Ang init sa Maynila. Traffic pa sobra. Kaya parang kalahati ng araw ko nakapila lang ako sa MRT. Tapos siksikan sa loob at balyahan. Minsan pag naka overtime, last trip na naabutan ko pero siksikan pa rin. Maganda rin naman pagmasdan yung EDSA mula sa taas kaya nag eenjoy naman ako kahit papaano.
Minsan pag wala sila Papa hihiramin ko yung kotse, baka mas mabilis kasi pag nag drive na lang ako pa-trabaho. Pero parang same lang.
Di pa rin ako nakakabili ng auto kahit kaya naman na ng sweldo ko. May savings na rin naman ako and sapat naman na pang downpayment every month ng kotse. Traffic lang kasi talaga. Pag dumagdag pa ko sa quantity ng cars na bumabyahe sa EDSA edi lalong tumprapik.
Paguwi ng condo, pagod na ako pero kailangan pa rin tapusin yung mga inuwi kong trabaho. Grabe, ang hirap ng adult life. Quit na ko.
Pagbukas ng pinto, babatiin ko si Leo, yung mataba kong pusa na tilapia color tapos papakainin sya. Maliligo ako tapos mag ttrabaho ulit hanggang matapos. Ganun talaga pag nag ttrabaho na.
Parang cycle lang yung buhay ko. Routine lang. Paulit ulit. Sabi nga ni Sarah G, ikot ikot lang.
Pero simula nung magka Jennie Kim sa buhay ko, parang naging okay yung lahat.
Jennie and I met sa isang event ng company namin. Marketing head sya ng isang department ng sister company namin tapos logistics head ako. Nung nagkaroon ng project meeting para dun sa event, nagkausap kami ng medyo matagal since heads kami pareho.
Mataray pero maganda. Yun yung first impression ko sa kanya. Awkward pa man din akong tao pero okay naman ako makisama. Nahirapan akong mag approach sa kanya kasi nga parang ang taray nya.
Pero shet ang ganda nya sobra. Ayun tangina, instant crush.
Alam nyo, unang napansin ko talaga sa kanya yung mga mata nya. Sobrang enticing. Ang mysterious ng dating eh. Sobrang good rin ng work ethic nya, nasunod sa deadline at masipag mag paperwork. Walang problema katrabaho. Kaso mukhang straight, di ata pwedeng pormahan. Parang may boyfriend eh.
Tapos nalaman ko pa na kabarkada pala siya ni Rosie na classmate ko nung college. Na chismis pa tuloy ako ng wala sa oras nung nakita nyang namula ako nang sobra nung nginitian ako ni Jennie nung event kasi successful. Naalala ko pa na naka tatlong Red Horse pa bago ako napaamin na may gusto nga ako kay Jennie.
"Tanga, di straight yun. Promise Jesus." Sabi ni Rosie habang naka ngiti. "Lakas ng tama mo kay Jennie. Can't blame ya tho."
Edi ayun na nga. Nasama tuloy ako sa inuman nung nagka reunion ang barkada. Unang bati pa sakin, pagka taray-taray. "Barkada ka na ba namin ngayon?" Sabay taas ng kilay.
"..uh.." Napalunok pa tuloy ako.
"Hala shet joke lang Lisa!" Sabi nya habang tumatawa, "You're always welcome to our barkada. Tignan mo mamaya i add ka na nila sa GC." She smiled.
She was wearing a spaghetti strapped top with a kimono and short shorts. Her smile beaming. Tangina ang ganda.
Then I was introduced to their friends. "Guys this is Lisa. She's the head engineer sa company namin." Yung friends nya based sa poor memory ko is Irene, yung dentist. Si Nayeon, yung currently MA sa UPD. Si Solar, yung kindergarten teacher. And si Joy, yung aspiring lawyer.
Grabe buong gabi feeling ko nakalutang lang ako. Ang accommodating ng friends nila Rosé at Jennie. Di nila hinahayaang di ako makarelate sa topic na pinaguusapan nila. Ineexplain nila yung context para ma gets ko. Quality.