A Bloody Memory

12 0 0
                                    

Ako ay nagdadalang tao. May bata sa aking sinapupunan. Kung gaano kasaya ang pakiramdam ng isang inang magkakaroon ng anak ay ganoon rin ang pakiramdam ko. Ngunit malayo sa aking tabi ang lalaking ama ng aking anak. Wala ring kasalang naganap. Isang aksidente lamang ba ang pagkakaroon ko ng anak? Isang pagkakamali? Pero hindi. Alam kong ginusto ko ang nangyari sa akin. Isa lang ang alam ko. Bukod sa pangalan ng ama ng anak ko ay alam kong kilala siyang tao. Kinikilala at tinitingala sa lipunan. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan. Hahanapin ko siya. HIndi man niya panagutan ang batang dinadala ko ay ayos lang ang gusto ko lang ay kilalanin niya ito. Ilang buwan ang lumipas bago ko nabalitaang nasa bansa ang ama ng anak ko. Pinilit ko siyang puntahan at kausapin. Ngunit dahil nga sa isa siyang mahalagang tao ay maraming gwardiya ang pumigil sa akin. Gayonman, nagawa ko pa ring makatakas sa mga ito. Nakita ko siyang pasakay sa isang pribadong eroplano kasam ang ilan ring kilalang tao gaya niya. Tinangka kong makalapit sa kanya ngunit marami pa rin ang pumigil sa akin. Subalit talaga yatang kakampi ko ang Panginoon at nagawa kong sumakay sa eroplanong sinasakyan niya. Tinangka ko siyang lapitan para sabihing siya ang ama ng batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Ngunit mariin niyang itinanggi ang bagay na iyon. IMposible. Hindi maaari iyon. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko naman hinihinging panagutan niya. Pagkilala lang naman niya sa anak ko ang gusto ko ngunit hindi niya nagawa. Nilagpasan lang niya ako at naupo sa tabi ng mga kasama niyang VIP kanina. Wala akong magawa. Naandar pa ang eroplano at napakaimposibleng huminto iyon. Nanghihina ako. Gusto kong umiyak ngunit walang luha ang pumatak sa aking mga mata. Naupo na lang ako sa upuang malapit sa bintana ng eroplano. Matagal yata akong nakatitig lang sa labas. Hanggang sa makatanaw ako ng isang ale na may tangan - tangang bata na wari'y inililigtas iyon sa pagkalunod sa baha. Napatingin ako sa aking kamay. May swero iyon. Marami ring bahid ng dugo lalong lalo na sa aking kamay at nakahandusay na pala ako sa sahig ng eroplano. Matagal na oras din akong nakatingin lang sa swero. Nagdudugo na pala ang pinagturukan sa akin dahil nasa sahig din ang swero. Nakatingin lang ako doon hanggang sa may isang taong nag-alis ng turok sa akin. Unti - unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Hanggang sa... Hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>END<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

NOTE:

This is my weirdest dream ever!!! T_T

When I Entered DreamlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon