Falling For You [3] : She's Back

44 1 3
                                    

Rhian POV

**

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Ano ba naman yan. Bakit ba parang araw-araw nalang may tumatawag ng ganyang kaaga sakin. Nauuna pang mag-alarm sa orasan ko eh. Ts!

Kinuha ko yung cellphone ko sa side table. Tiningnan ko muna kung sino yung tumatawag bago ko sinagot.

"Oh? Ang aga mo namang tumawag. Nauna ka pa sa alarm clock ko." Sabi ko sa kabilang line.

"May sasabihin lang ako bessy." Yanna said. And yes, si Yanna lang ang palaging tumatawag sakin ng ganitong kaaga. 4:30 in the morning gising na yan para mambulabog. Ts! Tinalo pa yung alarm ko.

"Ano na naman yun."

"Wala daw pasok sabi ni Ms. Trinity."

"Ts. Yun lang naman pala. Di na lang nagtext. Hindi yung manggihising ka pa ng ganitong kaaga. Aish!" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Nakakainis kaya. Yung ang sarap-sarap ng tulog mo tapos mambubulabog siya.

"Sorry naman. Wala akong pang-text eh." Sabi niya.

"Okey. Sige na, matutulog ulit ako. Inaantok pa ko eh. Bye!" Sabi ko sabay click ng end button.

Binalik ko na yung cellphone ko sa side table at tinuloy ko ang pagtulog ko.

"Aaaahhhhhhhhh" sigaw ko bigla. "Aray." Napahawak ako sa ulo ko. Bakit? Nalaglag lang naman ako sa kama ko, tapos nauntog pa ko dun sa paa ng side table ko. Sana lang wag ako magkabukol. Huhu.

Tiningnan ko yung oras, 9:30 na pala. Medyo inaantok pa ko pero dahil sa pagkalaglag ko sa kama bumaba na lang ako sa kusina dahil baka kapag natulog pa ko, malaglag na naman ako.

Pagpunta ko sa kusina may nakita akong note sa may microwave oven.

'Nasa loob ng microwave yung pancake mo. Iinit mo nalang ulit ha. I love you sweety. Love, Mama'

In-open ko yung microwave at pinainit yung pancake. After that, nagtimpla ako ng hot chocolate then pumunta ako sa sala at binuksan yung TV. Kapag wala sina Mama at Papa. Dito ako palagi nagb-breakfast. Kakagatin ko na sana yung pancake ko nang biglang may nag-doorbell. Choss! Wala pala kaming doorbell. May kumatok lang pala sa pinto namin.

Alam niyo yung istorbo? Yung kakagatin mo na yung pancake mo tapos biglang may kakatok sa pintuan. Bitin diba? Tch. Tumayo ako para buksan yung pintuan. Ang aga naman yata ni Yanna pumunta sa bahay.

"Yanna, bakit ang aga--" Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil hindi si Yanna ang nasa harapan ko ngayon.

"SURPRISE!" She said with an open arms. Nakangiti lang siya sakin ng sobrang lapad. I hugged her. She just hug me back. How I missed this girl.

"Kelan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya.

"I know that you missed me so much. Pero twinny. Wag mo naman akong patayin sa yakap mo." Sabi niya sabay tawa.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinatuloy ko siya sa bahay. Gusto niyo siyang makilala? Siya nga pala yung childhood bestfriend namin ni Yanna. Grade 5 kame noon nang bigla silang mag-migrate sa states. Super lungkot namin nun ni Yanna. Kasi first time naming mahihiwalay siya samin. May pangalan kasi yung grupo namin. Tatlo lang kaming magkakaibigan nun kaya gumawa kami ng group name. 'BEAUTRES' ang group name namin. Haha! Nakakatawa ba? Si Yanna ang nakaisip niyan. Bigla na lang daw niyang naisip yan. Kaya ayun! Mula noon hanggang ngayon, yan parin ang pangalan naming tatlo. Haha!

Siya nga pala si Shevana Joe Daza. Just call her She or SJ. Ayaw niya na tinatawag siya sa fullname niya. Haha! Ewan ko ba sa kanya, ang ganda-ganda nga ng pangalan niya eh. Pang-mayaman talaga. Pareho kami ng ugali niya. Pero MAS matapang siya sakin. Kahit lalake nasasapak niya eh. Talo pa yung siga. Hahaha! Pero mabait yan, sa mabait. Pero kung b*tch ka? MAS B*TCH siya sayo.

A/N: See the picture on the side.

So ayun nga, ti-next ko agad si Yanna para papuntahin dito.

"Ah. She, I thought you're going to stay there for good? Then, bakit bigla ka na lang bumalik? I mean yun ang gusto ni Tita Sienna, diba?" I asked.

"Yeah. But it's my life. Tsaka, nakakaboring kaya dun. In my five years there, di ako naging masya." Sagot niya.

"Bakit naman? Eh, ang sarap-sarap kayang tumira dun sa america."

"Akala mo lang yun noh. Pero hindi. Mas masarap pa rin talaga dito Philippines. Kahit na mainit at walang snow. Atleast, kasama kayo ni Yanna" sabi niya sabay kain ng pancake. "Oh, wait. Speaking of Yanna. Where is she?" SJ asked.

"I texted her already. Malamang papunta na--" Naputol yung sasabihin ko nang biglang bumukas yung pintuan. "Oh, ayan na pala siya eh." I continued.

"SHEEE/YANAAA!" Sabay nilang sigaw. Super miss nila ang isa't isa ah. Haha! Nagyakapan lang silang dalawa dun habang ako nakaupo lang. Haha!

"Grabe ah? Nakalimutan na ko?" Sabi ko na kunwari ay nagtatampo. Haha!

"Sorry naman. Na-miss ko lang tong babaeng to." Sagot ni She. Then we all laugh.

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil kailangan ko pang mag-review para sa quiz namin mamaya. Hindi kaya ako nakapag-review kagabe dahil anong oras na rin umuwi yung dalawa. Kaya pagkaalis nila kagabe, natulog na lang ako. Di ko na rin namalayan kung anong oras na nung dumating sina Mommy.

Tinapos ko lang yung pagrereview ko at bumalik na ako sa classroom namin. Sa math pa naman yug quiz kaya dudugo na naman ang utak ko neto.

Sa wakas, natapos din ang pagdurusa ko sa quiz namin sa Math. Buti na lang at puro mutliple choice ang quiz. Sana lang may tamang sagot ako. Hahaha! Tumayo ako at lumabas ng room. Pupuntahan ko lang si Yanna. Baka tapos na silang mag-klase eh.

Naupo muna ako sa bench na katapat ng room nila Yanna. Si Ms. Devirra pala ang teacher nila ngayon. Siya ang isa sa pinaka masungit na teacher sa school na to. Palaging nakasimangot kaya ang bilis tumanda. Ang susungitan ka kahit wala kang ginagawang mali. Siguro bitter dahil iniwan ng asawa niya.

Nagsitayuan na ang klase nila kaya tumayo na rin ako. Maya-maya lumabas na si Ms. Devirra, kaya nagsilabasan na rin ang mga kaklase ni Yanna. Pumasok ako sa loob ng classroom nila. Hindi naman bawal dahil wala na silang klase.

"Ang sungit talaga ni Ms. Devi!" sabi ni Yanna habang padabog na inilalagay ang notes niya sa bag niya. "Buti na lang walang letter 'L' sa huli yung pangalan niya. Dammit. Napagalitan na naman kami." Inis niyang sabi.

"Hayaan mo na. Kelan ba naman yan bumait?" sagot ko. "Bilisan mo na diyan. Ang bagal."

She frowned at me before she answered.

"Sandali lang diba?" She retorted.

"High blood masyado kay Ms. Devi ha?" I replied.

Sa wakas, nayapos din siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Napakabagl tagala.

Lumabas na kami ng room at maglakad papunta sa cafeteria bago siya sumagot.

"Eh ikaw ba naman kasi ang pagalitan ng wala ka namang ginagawa. Actually, nadamay lang ako."

"Si Sidmon na naman noh? Haha. Kahit kelan talaga. Pahamak yun!" I said. Di naman na siya sumagot.


Falling For You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon