Practice Teachers Talaga Oh! (Part 1)

73 1 1
                                    

Good Morning class!!

Good Morning Ma'am..

Araw-araw, ganito nalang ba? Babati yung guro, babati rin yung mga estudyante.. Buti pa sa Teacher Onizuka, masaya ang klase kaya nga lang pervert yung guro.. Sheesshh.. Maka-imbestiga na nga lang. Wala kasing magawa eh.. Kung magsusulat ako, nakakahiya naman kapag mabasa pa ng tinaguriang writer ng klase namin.. Wew! Mas bata kaya siya kaysa sa akin ng dalawang taon.. Tapus, mas malawak ang bokabularyo niya kaysa sa aming mga ate't kuya niya. Palibhasa naman kasi, mga abnormal ang pamilya niya. Hindi yung abnormal na may sakit, yung tinutukoy ko ay yung ABOVE NORMAL talaga. Iyong mga advance ang mga pag-iisip. Pero hindi ako naiinggit sa kanya kasi may kanya-kanya naman kaming mga katalinuhan kung tawagin.. haha..

Dito sa amin, kami iyong Section 1, kumbaga iyong mga matatalino.. hehe.. Ine-explain ko lang kung paano iyong sitwasyon namin dito sa paaralan ha.. Hindi ako iyong tipo ng tao na i-a-appreciate ko ang sarili ko..

Balik tayo sa mga Practice teachers ha..

7:30 - 8:30 am. CHEMISTRY,

Student Teacher 1: Marina Catalino, Gender: female, Height: 5'4'', always wears black.

= Aba, aba, aba... kung makapagsalita parang fast-forward na radyo ah.. ambilis magsalita.. para bang nakikipagbarilan sa mga rebelde. Pwede na sana pero..... AY! Ano ba! Kung makapagsalita parang nakikipagdebate, tumatalsik pa ang laway eh ang layo-layo ko kaya.. Akalain mo, nasa 3rd row ako, umaabot pa yung talsik ng laway niya. Eeeew! Edi lalo na sa mga nasa front rows? Kawawa naman sila, kaya pala parang oily yung mga mukha nila pagkatapos ng lecture. Kaya ang moral lesson? Always bring your face towel.

Student Teacher 2: Juan Pedro, Gender: male, Height: 5'7'', spiky haired

= Uy, may pangalan pala na ganoon? heha.. Pinagsamang Juan at Pedro? Sige nga tignan natin kung nararapat itong maging teacher balang araw.......................... AHY!! Hindi ka na sana kumuha ng kursong Education. Sobra ka naman kung makanginig. Multo ba kami? Kung makatingin naman sa amin, para bang kakainin namin siya.. Napagtripan tuloy ng mga kaklase ko oh.. "Raar.. Raarr.." binubulong-bulong nila.. Haayyy.. naku.. Nakaka-awang tignan ang mga klase ng  taong ganito. Pupunta lang sa harap, at magsasalita ng kaunti, para bang END OF THE WORLD.. Tatakbo-takbo sa paligid. Minsan nga iyong isang classmate namin, pinilit naming kumanta para sa magreretire na teacher namin, waaaa... nakakatakot.. Para bang WORLD WAR 2.. kung sino mang humawak o kaya'y lumapit sa kanya'y susuntukin niya. Lumayo tuloy mula sa amin.. Lumipat ng eskwelahan kinabukasan.. Tignan mo? Nabaligtad tuloy ang mundo. Imbes na iyong guro ang magreretire, inunahan niya pa. Talaga sigurong may taong ganoon no?

8:30 - 9:30 am. RESEARCH.

Student Teacher 3: Yleen Humawi, Gender: female, Height: huwag na, mas maliit siya kaysa sa akin eh..

= .........HOOOOO!! Ano ba! Maganda sana tong subject na ito eh. Mahirap ngunit naiintindihan kapag yung headteacher ang nagtuturo. Pinahihirap lang ng Practice teacher na ito eh. Imbes na ine-explain niya yung lesson, pinacomplicate niya pa lalo. Ikaw ba naman ang hindi malilito sa sinasabi niya.

Ex: SIMPLE EXPLANATION: Follow the MDAS (Multiply, Divide, Add, Subtract) rule to get the value of the factor. Imbes na ganoon ang sasabihin niya.. ganito ang istilo ng pag-eelaborate niya;

"You add these and subtract these but before that, you must multiply it. And again, divide it to get the value." Ano ba! Mas naintindihan ko pa iyong nasa libro ah.. Lintek naman oh..

Student Teacher 4: Mark Gabi, Gender: male, Height: nakaka-ubos ng hininga na 8'6''

= Alam niyo yung sa unang tingin palang eh, nagmumukhang guwapo, matalino at karespe-respetong tipo ng guro na sinasabi ko? Ayan! Dumating na ang ideal teacher ko.. Sana nga matalino siya. Okey lang siya.. With glasses, with filecase, polo shirt, black pants, black shirt, neat hair (na hindi spiky o kaya may gell).. Ma-appeal talaga siya.. Ngunit pagkadating ng disscussion-- ang tinis ng boses.. Hwew! Nakakita na nga ng ideal teacher, SHOKLA naman pala! Pwe! Wala na ba talagang darating na matino?

9:30 - 10:00 am. RECESS.

= Haaaaaayyy!! Nakakastress! Buti nalang may mala-langit na 30 minutes break! Kakain ako ng maraming chocolate para gumana ang utak ko. Kung ba't ba kasi nakakasira ng ulo iyang mga Practice Teachers. Nakakaubos ng pasensya at nakakapagod dinggin sa tenga. May pangit ang accent na trying hard mag British-English, meron naman iyong mga may mga sinisiksik na mga salita sa kanilang diskusyon gaya ng: "Okay class! This is a different kind of bacterium, okay? Let's start with the lightest, okay? Now put it into a slide okay? And insert it, okay, into the slot in the microscope okay?" AAAAAAAAAHHH!! Hindi ba't nakakainis?! Nakakasira kaya ng concentration! Lalong-lalo na't katabi ko itong mga pilosopong kaibigan ko.. Binibilang-bilang nila yung mga nasasambit na OKAY. Pagkatapus rinerecord nila. May 'average words said' pa na nalalaman 'tong mga mokong na 'to. Talagang punong-puno ang kanilang notebook, hindi tungkol sa mga diskusyon kundi mga guhit-guhit na kung anu-ano jan;

OKAY words counted=  ||||| - ||||| -||||| -|||||- |||||- |||

NOW words counted= ||||| - ||||| - ||||| - ||||

USUALLY words counted= ||||| - |

ACTUALLY words counted= ||||| - ||||| - ||||| - ||||| - ||||| -||

Minsan, umaabot iyan sa isang daan na guhit. Nagmumukha tuloy silang mga Kinder na nag-aaral magsulat ng straight lines.

||| KM |||

Practice Teachers Talaga Oh!Where stories live. Discover now