The Dentist And Me

19 0 0
                                    

Kaawas ko lang noon galing sa Elfi University. Isa akong Engineering Student. Gusto kong magpa-dental check kaya nagpasama ako kay Ann, close friend ko, at sa aking nakababatang kapatid, si Shey. Halos isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya kaya magkasundo kami sa ilang mga bagay. Sumakay kami sa jeep na papuntang Tanauan. Nakarating kami sa isang palengke. ewan ko ba kung palengke nga iyon o mas tamang sabihing isang terminal ng bus. Marami kasi akong nakitang mga bus na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero. Meron ding ilang mga jeep. Naglakad – lakad kami o mas tamang sabihing naglibut – libot kami. Sa wakas ay nakakita kami ng clinic. Kung nakaharap ka sa terminal, nasa kaliwang bahagi nito ang clinic. Pero kung galing ka sa Elfi University, padaretso ka dapat para marating mo ang clinic na iyon. So ayun, pumunta na kami. Medyo hesitant pa akong pumunta roon.

Sa clinic, may isang babaeng nagbabantay doon. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at may suot din itong salamin. Mukhang nasa 30 – 35 ang edad nito.  Binati kami nito.

“Good Evening!”

“Good evening din po,” sagot ko. Kahit na magiliw ang pagbati nito sa amin ay nakaramdam pa rin ako ng pagkailang. Maganda ang clinic. Mukhang masikip ito kapag tiningnan mo sa labas pero kapag nakapasok ka na sa loob ay mamamangha ka. Tama lang ang laki ng receiving area. May dalawa pang kwarto. Ang isa ay nakabukas ang ilaw. Marahil ay nandito ang mga gamot at kagamitang ginagamit ng mga ito sa pagbubunot ng ngipin.

“Magpapalinis ba o check – up lang,” tanong nito sa amin.

“Ahm… check – up lang po,” sagot ko.

Nagsimula na itong magpa-fill – up ng form sa akin. Hindi ko akalaing napakadaldal nito. Pero natutuwa ako dahil mukhang hindi ito mahirap maka-close. Nakakatawa rin kasi halos ikwento na yata nito ang talambuhay ng anak nito. To think na hindi naman ako girlfriend ng anak nito.

“Sinabi ko na kasi dyang kaya ko naman dito. Ang tigas naman kasi ng ulo. Kagagaling lang ng Hongkong dito na tumuloy. Ayaw man lang magpahinga,” patuloy ng ginang. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga sinasabi nito. Kasi naman kakikilala pa lang namin tapos kung makapagkwento na ito ay parang sobrang close na namin. Pero ang sarap pala ng pakiramdam ng pinagkakatiwalaan ka. Pero ayun, natatahimik pa rin ako kasi alam kong wala akong karapatang makialam. Hindi naman ako ang girlfriend di ba?

“Ma, sinabi ko naman sa inyong kaya ko eh. Don’t worry ok,” tinig iyon ng isang baritonong boses. Nanggaling ang boses sa kwartong bukas ang ilaw. Wari ko ay nag – aayus ito ng mga gamit.

Medyo tumahimik ang ginang. Naguat ako nang lumabas mula sa kwartong bukas ang ilaw ang anak nito. Ahmm.. What can I say? Gwapo siya. Over! Ano ba iyon? Medyo nahiya naman ang hasang ko. Kinuha nito sa ginang ang papel na f-in-ill – up-an ko.

Humarap siya sa akin. I think sisimulan na niyang magcheck – up sa akin. Oh my! Super naiilang ako. Bakit parang gusto ko nang magback -out? Dahil ba sa ayaw kong makita nito ang mga flaws ko? Pero nandito na ako eh. Mas lalo yatang nakakahiya kung magbaback – out pa ako.

“Now, show me a smile,” sabi nito sa akin. Nag – uumpisa na nga itong mag check-up. Matipid akong ngumiti. Yung tipong hindi mo makikita ang ngipin ko. Nahihiya kasi ako. Bigla itong tumawa nang malakas. Ikinagulat iyon ng ginang na para bang isang himala ang nakita nito. Bakit kaya? Hmm.. Something is mysterious. Napatawa rin ako ng konti. Naisip ko na chinecheck – up nga pala ako tapos ayaw kong ipakita ang ngipin ko na checheck – up-in niya.

Ayun, sa awa ng Diyos, natapos rin akong check up-in. Grabe, ang init ng mukha ko. Sobra siguro akong nag-blush. Nakakahiya! Anong kinalabasan ng check – up? ayun, according to him may kailangang bunutin sa ngipin ko. Isa sa taas at isa sa baba. He also suggested na kailangan kong magpa-brace. Ang mahal kaya nun! Pero dahil check – up lang naman ang sabi ko, check – up lang talaga ang ginawa niya. Paalis na sana kami nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Gabi pa naman na noon. Takot ako kapag umuulan sa gabi. Ewan ko ba kung bakit pero hindi talaga ako kumportable kapag umuulan sa gabi. So hindi kami makaalis hanggang sa mamalayan na lang namin ay kasalo na namin sila sa hapunan. Palibhasa’y hindi kami makaalis kaya hindi na rin kami nakatanggi ng alukin nila kami na sumabay na sa hapunan. Naroon na rin ang younger sister ng dentist.

“Hoy, ano yan? Bakit hindi ka kumakain? Hindi porke ganyan na ang ginagawa ng mga classmates mo ay ganyan na rin ang gagawin mo,” narinig kong sermon nito sa kapatid nito. Hindi pa ito nakuntento at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ng kapatid nito.

Hindi talaga ako mapakali. Ganito talaga ako kapag umuulan sa gabi parang laging aburido. Pinagkiskis ko ang aking mga kamay. Magana silang kumukain samantalang ako ayun hindi makakain at pinagkikiskis ng pinagkikiskis ang mga kamay.

“Bakit hindi ka kumakain,” biglang tanong nito sa akin.

“Ano… Kasi…” napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag.

“Takot kasi siya kapag umuulan sa gabi,” salong sagot naman ng kapatid ko.

“Huwag mo na lang intindihin iyon. Kumain ka na lang,” wika nito at nilagyan pa nito ng mga pagkain ang plato ko. And true to his words, hindi ko na nga inintindi iyon at kumain. Nakakahiya naman kasi na hindi pa ako kakain samantalang nilagyan na nga niya ng pagkain ang plato ko. Ilang minuto pa ay nakatanggap kami ng text message tungkol sa sundo namin. Tito raw namin ang susundo sa amin gamit ang mini dump truck (elf). Sa kasamaang palad ay tumirik pa ito. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kami nakakaalis at kapiling pa rin namin ang gwapong dentist na ito. Hay parang kebagal – bagal ng oras.  Oo nga pala. Bago ko pa makalimutan, ang dentist na tinutukoy ko ay bata pa. Sa aking tantiya ay 3 taon lang ang tanda nito sa akin. Kaya siguro ako naiilang. Tingin nyo? Tapos kagagaling lang niya sa Hongkong. Parang napakabata pa nito para maging isang successful na tao. Oh well, he is indeed a lucky one.

Hay… Bakit ayaw pa rin tumigil ng ulan? Gusto ko nang umuwi.

>>>>>>>>>>>>>>>>END<<<<<<<<<<<<<<<<<

When I Entered DreamlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon