Practice Teachers Talaga Oh! (Part 2)

32 0 0
                                    

END OF BREAK...

10:00 - 11:00 am. CREATIVE ARTS.

Student teacher 5: Francis M. Alangka III ; Francis Magalona ba tatay ng mama mo?

= Wooops! May potential yata to ah.. Strikto.. Alam makisama sa mga estudyante.. Pero.. AYSH! Hindi naman magaling magturo.. Kinakain niya ang sinasabi niya. Buti sana kung binibigyang linaw niya. Teka! Carving ang topic namin ngayon. Masyadong interesting yung subject para sirain niya.. Sana huwag niyang sirain ang paningin ko sa arts.

= Okey lang yung teaching style niya. "Watch-and-see" type. Okay lang para sa akin kasi audio-visual akong tao. Nakakaintindi kapag may nakikita o naririnig. Bilib nga ako sa mga classmate kong complex visual. Nakakaintindi kapag nakakabasa lang.. Tss.. OO NA! Sila na ang magaling. Alam ko na mas matalino sila sa akin pagdating sa IQ, pero huwag ka ah.. Nakakalamang yata ako sa attitude at actual performance pero kapag basa-basa lang? Medyo di ko yun carry.

11:00 - 12:00 noon. PHYSICAL EDUCATION.

Student teacher 6: Joseph Tino ; black belter (Taekwondo); Height: 6'2''

= Mataas-taas na rin yung height nito. Wow! P.E. pala namin ngayon! Tamang-tama, pagkatapos nito, Lunch break na. Sana naman nakaka-engganyo 'tong Taekwondo.

= Strikto rin ah. Masungit na halos magdikit na ang kilay sa kasisigaw ng HANA, DUL, SET, NET, DASOT, YASOT, ILGUP... Mamamaya, baka mahigup pa niya kami sa kasisigaw ng ILGUP! Pero daig pa rin siya ni Leonardo (classmate ko). Dikit na kilay nun eh. Makapal pa. (^_^)V.

= Uh.. Malakas sipa niya. Deserving na tawaging BLACK BELTER. Sana nga lang, walang matamaan sa sipa niya. Ang haba kaya ng paa niya, eh ang liit ng gym. Imagine, 6'2'' na Taekwondo player, sisipa ng 45 degrees eh ang liit ng gym. Wala, baka matapon pa kaming lahat niyan. Mahaba ang legs niya eh. Idagdag mo pa yung 50 sized na paa niya. GOLLY! Kapag magso-soccer siguro yan, kahit wala pa sa goal, naka-shoot na yan. Eh ang haba niya. Kung usual height nga ng players is 5 inches, edi siya pa na 6'2''. Nakakatakot! Imbes na yung jogging pants ko ang tinutuunan ko ng pansin (baka mapunit), yung paa niya tuloy ang binabantayan ko. Malay mo, baka maapakan ko o kaya, baka magdemo ulit siya ng sipa, ako pa niyan ang lilipad sa langit?

12:00 - 1:00 pm. LUNCH BREAK!!

=Whew! Nakakagutom rin yung Taekwondo ah. Pero dapat huwag akong tumutok dun, baka pag naglaro ako ng soccer, madidisqualify pa ako dahil sa kasisipa ng mataas? Sa Soccer kasi, magiging 'DANGEROUS KICK' yung sipa mo kapag parang sa Taekwondo. Pag sumipa ka ng mataas, ma-aalis ka sa game.

=Ano ba baon ko ngaon? CHINIWNG! Ay! Itlog! (~.~) Nakalimutan ko pala, ako yung nagluto ng baon ko kaninang umaga. Makakalimutin rin kasi ako ei. (^_^) Wala rin kasing ibang laman yung ref kundi manok, quail, turkey. Puro ibon naman oh. Itlog nalang, para hindi kumplikadong lutuin.

~Kaya pala puro itlog mga score ko kanina sa quizes. Hehe.. Masyadong malakas ang tama ng itlog sa akin eh. Para bang pag sa mga ANEMIK na tao, may bawal sa kanila na pagkain dahil di sila makakatulog. Sa akin, pag kumain ako ng itlog, mawawala yung utak ko. Maglalakwatsa muna sa sarili niyang mundo. Kaya ako di pumasok minsan nang nakakain ako ng ITIK. Basta! Ewan ko ba, bigla nalang na nagmukhang ITIK lahat ng mga taong nakikita ko. May sakit ba na ganoon? Ahayy! Allergic lang siguro ako sa mga FLIGHTLESS BIRDS. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Practice Teachers Talaga Oh!Where stories live. Discover now