Third Person's Pov
Mas lalong naging close sila Andrei at Nikka. Lalo na nung nagbreak sila Andrei at Alyssa. Dahil nahuli ni Andrei si Alyssa na nakikipag halikan kay Kyle.
Si Nikka ang naging sandalan ni Andrei, sa oras na malungkot sya. Lagi silang magkachat, magkatext, at magkasama. Dahil doon, nagtatampo na ang mga kaibigan ni Nikka sakanya.
“Ano ba naman yan Nikka. Lagi mo nalang kasama si Andrei. Nakakalimutan mo na kami.” Sabi ni Princess, bestfriend ni Nikka.
“Sorry naman. Kailangan kasi ako ni Andrei. Alam mo namang mahal na mahal nya si Alyssa, tapos nakita nyang nakikipag halikan ito sa ibang lalaki.” Pag dedepensa ni Nikka.
“Alam naman namin yun e. Pero, kelangan ka din namin.”
“Sorry talaga Guys. :(”
“Hay nako, ano pa nga bang magagawa namin? Pasalamat ka mahal ka namin. Nako.”
“Thank you! Wah! Mahal na mahal ko talaga kayo. MWa! :*” Pagkatapos nun ay nag group hug sila.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
UWIAN..
“Nikka!” Tawag ni Andrei kay Nikka.
Pero, di lumingon ang dalaga, kaya naman nagtaka ang binata.
“Nikka!” Tawag nya ulit. Ngunit, di pa din lumilingon si Nikka.
Kaya nagpagpasyahan nyang habulin nalang ito.
“Oy! Ano ba problema mo Nikka? Bingi ka na Te?” Hingal na sabi ni Andrei kay Nikka.
“Huh? Tawag mo ba ako? Pasensya na. Dko narinig. Anyways, mauna nako ah? Kelangan ko pa kasing gawin yung project namin.” Sabay alis ng dalaga.
Hindi kumbinsido si Andrei sa dahilan ni Nikka, pero hindi nya muna ito ginulo.
---
A/N: Bakit kaya umiiwas si Nikka? Hmmmm? Abangan. :)