Chapter 8 - Sophie & Angelica

310 19 8
                                    

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~ 


Laddah's POV 


Pagising ko ng umaga, nakita ko agad si Mom sa kusina pero tulog pa si Sien. 


"Ano naman inasikaso mo Mom?" - ako 

"Ah, wala yun. Pinuntahan ko lang yung dati kong kaibigan tapos nagbakasyon kami ng kami lang." - mom 


Nakangiti pa sya sa lagay na yun. Mukhang naging masaya nga sya. Pero hindi pa rin sya nagpaalam di ba? 


"Hindi ka man lang nagpasabi, si Sien takot na takot kasi lagi kang wala." - ako 

"Ganon ba." - mom 


Tapos biglang nawala yung ngiti nya sa mukha. Nalungkot na rin sya dahil sa ginawa nya. 


"Ah, mom, may dapat akong sabihin sa'yo." - ako 

"Ano yun?" - mom 

"Suspect ako sa isang pagpatay." - ako 

"Tapos?" - mom 


Nakakagulat kasi hindi manlang sya nagulat. Casual lang sa kanya yun? 


"Hindi ka po magagalit?" - ako 

"Bakit naman ako magagalit?" - mom 

"Kasi transfery palang ako tapos gumawa na ko ng kalokohan." - ako 

"So inaamin mo na ikaw ang gumawa?" - mom 

"Hindi ah! Ibig kong sabihin may record na agad ako." - ako

"Hmm." - mom 

"Pero hindi naman talaga ako yung may gawa. Suspect lang ako." - ako 

"Alam ko namang hindi mo kayang gawin yun kaya hindi ko kailangang magalit." - mom 


Sa totoo lang may point si mom dun. Mas kilala nya ko, mas alam nya kung hanggang saan ang kaya kong gawin at sya lang ang masasandalan ko sa oras na magkamali ako. 


"Thanks mom." - ako 

"You're welcome! Hahaha...... tara kain na tayo. Gigisingin ko pa si Sien." - mom 


Pagkatapos kong kumain ay naglakad na ko papuntang school. At ngayon ko lang na-realize ang kahalagahan ng paglalakad. Hindi dahil sa makakatipid ka ng pera, hindi rin dahil makakapag-ehersisyo ka pero dahil sa mas madaling makapag-isip pag naglalakad. 

Paano papatay ang isang taong kasama ang investigatory club? Paano papatay ang isang taong nasa kalsada? At paano papatay ang isang taong nasa practice game? Ang gulo. 

Napahinto ako sa paglalakad ng may makita akong clubmates sa segregation box. 


"Uy, anong ginagawa nyo jan? Nag-iimbestiga?" - ako 

"Hindi ah. Nagtapon lang kami ng ink bottles, manila paper at retaso ng cartolina kasi nakakalat lang sa clubroom. Kami kasi nila Sophie, gumawa kami ng cover ng file notebooks." - Darrence 

"Ah, ganon ba? Nasan na pala si Sophie?" - ako 

"Nasa office bakit?" - Marielle 

"Ha? Bakit sya nandun?" - ako 

"Pinatawag ng may-ari ng school." - Marielle 

"May ari ng school? Sino?" - ako 

"Oo, hindi mo kilala yung may-ari ng school? E lagi mo nga yung kasama e." - Darrence 


Lagi kong kasama yung may-ari ng school? Di nga? 


"Sino?" - ako 

"Si Dreid." - Darrence 

"Sya??!" - ako 


Nakakagulat talagang malaman na ka-team ko pala yung may-ari ng school. Pero bakit naman sya pinatawag? 


"Teka, bakit sya pinatawag ni Dreid?" - ako 

"Sya kaya ang P.R.O. natin. Lahat ng P.R.O. dapat magreport sa may-ari at principal. Kung ano na status ng club nila para malaman kung anong club ang lalagyan ng maraming pondo." - Darrence 


Astig pala talaga dito! Malayo sa first impression ko. Buti nalang dito ako nag-transfer.

"Tara, puntahan na natin si Sophie." - Marielle 


Tapos pumunta na kami sa office. Pagpuntako dun, nandun si Dreid, si Sophie, yung principal at si Rhen. Nakakapagtaka lang na nandito sya. Nakaupo lang si Rhen sa sofa tapos sila Dreid, principal at Sophie ay nag-uusap malapit sa table. 


"Uy, Laddah! Bakit ka nandito?" - Rhen 


Agad syang tumayo sa pagkakaupo nya para salubungin ako. 


"Ah, wala naman. Ikaw, bakit ka rin nandito?" - ako 

"Wala lang din! Hahaha! Tara, punta na tayo sa room?" - Rhen 

"Si-ge." - ako 


Parang may mali sa lahat sa office kanina. Hindi ko lang mahagilap kung ano yun. 

Kaya nagpunta na kami sa room namin. Nagulat ako nung makita ko sa room namin si Cast. 


"Bakit ka nandito??!" - Rhen 


Agad na nagtanong pasigaw si Rhen. Kahit kailan talaga ang init ng ulo nilang dalawa sa isa't isa. 


"Room ko na rin to kasi napatunayan kong sinabutahe mo yung gawa ko." - Cast 


Pagkasabi nun ni Cast, nanahimik agad si Rhen. Tapos nagtuloy tuloy nalang sya sa seat nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Black Hearts [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon