Hindi ko pa din maiwas ang tingin ko sa kaniya. Tulala. Walang imik. Nakanganga. Gosh! At bakit na naman ako nagkakaganito? Dahil ba sa gwapo siya? O dahil, hindi din kase niya inaalis ang tingin niya sakin habang nakangiti? >//< Gusto kong isara yung bintana malapit sa kaniya at ibagsak sa mukha niya para hindi niya ko makita pero... hindi talaga ako makagalaw.
Ampf! Nang mahagip ko ang aking wisyo ay agad akong bumalik sa pinaglilinisan namin. Nagpaalam ako kay Kalejah na aalis na ko. Um-okay naman siya kaya gumora na din ako. Siyempre nagthank you ako sa kaniya sa pagsama niya sakin at ganun din naman ang ginawa niya. :) Pero, err. Na-awkward akong dumaan sa room na kinaroroonan ni Mr. Pogi. Wushoo ko naman. >//<
"Saan naman ako pupunta ne'to?"-tanong ko sa sarili.
Naglalakad-lakad ako ngayon sa ground. Tapos kanina pa ako nagbubuntong hininga. Tae lang, ano naman gagawin ko dito? o,O" Magmomodel lang hanggang sa mangalay mga paa ko? Tae! Uwi nalang ako. -_-
Handang handa na ang beauty kong umuwi dahil palabas na ako ng gate nang biglang...
"BIBAAAAYYY!!!"-isinigaw nang isang babae ang nickname ko.
Kilala ko ang boses na iyon. siya lang naman ang PINAKA-matangkad sa klase namin. xD HAHA! Tama! Siya ang pandak. :P
Nilingon ko kung nasaan siya. Siyempre, sa baba ako nakatingin. Baka hindi ko siya makita eh. XD Sama ko gosh. -__- Siyempre joke lang, hinahanap ko siya nang normal.
"Dito!!"-sigaw pa niya habang kumakaway with talon talon ever, kaya agad ko na siyang pinuntahan.
"At saan mo naman balak pumunta hah? Tinawagan na nga kita eh. -3-"-sabi niya.
"Ah ikaw ba yun? Psh! Kasalanan mo naman ateng. May pagka bastos ka din eh. -_- Binabaan mo ko agad eh hindi ko naman naintindinhan pinagsasa-sabi mo. Hindi ka pa nagpakilala."-sabi ko.
"Sensya na ah. Lowbat na kase talaga ko. Kung hindi lang kita namiss, hindi ko isasacrifice yung battery ko."-sabi niya ng may sarcasm. Kaya binatukan ko.
"HAHA! Drama pa more. Anyway, sinong kasama mo?"-tanong ko.
"Nandito kasi kami. Hirap kase sa mga late dyan. Yan tuloy, naligaw ng landas. HAHAHA!"-siya sabay tawa ng may pangaasar.
Itinulak ko nga ang bruha. Bagay sa kaniya para magising. -__- Nasubasob tuloy sa semento. XD
"Aray naman! Kanina ka pang sadista ka!"-siya.
Gaganti pa sana pero nagsmirk lang ako sa kaniya at naglakad. Sinundan niya nalang ako sa paglalakad.
"Yow guys!"-bati ko sa mga classmates ko last year.
Yeah. Last year lang, baka kase mamaya hindi ko na sila kaklase ngayon. T^T Nalipat na ng sections yung iba.
BINABASA MO ANG
My Highschool Life
Teen FictionHighschool. Ito yung level ng school life mo na, lahat ng weird situations ay mararanasan mo :3