nang masigurado kong wala, nagtipa agad ako ng irereply kay ma'am Teresa.

Sige po.

Binulsa ko agad ang cellphone ko ng may marinig akong yapak papunta dito sa likuran ko. Agad kong pinagtuloy ulit 'yung paghuhugas ko.

Nakita kong si ate Krystel 'yon, pumunta siya sa refrigerator at binuksan 'yon. Wala pa ding kuryente samin ngayon kaya naasa ako sa gasera ngayon na nandito sa tabi ko. Kumuha siya ng baso at sinalin ang tubig tsaka ito uminom. Habang binabalawan ko 'yung mga pinaghugasan ko ay narinig kong nagsalita si ate Krystel, na talaga namang nakapagpatigil ng sistema ko.

“Balita ko, tinanggap mo daw 'yung alok ni Teresa Santos para sumideline sa mga pageant? Totoo ba 'yon?” Tanong nya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Para saan pa? Alam na rin naman ni ate 'yon, bakit kailangan ko pang sumagot?

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko tulot ng gasera pang 'yung gamit namin ngayon, kitang kita ko gaano kaseryso ang itsura niya.

“Sa tingin mo anong magiging reaksyon nila inang at itang diyan sa pinasok mo?” Nanenermong sambit ni ate. Wala akong nagawa kun'di ang yumuko.

“Ate..” Paninigil ko sa kanya.

“Bata ka pa, Lilaine!” Tumaas ang boses niya. Agad kong dinikit ang index finger ko sa labi ko. “Hindi ba sinabihan ka na namin kahapon na hindi p'wede? Ano bang hindi mo maintindihan d'on?” Punong puno ng pag aalala at pag iingat si ate Krystel, baka marinig nila inang at itang.

“Ate..” Hindi ko napigilang maiyak sa sinabi niya. Gusto ko lang tumulong pero bakit ganito? Parang mas nakakaabala lang ako sa kanila? “Ate, gusto ko lang naman na tumulong.. Ano bang mahirap d'on?”

Ilang minutong katahimikan ang namayani samin bago nagsalita ulit si ate Krystel.

“Ang mahirap d'on ay baka may mangyari sayong masama. Minorde edad ka, Lilaine. Seventeen ka pa lang! At alam mong hindi pa pwede ang magtrabaho ng ganong edad!” Sermon sakin ni ate.

Love Goes Where stories live. Discover now