Chapter 6 - Play Safes

314 16 5
                                    

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~ 


Laddah's POV 


Pagkaalis ko sa harapan, bumalik na ko sa upuan ko katabi sina Rhen at Dreid. Si Sophie naman ang sumunod na tinanong. 


"Ano pinag-awayan nyo ni Kristel kahapon?" - Cast 

"Nag-away kami dahil ayoko sa plano nya." - Sophie 

"Plano? Anong plano?" - Cast 

"Gagantihan daw namin si Angelica." - Sophie 


Mukha talagang mabait itong si Sophie. Pero nakakapagtaka lang na nadamay sya sa pagiging suspect. Siguro nga disgrasya yung nangyari kay Kristel. 

Pero, gagantihan? Si Angelica? 


"Gagantihan si Angelica? Bakit? Anong ginawa nya sa inyo?" - Cast 

"Kasi sya yung 2nd girlfriend ni Niel." - Sophie 


Biglang nagkaroon ulit ng bulong bulungan tungkol sa sinabi nya. Mukhang ngayon palang nila nalaman to. Karamihan sa narinig ko ay tungkol kay Niel at Angelica. 

2nd girlfriend? Mukhang malaki nga yung kasalanan ni Niel sa babaeng nahulog sa rooftop. 


"2nd girlfriend? Matagal nyo na ba tong alam?" - Cast 

"Hindi pa gaano." - Sophie 

"Mga gaano katagal na?" - Cast 

"4 days palang." - Sophie 

"Anong binalak nyang ganti kay Angelica?" - Cast 

"Sabi nya, tatakutin lang daw sa rooftop. Yun lang ang sinabi nya. Pero sabi ko wag na nyang gawin yun. Ang kaso lang, nagalit sya sa'kin. Sabi nya, isusumbong nya daw sa mama ko na kasali pa rin ako sa club na to. Ayaw na kasi ni mama na kasali ako dito. Pero pinilit ko pa rin kaya hindi ko muna sinabi kay mama. Kaso sasabihin daw yun ni Kristel sa oras na hindi ko gawin ang gusto nya." - Sophie 

"Kaya mo sya pinatay?" - Cast 

"Hindi ganon yun! Ang ginawa ko, niregaluhan ko nalang sya ng perfume, guitar at lipstick na gusto nya para makipagbati sa kanya at hindi na nya sabihin yun." - Sophie 

"Ibig sabihin sinuhulan mo sya?" - Cast 

"Parang ganon na nga. Tapos hindi ko na sya tutulungan sa plano nya. Dapat, ngayon nya gagawin yun kaso wala na sya." - Sophie 


Kita sa mga mata nya yung lungkot ng mawalan ng kaibigan. Siguro kung ako nasa kalagayan nya, baka hindi na ko makapagpatuloy. 

"Pero kayo daw huling nakitang magkasama at magkausap sa canteen. Totoo ba yun?" - Cast 

"Oo. Yun din yung huling beses na nagkausap kami. Sinabi ko sa kanya na pumunta sa rooftop, alas-3 ng hapon. Pero pag punta ko dun wala pa sya, kaya bumaba na ko at pumunta sa meeting natin at para na rin isauli kay Tommy yung relo nya. Saka kailangan ako dito dahil isa rin ako sa officers nyo." - Sophie 

"Ah, pagkatapos ba ng pag-uusap nyo ay nagtungo din ba kayo sa girls' Cr?" - Cast 

"Ako hindi na. Pero si Kristel, oo. Nagpunta pa sya dun mismong pagkatapos namin mag-usap." - Sophie 

"Wala na bang ibang tao na pinapunta at inaya nya sa rooftop?" - Cast 

"Meron pang iba. May nagtext sa kanya noong isang araw na pumunta dun." - Sophie 


Lahat kami nagulat sa sinabi nya. Ibig sabihin may mas malapit ng clue. 


"Kilala mo kung sino?" - Cast 

"Number lang. Pero noong sinubukan naming tawagan, cannot be reached na sya. Pero na sisigurado kong may gusto din yung sabihin kay Kristel tungkol kay Niel." - Sophie 

"Tingin mo ba sya may gawa nun kay Kristel?" - Cast 

"Hindi ko alam." - Sophie 

"Sige, salamat. Pwede ka ng bumalik sa upuan mo. Next na si Angelica." - Cast 


Tumayo na si Sophie at si Angelica naman ang pumalit sa pwesto nya. 


"Nasan ka nung oras ng namatay si Kristel?" - Cast 

"Nasa kalsada ako nun pabalik ng campus galing mall." - Angelica 

"Sino kasama mo?" - Cast 

"Ako at si Marie Vhic." - Angelica 

"Anong ginawa nyo dun kung kailang malapit palang mag-dismissal ng klase?" - Cast 


Tama si Cast, anong ginawa nila dun? Pwede pa rin silang maging suspect. Oh kaya, sila mismo ang suspect. Mahirap na magsalita ng konti palang ang ebidensya. 


"Nag-cutting kami." - Angelica 


Nagbulong bulungan pa ang lahat dahil sa sinabi nya. Hindi rin sya makatingin sa'min ng diretso dahil siguro sa hiya na nagka-cutting pa rin mga Senior Student na gaya nila. 


"Anong ginawa nyo sa mall?" - Cast 

"Namasyal lang kami. Yun lang, saka namili ng mga snacks for slumber party namin tonight." - Angelica 

Pero mukhang hindi na sya magsasalita ulit kaya si Cast na ang nagsalita. 


"Ok. Tingin ko si Niel na ang dapat maupo dito." - Cast 


Umalis na si Angelica sa harapan at nagpunta na sa upuan nya. Si Niel naman ang umupo sa harapan. 


"Varsity player Niel Rivera, player ka yata talaga. Tss. Ok, gaano katagal mo nang girlfriend si Kristel?" - Cast 

"2 years na." - Niel 

"2 years. Eh gaano katagal nyo na syang niloloko?" - Cast 

"5 months." - Niel 

"Tingnan mo, walang hiya ka! Niloko mo pa yung pinsan ko!! G*G*!! Tapos pinatay mo pa?! Mamatay ka na p*t*ng *n* mo!! Sunugin ka sa impyerno!! T*ng *n* mo, g*g* kaaaaaaa!!!!!" - Kristine 


Susugurin na sana ni Kristine si Niel pero pinigilan sya ni Tommy. 


"QUIET!!!" - Catherine 

"Tsk! Tsk! Tsk! Bakit mo nagawa yun?" - Cast 

"Hindi ko na kasi sya mahal kaso ayaw nya pa makipagbreak sa'kin. Matagal ko ng gusto si Angelica pero hindi ko sya maligawan dahil girlfriend ko pa si Kristel kaya napilitan akong lokohin sya." - Niel 

"Yun lang?" - Cast 

"Oo, yun lang." - Niel 

"Nasan ka nung oras na mamatay si Kristel?" - Cast 

"Nasa practice game ako. Supposedly, 3:30 ang simula namin kaso nagkagulo pa yun junior at senior team kaya na-adjust na 4:00 yung game." - Niel 


"Aga naman ng preparation nila sa sports fest." - Rhen 


Pabulong na sabi ni Rhen. Napansin din pala ni Rhen yun. 2nd day palang naghahanda na agad sa sports fest? Ganito ba talaga dito ? Medyo advance ah. 


"Ganon talaga dito. Mid sem palang, tinatanggal na yung mga mahihina at hindi karapat dapat. Matira matibay." - Dreid 


Pabulong din na sagot ni Dreid. Seryoso pa rin sya. 


"Sino sino kasama mo dun?" - Cast 

"Lahat ng team. Naglaro ako dun at maraming saksi na hindi ako nakaalis ng magsimula na yung game." - Niel 

"Ganon ba. Hindi ka man lang ba nagalit kay Kristel kahit konti?" - Cast 

"Nagalit kasi ayaw nya makipagbreak pero nawala yun kasi kahit kami pa, pumayag na magpaligaw si Angelica. Ganon nya ko kamahal, gusto nya kong sumaya." - Niel 

"So sinasabi mo na ayaw ni Kristel na sumaya ka?" - Cast 

"Di ba ganon naman yun? Kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo syang maging masaya. Hindi gaya nya. Sarili lang iniisip. Walang ginawa kundi gumanti. Magalit. Ganong klaseng tao si Kristel!" - Niel 


Tahimik lang ang lahat. Pati sila Beatrice at Kristine kumalma na at hindi na rin sila nakaimik. Siguro totoo nga yun. Totoong hindi naging mabuting tao si Kristel pero tingin ko hindi naman kamatayan ang sagot dun. 


"Pwede ka ng bumalik sa pwesto mo." - Cast 


Pumunta naman si Catherine sa harapan para magsalita ulit. 


"Ok. Ayon sa mga pulis, nagpakamatay lang si Kristel. Sadya daw itong tumalon sa galing sa rooftop. Pero hindi ako naniniwala dun. Lahat ng kaso dapat pag-aralan. Lahat ng pagkamatay dapat hinahanapan natin ng sagot. Alam kong may pumatay talaga sa kanya." - Catherine 


Tama si Catherine, MAY PUMATAY KAY KRISTEL. 


"Kaya hahatiin ko kayong lahat sa grupo na may apat na miyembro." - Catherine 

"Tayong tatlo na magkakagrupo ah." - Rhen 


Pabulong na sabi ni Rhen. 


"Sige ba" - ako 


Sagot ko rin. Tapos humarap samin si Catherine. 


"Rhen, Laddah & Dreid, alam kong kaya na ang magkakagrupo. Dahil dalawang baguhan ang nasa grupo nyo, ilalagay ko ang isang Officer sa grupo nyo. Kasama sa grupo nyo si Cast." - Catherine 

"AKO??!!" - Cast 

"May angal ka?" - Catherine 

"Ah...ano ... wala." - Cast 


Istrikta talaga si Catherine. Kasi pati si Cast tiklop sa kanya. Tapos pinag-grupo grupo na din nya yung ibang miyembro ng club namin. At pagkatapos nun ay nagsalita ulit sya sa harapan. 


"Gusto kong magtulong tulong kayo sa pag-iimbestiga. Gusto kong makita agad yung kriminal na yun. Gusto kong mahuli sya sa lalong madaling panahon. Maliwanag ba?" - Catherine 

"Yes, president." - all 

"Good. Sana nakatulong sa inyo yung mga sagot ng Suspects sa pag-iimbestiga nyo." - Catherine 


Aalis na sana si Catherine kaso.......... 

"Muntik ko pang makalimutan, dahil sa tatlong miyembro natin ang suspect, gusto kong ibang team ang mag-iimbestiga sa kanila at hindi ang sarili nilang team. Pag nag-imbestiga sa kapwa suspect, automatic na tanggal na sa club na to. Kaya gusto kong maging maingat kayo. Maliwanag ba?" - Catherine 

"Yes, president." - all 

"Ok. You may start now." - Catherine 


At nagsimula na nga ang imbetigasyon sa THE ROOFTOP CASE ni Kristel. 



~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~ 


a/n: Ano sa tingin nyo? Sino may pinakapangit na alibi? Sino pumatay? Comment kayo! Patunayan nyong kaya nyo pong sumagot ng mga logics. ^^ 

Libre Like. Libre Vote. Libre Comment. Kaya sulitin nyo naman po. 

Pinaghirapan ko kasi to kaya sana naman po yung konting hiling pagbigyan nyo na. 
Next UD ko 6 chaters!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Maraming salamat po! :D

The Black Hearts [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon