Falling For You [1] : Bestfriends

79 3 2
                                        

Rhian POV

**

Nandito ako ngayon sa classroom namin. Wala kasi kaming teacher eh. Kaya eto ako. Nakahalumbaba sa upuan ko at nag-iisip kung anong pwede kong gawin.

"HEY! Baka malasin ka niyan!" Sabi ng bestfriend kong si Yanna na bigla nalang sumulpot kung saan.

"You know what Yanna. Konting-konti nalang malapit ka nang maging mushroom." Sagot ko sa kanya then i smirked.

"Why naman ha?" 

Umayos ako ng upo at sumandal sa upuan ko bago nagsalita.

"Eh kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot kung saan eh"

"Hmfft." Tipid niyang sagot sabay pout.

By the way. Hi-way, Low-way,at kung ano-ano pang words na may way. Di pa pala ko nagpapakilala. Kaya magpapakilala muna ako.

I'm Alexa Rhian Reyes. My nickname is An. Short for Rhian. 17 years old and i'm just a simple and an ordinary girl. May bestfriend nga pala ako. Yung mukhang mushroom na kausap ko kanina. She's Ayanna Mae Padilla. 17 years of age. Di ko siya classmate. Schoolmate ko lang siya. At palagi siyang napunta dito sa classroom namin para lang inisin ako.

Nga pala. Nosebleed ako diyan minsan. Kaya kayong mga readers. BEWARE! Hahaha. May pagka-conyo kasi yang babaeng yan kaya nakakabwiset. Pero siya lang ang nag-iisa kong bestfriend dito sa school. Mayaman din yan. Kami? Parang coke. Sakto lang. Pero nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga sampung beses pa eh. Kaya di kami matatawag na mahirap.

May isang lalaki rin akong gusto. Actually. One year ko na siyang gusto. Pero ewan ko ba. Di niya ata alam na nag-eexist ako sa mundo eh. Kaya ginugusto ko nalang siya sa malayo. Ang pangalan niya ay Carl Daven Smith. Dahil nga sa matagal ko na siyang gusto. Marami akong alam about sa kanya. Fil-Am siya at mahahalata mo naman sa family name niya. MVP ng basketball. Mayaman. Heartthrob sa school.

Ang sabi nga ng iba friendly daw siya. Pero bakit di niya ko kilala? Siguro dahil kasalanan ko na rin dahil nahihiya akong kausapin o kahit lapitan lang siya. Baka kasi bigla nalang manghina ang tuhod ko sa harapan niya kapag ginawa ko yun. Dahil ngiti pa lang niya solve na ang maghapon ko. Paano pa kaya kung makausap ko siya at ngitian niya ako habang kinakausap ko. Baka siya pa ang sisihin ng magulang ko kapag na-ospital ako. Haha!

Kasali rin pala siya sa isang sikat na banda sa school namin. Di ko naman kilala yung iba niyang ka-grupo sa banda dahil kapag nagpe-perform sila. Sa kanya lang ako naka-focus. Gusto niyong malaman ang pangalan ng banda nila?

CircleOf4 band. CO4 for short. Boyband yun kaya puro sila lalaki. Kaya nga boyband eh. San ka naman nakakita ng boyband na puro babae?

So ayun nga. Ang layo na ng narating ng pagpapakilala ko sa sarili ko. Hindi lang pala yun sarili ko yung naipakilala ka kundi yung conyo kong bestfriend at ang CDS ko (Carl Daven Smith. Petname ko sa kanya.)

Falling For You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon