Keen Observer

64 0 0
                                    

They say it feels great to have a best friend, there’s someone who will protect you, there’s someone who will make you happy, but are you willing to risk the friendship in exchange for the love that you’re always dreamed of.

----- Text Story of best friend by Marcelo Santos III

Wala lang naisama ko lang. Maganda kasi at napapanahon.

Ako si Mary Ann.

Pero tinatawag ako ng mga kaibigan ko ng ‘MAAN’ (palayaw ko).

Isa akong college student.

Taking up Bachelor of Science in hotel in restaurant management (in short BSHRM) nasa 4th year nako.

Pero di naman ako kagalingan sa pag luluto.

Yung tipong tama lang at pwede naming kainin. Mga simpleng ulam lang ang alam kong iluto.

At karamihan sa alam kong iluto eh mga paborito kong ulam.

Gaya ng adobong manok/baboy, pakbet, at syempre di pwedeng mawala ang mga prito.

Sa tuwing tinatanong ako kung bakit BSHRM ang kinuha kong course napapangiti lang ako.

Alam mo ba kung bakit???

Kasi naman nung high school ako pinalabas ung magaling magluto (pasensya na di ko maalala kung anong title nun pero ang pagkakatanda ko ni-remake yun ng mga pinoy at ang gumanap dun ay sina Sam Milby at Angel Locsin. Natatandaan mo???? Just leave a message.)

 Mahilig akong mag experiment ng kung ano-ano.

Hindi takot na mag explore ng bago.

At mahilig din akong mag observe ng tao.

Keen observer kumbaga.

Marami akong napapansin na kung minsan napapansin din pala ako ng mga kaibigan ko sa pagpansin sa iba.

Hahahaha .

Mag si-share ako ng mga taong napansin ko noong 3rd year pa ko.

Isa na dito ay si JD.

Naging kaklase ko siya nung 3rd year na ko(tama ba JD?).

Napansin ko parang mas matanda siya kesa sakin.

Kasi naman parang masungit at di namamansin. Pero mali pala ako.

Maling-mali.

Ang alam ko dati transferee siya kasi nun ko lang siya nakita.

4 years na kasi ako sa university na pinapasukan ko until now.

Tsaka mas nakakaalala ako sa mukha kesa sa pangalan.

Madalas ko siyang makitang mag-isa.

Honestly ako nagsabi kina Jen, Ellen at Jame na loner si JD at ako din ang nagsabing isama naming siya sa grupo. Kaso sa ibang grupo din sumama hahaha.

I remember pinasama naming siya noon (ewan ko lang kung kakain kami ng lunch or ng merienda).

Nasa likod lang namin siya hindi kumikibo (hahahaha nahihiya pa ata samin).

Expect the unexpected.

Motto ko yan noon pa.

Pero never kong inexpect na magiging close kami ni JD.

Dati tinatawag ko siyang ‘KUYA’.

Hahahaha eh sa mas matanda siya ehh.

Pero di nag tagal sa pangalan ko na lang siya tinatawag (ayy hindi pala sa name kundi sa palayaw, ayaw niya kasi sa name niya).

Anyways, habang tumatagal lalo kong nakikilala kung sino si JD.

Lets define SANA:

Isang malaking walang kasiguraduhan pero lagi mong inaasahan.

Keen ObserverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon