CHAPTER ONE (Rain and Rainbow)

7 0 0
                                    

CHAPTER ONE

(Rain and Rainbow)

 

March na, ilang araw na lang magtatapos na ang huling taon ko bilang high school student.

busy na ang lahat ng mga guro at estudyante para sa preparation ng aming graduation.

TIME CHECK! 5:00PM

“Hapon na pala! kelangan ko nang umuwi baka nag aalala na sina mama saken.”

Palabas pa lang ako ng School Auditorium ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Teka? March ngayon ahh? kung tutuusin start na ito ng Summer, bakit umuulan? may bagyo ba?”

kung hindi ka nga naman minamalas! kung kelan ka pa nag mamadali saka ka pa aabutan ng ulan.

buti na lang at may pathways ang school namin patungo sa labas sa bus stop.

“anu ba naman yan?? bakit walang dumadaan na bus??”

TIME CHECK! 6:30PM

“grabe-grabe na ang kamalasang ito! tiyak ako kanina pang nag aalala si mama saken! pati Cellphone ko lowbat!”

atlast after ilang minuto pa, may padating na ding bus.

agad akong sumakay sa bus, akala ko grabe na yung kamalasan ko.

buti na lang konti lang yung mga sakay sa bus na ito.

hindi standing ovation ang beauty ko!

sa dulong part ng bus ko na piling sumakay, ayaw ko kasi sa gitna nakakaliyo yung mga padaan-daan, baba, sasakay.

ayaw ko din sa unahan, walang privacy pag inantok ako!

kaya da best talaga sa likuran!

pagdating ko sa likuran, naupo agad ako sa left side ng bus,

may lalaki kasing nakaupo dun sa right side tapos may panyong nakatakip sa kanyang mukha.

siguro natutulog sya, sa isip-isip ko. nakakahinga pa kaya sya sa lagay na yun?

Sa halip na si kuyang tulog ang intindihin ko, mas minabuti ko na lang panuorin ang pagpatak ng ulan,

abah? alangan namang bilangin ko? baka naman ma loka ako nun? hahaha..

kahit muntik ko nang isumpa ang ulan kanina, kahit papaano nakakatanggal din pala sya ng stress kapag pinapanood muna sya.

“JENNY!.. bakit? .. bakit mo ako iniwan jenny!?”

 

naagaw ang atensyon ko ng biglang marinig kong mag salita si kuyang tulog, nagsasalitang tulog?

“WAG!!”

hala? may sigaw effect pa? sya lang ang tao sa bus ganun?

kung makasigaw wagas? matapos ng kanyang pagsigaw, automatic na napatingin sya sa side ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There's a Rainbow Always after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon