ch. 20

583 29 2
                                    

“DITO ka na lang muna.”

Pangalawang concert nila ito ngayon. At syempre, kahit hindi pa ganon kagaling itong mga sugat ko, kailangan kong gampanan yung pagiging personal assistant ko sa kanya.

“Sige na kahit saglit lang, Joshin—”

“Hindi.”

“Joshin naman! Ayaw mo bang nandoon..” Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nararamdaman ko na parang may mali. Kaya hindi man makapagsalita ay tinuro ko na lang yung pintuan. “Ayaw mo ba?”

Nilapit niya ang mukha sakin bago sinipat ang mukha ko. Nilayo ko naman yung mukha ko. Nalulula kasi ako sa tingin niya kung hindi ko ilalayo ko yung paningin ko.

“Anong ayaw ko?” Ngumisi sya.

“Ayaw mo bang.. ayaw mong—”

Parehas kaming napatingin ni Joshin sa pintuan dahil sa biglaang pagbukas nito. Nanlaki ang mata ko at napalayo agad kay Joshin. Si Wella yung taong pumasok dito.

Tumalikod na ko kay Joshin at inayos ang gamit nito para hindi makaalis sa awkward na scene na yon.

“Ikaw na lang ang hinihintay doon, Joshin. Bilisan mo na.” Sita ni Wella kay Joshin sa seryosong tono.

Ilang segundong katahimikan ang narinig ko bago ako nakarinig ng yapak palabas ng dressing room. Humarap ako at nakita kong si Wella natira dito. Wala na si Joshin.

“Lilaine—”

“Magkaibigan lang kami, Wella..” Walang gana kong sabi habang walang gana ko din siyang tinitigan.

Hindi ko idedeny na may namumuong feelings ako towards Joshin pero hindi ako katulad ng ibang babae dyan na nagpapadala agad sa emosyon once na alam mo sa sarili mong may feelings ka na sa taong yon.

At kahit kailan, hinding hindi ko ipupush yung feelings ko kay Joshin dahil kahit ngayon ko lang siya nakilala ay alam kong ganito siya makitungo sa mga kaibigan niya. Sweet, clingy at may isang salita.

Bumuntong hininga si Wella bago dahan dahang tumango, tila may gusto pa siyang sabihin sakin, “Okay. Sorry, Lilaine. Worried lang talaga ako. Pasikat pa lang kasi sila, at baka pagmay nakaalam ng ganito, gamitin ito para bumack to zero yung grupo. At ayoko ng ganon.”

“Madami na silang napagdaanang lima at ayokong makita ulit silang nawawalan ng pagasa.”

I looked away. Naiintindihan ko yung gustong sabihin sakin ni Wella. Nakakasama ng loob, syempre kasi ikaw yung pinaparatangang baka isa ako sa biglaang pagkabagsak ng Blue Skies. Pero naintindihan ko naman siya. Gusto lang makasiguro ni Wella na walang magkakaproblema kung sakali.

Tumingin ulit ako sa kanya tsaka ngumiti. “Oo naman, Wella. Don't worry, walang magiging problema.”

Ngumiti sakin si Wella at niyakap ako. Niyakap ko din siya. Siguro nga, pigilan ko na din itong namumuong feelings na meron ako kay Joshin. Alam kong mali ito kaya dapat pigilan ko na ngayon pa lang habang maaga pa. Oo tama, dapat ng pigilan.

HUMINGA ako ng malalim bago ko binitawan ang bowling ball at marahan ko itong dinausdos sa may pinakagitna kung saan hindi ito gigilid sa mga gutter. Napangiti naman ako ng matagumpay kong natumba yung sampung pins.

Tumalikod ako para pumunta sa may upuan kung saan nandito yung bag ko. Habang umiinom ako ng tubig ay naaninag ko ang isang pamilyar na taong papunta sa gawi ko. Ngumiti ito sakin at lumapit ng bahagya. Binalik ko sa bag ko yung tubig. Akala ko ay magsasalita ito ngunit nagulat ako ng kumuha ito bowling ball at pumunta sa lugar kung saan ako tinira yung bowling ball kanina.

Love Goes Where stories live. Discover now