1) Brigada

67 7 0
                                    

A/N: Situation: With my Crush na nakilala ko nung brigada na ex -crush pala ng Bff ko xD

_____________________________________________________________________

Play niyo po yung Youtube.. :)

"This is the part when I say I don't want ya
I'm stronger than I've been before
This is the part when I break free
'Cause I can't resist it no more"

"Oh tama na. Ingay mo!"-sabi ko sa cellphone kong napakalakas na alam kong ako din naman ang may kagaga-gawan.

Tae naman kase eh. Kahit ilang beses nang tumunog yung phone ko hindi pa din tumatalab sa aking kamantikaan sa pagtulog. Kaya yun nalang ang tanging paraan. Sinusuksok ko sa speaker yung phone ko. Siyempre may connector. Then ayun, nakatapat sa tenga ko ang dalawang speaker na nakasagad ang volume. HAHA! Tignan ko lang kung hindi pa ako magising. xD

"BIBAY! GISING NA! Sabi mo 8:00 ka gigising! 5 minutes ka nang 5 minutes! Ayan! 10:00 na!"-sigaw ni mama habang kumakatok sa baba.

"Alam ko po!"-sigaw ko naman.

At doon na natapos ang sigawan namin. Hehe! Well, sanay na naman kami sa bawat isa. Ganyan kami tuwing umaga. :D Hindi na din nakakahiya sa mga kapitbahay kase sanay na din sila. ^_~

"Anong ganap? Saan lakad mo?"-tanong ng ate ko paglabas na paglabas ko sa banyo.

"Sa school, brigada."-tipid kong sagot tsaka ako lumapit sa mesa para kumain.

"What the!? School lang? Tapos brigada pa! Eh ano yang suot mo?"-tanong niya ulit.

Kairita ah! Simpleng bagay hindi alam. -_- Tanda tanda na tinatanong pa. Kala mo bulag eh. -_- Kitang kita naman niya ko. -_-

" Mama, ipatingin mo nga si ate kay Dr. Manapat! Kung anu ano sinasabi eh!"-sabi ko kay mama.

Si Dr. Manapat, kilalang psychiatrist nila mama. Ay! Dapat pala sa specialist sa mata sya ipatingin. Bulag nga pala kapatid ko. Well, pwede namang parehas. Baliw din kase yan. Oo nga. parehas nalang.

"Tongek!"-si mama sabay batok sakin. Nagising naman ako sa pagkatulala dahil sa pagiisip para sa kapakanan ng ate ko.

"Ang O.A mo kase! Kala mo party pupuntahan mo eh maglilinis lang naman kayo don. Gagawin mo pang basahan yang damit mo."-si mama.

"At sa pagkakaalam ko, yan yung binili natin kahapon sa mall. Tsk! Yan pala ang basta bastang sinasabi mo samin ah. Hah! Poporma ka lang pala don."-sabi naman ni Ate.

At dahil doon, pilit kong inilala ang mga nagyari.

"MA, ayun no! Ang cute!"-ako sabay takbo sa nakita kong damit. Hanging shirt ito.

"San mo naman isusuot yan?"-tanong niya.

My Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon