ch. 12

515 29 7
                                    

BAWAT hakbang na ginagawa ko papasok sa salon nila Allen ay halos manginig ako sa sobrang kaba at nerbyos.

Pagpasok ko, sumalubong agad sakin ang matatalim na titig sakin ni itang.

“Itang..” Nanginginig kong bulong sa sarili. Kitang kita ko ang pagpipigil ni itang sa mga sandaling ito. Sa pamumula ng kanyang mukha, sa talim ng titig niya sakin at sa panginginig ng kamay niya—tipong gusto niyang isampal sa mukha ko—ay nagtitimpi siya.

Imbes na sigawan ako ngayon, dumaan lang ito sa harapan ko at  umalis. Padabog niya ding sinara 'yung pintuan ng salon nila Allen. Agad namang sumunod si inang para pakalmahin si inang. Pero bago pa tuluyang sumunod si inang kay itang ay tumingin muna ito sakin at binigyan niya ko ng nakakaawang tingin.

Alam ko. Alam kong walang magagawa si inang sa ngayon kasi kasalanan ko naman. Nagsikreto ako sa kanila. May tiwala sila sakin na hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwala nila pero anong ginawa ko? Ito. Sinira ko 'yung tiwala nila na binigay sakin.

Dahan dahan akong tumingin kila Allen at tito Arman na parehong nakatingin sakin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil dito pa kami mismo sa salon nila nagkita kita.

“Sorry Allen, tito Arman..” Panghihingi ko ng tawad sa kanila. Pero instead na sumagot sila, lumapit lang sila at niyakap ako ni Allen habang si tito Arman naman ay niyakap kami pareho ni Allen. Hindi ko maiwasang ibuhos ang emosyon ko sa kanila.

“Alam kong hindi mo 'to gagawin para sa sarili mo lang. Alam kong para sa magulang mo 'tong ginagawa mo pero in the first place anak, mali ka eh.” Sabi niya sakin. “Maganda 'yung paraan mo para makatulong sila pero mali 'yung paraan mo kung paano mo sila tutulungan. Gusto ko mang sangayunan ka sa desisyon mong 'yan pero tingin ko, mas naiintindihan ko 'yung tatay mo.”

“Alam ko po, tito Arman..” Umiiyak kong sabi. “Alam ko pong sa una palang ay ganito na 'yung mangyayari. 'Yung malalaman niya tapos magagalit siya sakin.”

“Pero..” Umiyak ulit ako. “Pero kahit anong sabi mo sa sarili mo na alam mo na 'yung mangyayari ay wala pa rin palang magagawa 'yon. Na, iba pa din kapag nangyari na. Iba pa din kapag ayan na.”

“Intindihin mo na lang 'yung tatay mo, Lilaine. Masakit din kasi sa kanya 'yung ginawa mo. Nagtiwala siya sayo eh.” Sabi ni Allen sakin.

“Pero isipin mo na lang, isang araw, matatanggap din nila 'yung ginawa mo. Baka nga maging proud pa sila sa ginawa mo.” Pange encourage sakin ni tito Arman kaya napangiti ako.

Salamat Allen at tito Arman sa pagaalo sakin ngayon. Kung wala kayo, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

PAGDATING ko sa bahay, nakita ko sila inang at itang na pawang nakaupo sa sala. Tahimik akong pumasok sa loob at sinarado ang pintuan.

Akmang magsasalita ako para sabihin sa kanya 'yung gusto kong sabihin ng biglang tumayo si itang at agad na umakyat na taas. Hindi ko naman maiwasang mapayuko dahil d'on.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko. Nag angat ako ng tingin at nakita kong si inang 'yon. Nakatingin ito sakin na para bang nanghihingi ng pasensya.

“Pagpasensyahan mo na lang 'yung itang mo. Masakit lang kasi talaga sa kanya 'yung ginawa mo. Kahit sakin din, masakit din..” Yumuko ulit ako. “Pero ano pa bang magagawa ko? Lahat naman ng tao nagkakamali, at hindi tayo si Lord para hindi magpatawad.” Huminga si inang ng malalim bago ulit magsalita.

“Kaya kung maari, hayaan mo munang magisip ang itang mo. At kapag napagisip isip na niya lahat, tsaka ka niya patatawarin.”

Napangiti ako at yumakap kay inang. Bumuhos ulit ang luha ko, hindi dahil sa sobrang lungkot, kundi dahil sa sobrang saya.

Love Goes Where stories live. Discover now