Rhian POV
**
* PHONE RINGING *
Ano ba naman yan! Ang aga-aga may tumatawag agad. Tumingin ako sa orasan ko na nakalagay sa may side table ko. 7:30 palang ng umaga may nambubulabog na agad. -_____- Aish!
Hinayaan ko lang tumunog yung cellphone ko at pumikit ulit ako. Pero maya-maya tumunog na naman. Ayaw talagang tumigil kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin yung tawag.
Sinagot ko yung tawag ng hindi tinitingnan kung sino yun.
"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya nang nakapikit. Eh sa inaantok pa kasi ako eh.
"Bessy!" The familiar voice said.
"Oh, Yanna? Ang aga-aga eh bakit ba?"
"Punta ka here sa house. Wala akong kasama. Umalis sina Mom and Dad eh. And I'm soooo really really bored." Halata nga. Ang aga mambulabog eh.
"Ha? Eh ang aga pa eh. Tsaka inaantok pa ko." I said while yawning.
"Please bessy? Please please please? Tsaka pwede ka naman dito mag-breakfast eh." Hay nako. Ano pa nga bang magagawa ko.
"Aish! K. Fine! Malliligo na ko."
Sabay tumayo ako at kumuha ng tuwalya para maligo.
"Yeheeey! Thankyou bessy! Di mo talaga ko kayang tiisin." Tuwang-tuwa niyang sabi. Talo pa batang binigyan ng 500. Haha!
"Oo na. Sige na. Maliligo nako. Bye!"
Pagkasabi ko nun binaba ko na yung tawag and dumeretso nako sa CR para maligo.
Naglalakad na ko papunta sa kila Yanna. Actually medyo malayo yung bahay nila sa bahay namin. Pero carry namang lakarin. Tsaka sayang yung P8.00 na pamasahe eh. Haha! Kaya naglakad na lang ako para exercise na rin.
Habang naglalakad ako sa kalsada at kasalukuyang patawin na sa kabilang street. Bigla nalang may bumusina ng pagkalakas-lakas at pagkahaba-habang busina. Halos mapatalon ako dahil sa lakas ng busina. Tinalo niya pa yung tunog ng serena.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP *
"Ay palakang gorilya!!" Halos atakihin ako sa busina niyang tinalo pa yung serena.
Naglakad ako palapit sa sasakyan na yun at pinagkakatok ko yung bintana. Di ko makita kung lalake ba o babae yung driver kasi tinted yung bintana.
"HOY BULAG KA BA?" sigaw ko habang kinakatok yung binata nung sasakyan. "MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO? PANO KUNG NABUNNGO MO KO HA? MAY PANG--
Di ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang bumukas yung bintana ng sasakyan at bumungad sakin ang mukha ng isang gwap-- *ehem ehem * ng isang mukhang gorilyang lalake.
"Pwede ba Miss. Kung may balak kang magpakamatay wag mo kong idamay. Dun ka sa edsa magpabunggo. Dun sa ten wheeler truck." Mahinahong sabi ng gorilya habang mayabang na nakangisi sakin.
Aba't siya pa talaga yung may ganang magalit ha? Eh siya na nga yung muntik nang makabunggo diyan.
"Hoy lalakeng mukhang gorilya" sabi ko sabay turo ko sa kanya. "Ikaw na nga tong muntik nang makabunggo diyan. Ikaw pa yung galit. Eh kung ipapulis kita. Di mo ba alam na masamang mag- over speeding ha?"
Pansin ko namang parang balewala lang sakanya yung mga pinagsasabi ko. Nakatingin lang siya sakin ng diretso.
"Are you done talking Miss?" He said.
BINABASA MO ANG
Falling For You (ON-GOING)
Fiksi RemajaFALLING FOR YOU Written By: iceunonymous All Rights Reserved © 2014-2015
